WEDDING

17.7K 98 6
                                    




Nagising ako ng may magandang ngiti sa labi ng masilayan ko ang gwapong mukha ng lalaking mahal ko..

Dito siya nagpalipas ng gabi.. alam niyo na ang nangyayari kapag dito siya natutulog..

"Goodmorning" nakangiti niyang bati sa akin..

"Goodmorning" ganting bati ko..

"Im sorry babe but i have to go" bigla itong nagbangon at dumeretso sa banyo.. paglabas nito ay nakapaligo na at nakabihis na..

"Kelan ka kaya babalik?"

"Hindi ko pa alam, ittry kong makabalik agad"

Napabuntong hininga ako. Ngayon na matatapos ang pagasa kong magigiging akin pa siya.

"Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, intindihin mo nalang muna ako"

"Ou palagi naman kitang iniintindi, ang kaso lang hindi ko maiwasang masaktan.. sobrang sakit ng nararamdaman ko, umalis kana" sabi ko sa kanya.. tinalikuran ko siya at humihikbi na akong umiyak gamit ang kumot na siyang tumatakip lang sa katawan ko..

Naramdaman ko ang paghalik niya sa braso ko.. at ang bigat ng mga hakbang niya papalayo sa akin, palabas ng kwarto.

REDEN's POV

Sobrang Bigat ng loob kong iwanan si Adanna sa ganong sitwasyon.. Ang gusto ko lang ay manatili sa tabi niya at yakapin siya hanggang sa siya ang magsawa pero wala kong magawa.

"Damn" bigla nalang yan lumabas sa bibig ko habang nagda-drive ako papunta sa hotel..

Kailangan daw ako ng maaga sa hotel para sa kasal.

Ou mabigat man sa loob ko ngayong araw na ito ang kasal ko kay Claudette..

Kung pwede lang na hindi ako pumunta dito tumakas nalang kaya uli ako? Pero hindi ko na pwedeng gawin yun ngayon..

"Sir kanina pa ko kayo hinihintay ng make up artist niyo uumpisahan na po kasi ang pictorial niyo" salubong sa akin ng isa sa mga coordinator ng Wedding namin..

Hindi ako nagsalita at tumango lang ako.. andito na ako eh wala ng atrasan..

Naisip ko bigla si Adanna kung sana ay siya nalang.. wala akong alalahanin tiyak na mgiging masaya kami.. Bakit nga ba hindi pwede? Kasi hindi siya kasing yaman ni Claudette..

Isamg marahas na buntong hininga ang pinawalan ko bago ako nagtungo sa kwartong para sakin..

Kung nasaan si Claudette ewan ko sa kanya..i dont fucking care..



CLAUDETTE's POV

NAKAHINGA ako ng maluwag ng matapos ang kasal namin ng walang aberya..

Akala ko bigla nalang susulpot si Adanna para pigilan ang kasal namin.. Malamang narealized na niya na wala siyang laban sa akin.. sinasabi ko na nga ba at sa huli ako parin ang panalo.

Pagkatapos ng pictorial dito sa simbahan ay dumiretso na kmi ni Reden Sa Garden Resort ang Hotel..kung saan gaganapin ang reception..

Hindi mapatid ang ngiti ko kasi pag aari ko na ang lalaking katabi ko ngayon..

Tumuloy muna kami sa Room na kung saan nakacheck in si Reden para daw i retouch ang make up ko bago humarap sa mga bisita..

ADANNA (completed) Where stories live. Discover now