Revelation

11.4K 92 46
                                    

NOT EDITED

CLAUDETTE's POV

"Tigilan mo yan" inagaw sa akin ni Macy ang hawak kong kopita.

"Ano ba macy, ibalik mo sakin yan?" Pilit ko inagaw sa kanya ang kopita.

"Ano ba ang problema mo? Alam mong bawal sa ipinaghubutis mo ang pag inom" inis na sabi ni Macy habang iniiwas ang hawak na kopita.

"Wala akong problema, gusto ko lang uminum" naiinis na rin ako sa kanya.

"Bakit hindi mo nalang ipalaglag ang ang dinadala mo para makainum ka ng isang drum na alak" galit na si Macy.

"Alam mo naman na ayoko sa batang ito" sabay turo cko sa tiyan ko. "Nasisira ang maganda kong katawan habang lumalaki siya sa sinapupunan ko"

"Tsk.tsk.tsk, mas iniisip mo pa ang katawan mo kaysa sa magiging anak mo" galit na talaga si Macy.

"Dahil sa batang ito, hindi ko magawa ang gusto ko, kunh hindi ko lang magagamit ang batang ito laban kay Reden ay matagal ko na itong pinaalis sa sinapupunan ko"

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Claudette, Anak mo ang batang yan, anak niyo ni Reden,at nakikita ko naman kay Reden na unti-unti na niya kayong tinatanggap"

Napangisi ako, ang batang ito lang ang tinatanggap niya, dahil akala niya siya ang ama ng batang ito, well akala lang niya yun..

Ang sarap lokohin ng mga tao sa paligid ko. Lahat sila naloko..

"Hayaan mo siya Macy" biglang nagsalita si Jelyn, namumugto ang mga mata nito.. Malamang alam na niya..

"Pero Jel-"

"Sabi ko hayaan mo siya sa gusto niya, buhay niya yan"

Napangisi ako, at inagaw kay Macy ang kopita ko at mabilis na tinungga ang laman niyon.. Napangiwi pa ko ng gumuhit sa lalamunan ko ang alak..

Pak!

Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko ang malakas na sampal Jelyn..

Hindi na ko nabigla, marahil ay alam na niya, kaya hindi ko siya masisisi kung bakit siya nagagalit sa akin.

"Jel, anu ba buntos si Claudette" sabi ni Macy.

"Wala akong pakialam kung buntis siya" nagsimula na mangilid ang mga luha niya. "Tama si Adanna isa kang ahas Claudette"

Napangisi ako, inaasahan ko na to, pero hindi akalaing ganito kabilis ang lahat.. akala ko maitatago ko ang lahat ng ito pero hindi.

"Wala kang kwentang tao Claudette, para lang sa isang lalaki ginagawa mong makasalanan ang sarili mo" sigaw niya.

Sino siya para sigawan ako.. "wala ka sa sitwasyon ko para pagsalitaan ako ng ganyan"

"Nagmamahal din ako Claudette kaya alam ko ang sakit ng masaktan, pero ikaw ang sama mo, pati ako tinalo mo" umiiyak na siya..

ADANNA (completed) Where stories live. Discover now