Akin ka lang

10K 93 21
                                    

NOT EDITED

CLAUDETTE's POV

ILang araw na ako dito sa ospital ni Anino ni Reden ay hindi ko makita..

Natanaw ko mula sa kama ko ang batang isinilang ko ilang araw na ang nakakaraan.

"NURSE!!!! NURSE!!!! " ilang sigundo ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang nurse..

"Ma'am?" Nagtatanong ang kanyang mga mata..

"Pakialis nga ang batang yan dito sa kwarto ko" inis na sabi ko..

Puno ng pagtataka ang mukhan ng nurse nagtungo sa crib at binuhat ang walang malay na bata na mahimbing na natutulog at lumabas ng silid..

Ni tingin ay hindi ko tinitingnan ang bata. Naiinis ako dahil hindi naman dugo ni Reden ang dumadaloy sa ugat ng batang yun..

Sabi ng mga doktor bukas ay makakalabas na ako..

Nahiga nalang ako para matulog pero bumukas ang pinto pumasok si Jake buhat na ang bata at kasunod si Jelyn na masama ang tingin sa akin.

"Anong klase lang ina para palabasin ang isang baby sa kwarto mo?" Masungit na sita sa akin ni Jelyn..

"Wala akong pakialam sa batang yan, umalis na kayo at isama niyo na ang batang yan"

Hindi ba nila ako naiintidihan na ayoko sa batang yan..

Ilang araw na silang pabalik-balik dito.. para bisitahin ang ako. O masa tamang sabihin na ang baby talaga ang binibisita nila..

"Wala ka talagang puso, Napagmasdan mo naba kung gaano kaganda ang anak mo" sabi pa ni Jelyn.

Napangisi ako. "Sinabi ko na nga na wala akobg pakialam, bakit ko pa siya pag-aaksayahan ng oras para tingnan. Hala magsi alis na kayo at isama niyo na ang batang yan, huwag na kayong babalik" pagalit ko ng sabi.

"Hindi ka nga nararapat na maging ina ng anak ko" sabat naman ni Jake. Saka sila lumabas buhat ang bata..

Siniringan ko ang pinto ng makalabas na sila..

Mga tanga ba sila? Hindi ba nila nararamdaman kung gaano akong nasasaktan ngayon?

Ilang araw na ako dito sa ospital ay hindi manalang ako sinisilip ng asawa ko?

Bumalik na ba siya sa babaeng haliparot na iyon? Walang alam gawin sa buhay kundi maglandi..

Sa oras na makalabas ako ng ospital na ito at mabawi ko na ang lakas nawala sa akin dala ng panganganak ko ay iisa-isahin ko silang mga hayop sila..

Titiyakin kong hihingi sila ng tulong kay Satanas..

Napangisi ako, naiimagin ko na sa utak ko kung paano kong pagpipira-pirasuhin ang katawan ni Adanna..

Isang tao lang ang alam kong makakatulong sa akin.. Lalo akong napangisi ng malaki..

ADANNA's POV

Ilang araw na rin mula ng huli kaming magkita ni Dawe.

At ngayon nag-uumpisa na akong mainis dahil kanina ko pa siya tinatawagan pero naka off ang phone niya..

Anu naman kaya ang problema niya?

Nung hili kasi kaming magkita ay masyado siyang tahimik at parang laging may iniisip?

ADANNA (completed) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt