Sion,Simon

10K 84 28
                                    

Not Edited

DAWE's POV.

Mula ng mangyari ang pamamaril at hindi talaga ako umaalis sa tabi ni Adanna.

Nung mga oras na iyon ay hindi ko agad nakita ang parating na bala.. nagulat nalang ako ng makita ko si Reden ng nakahandusay na. Hahabulin ko sana yung lalaki pero kinabahan na ko ng barilin niya si Adanna.

Ngayon ang araw ng libing ni Reden, napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko? Sana lang ay wala itong maidulot na kapahamakan sa kanya.

Nasa Cr pa si Adanna at naliligo, ako nakabihis na at hinihintay ko nalang siya. Ang tagal pa naman maligo ng isang yun.

Nang biglang nagring ang Cp ko.

"Hello"

"Hello" nilingon ko ang pinto ng cr kung nasaan si Adanna..

Hindi niya pwedeng marinig kung ano ang paguusapan namin ng nasa kabilang linya. Kaya lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Alam ko na kung sino ang may pakana" sabi niya pa.. hindi ako kumibo. "Huwag mong iiwan mag-isa si Adanna, wag na wag mong iaalis ang paningin mo sa kanya"

"Gagawin ko yan kahit hindi mo sabihin"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niyasa kabilang linya, "i know, gusto ko lang makasiguro na walang mangyayari sa kanya"

"Huwag kang mag-alala hindi ko siya pababayaan"

"Salamat sa Pag-aalaga sa kanya"

"Trabaho ko ito, kaya gagawin ko,"

"Wag mong sabihing trabaho mo lang ito kaya mo ginagawa yan, Alam kong mahal mo na siya, at mahal ka na rin niya, Ramdam ko yun, Kaya kahit masakit sa akin ay tatanggapin ko, basta ipangako mo lang na hindi mo gagawin ang ginawa ko"

"Makakaasa ka"

"Mag-usap tayo pagkatapos ng gulong ito"

"Ou sige mag-iingat ka"

"Baby sino ang kausap mo?" Nagulat pa ako ng magsalita si Adanna sa likod ko.

"Ah dating pulis na kasama ko nangangamusta lang"

Ngumiti siya sa akin, mahal ko talaga ang babaeng ito, pero alam kong darating ang panahon na kahit ayoko ay ibabalik ko siya sa taong talagang nag mamay-ari sa kanya..

ADANNA's POV

Nailibing nga maayos si Reden, hindi na nagpakita pa si Claudette pero alam kong nasa paligid lang siya at nagmamasid.. Hindi kasi ako komportble eh..

Pauwi na kami ni Dawe ng isang kotse ang bumunggo sa kotseng lulan kami.. kitang kita ko kung paanong tumama ang noo ni Dawe sa manibela at nwalan agad ng malay
masyadong malakas ang impact..

Pakiramdam ko nga anumang sandali ay mawawalan narin ako ng malay..

At tuluyan ng nagdilim ang lahat sa akin..

ADANNA (completed) Where stories live. Discover now