Truth

9.9K 80 56
                                    

NOT EDITED

ADANNA's POV

Napansin ko agad ang bendabg nasa ulo niya.. Lihim akong nagpasalamat sa poong maykapal na buhay siya.. Naiyak ako ng yakapin niya ako matapos niya akong lapitan..

Agad niya hinubad ang suot niyang t-shirt at isinuot sa akin saka niya ako kinalagan.

Yumakap uli siya sa akin ng mkawala ako sa pagkakatali..

"Mamaya na ang yakapan tulungan mo muna ako?" Napalingon ako ng makita ko kung sino yung nagsalita..

Si Reden.. buhay siya? Paanong?

Umalis si Dawe at tinulungang itali si Renz sa poste kung saan ako nakatali kanina, basag na ang mukha ni Renz at walang malay.

Si Claudette parang tangang kinakausap ang sarili.. nakaupo sa sofa at panay ang salita..

Lumapit si Reden sa kanya at niyakap si Claudette.

Parang nadudurog yung puso ko sa tagpong yun.. kasi naaawa ako sa kanilang dalawa yung mga nangyari hindi biro..

"Papatayin ko na sila, basta wag kayong makikialam akong bahala okay" sabi ni Claudette habng yakap siya ni Reden.

Pinagmasdan ni Claudette si Reden nang matapos ang pagyakap sa kanya ng huli.

Ngumisi Claudette at hinaplos ang pisngi ni Reden.. Tapos ay humarap kanan niya.. "ou Simon ihuhuli ko ang lalaking nasa harap ko, tapos iinumin ko ang dugo niya, kagaya ng sinasabi mo, Hahahahaha"

"Reden tara na" aya ni Dawe sa kanya.. "Hindi na makakatakas ang isang yan" tukoy niya kay Renz na wala pa ring malay.

Inakay ni Reden si Claudette palabas ng bahay na panay ang salita at bumubulong, ang dami niyang sinasabi tungkol sa mga pagpatay.. naging bayolente na ang utak niya.

Umakbay naman sa akin si Dawe, "Ayos ka lang?" Siryoso ang mukha niya at mukhang kahit biruin mo siya ay tatamaan ka niya..

Tumango lang ako sa kanya.. Paglabas namin ng apartment ay nakita namin ang pagdating ng mga pulis. Bumati ang iba kay Dawe.

Ilang sandali pa ay bitbit na nila ang Tulog paring si Renz..

Inalalayan ako ni Dawe na makasakay sa kotse niya.. sa likod naman namin ay si Reden at si Claudette na panay parin ang salita.. Mukhang hindi na niya nakikilala pa ang asawang nasa tabi nito.

Masaya akong buhay siya, Masaya nga ba talaga ako?

O parang pinipilit ko lang maging masaya dahil ito ang sabi ng utak ko na dapat kong maramdaman ang maging masaya. Pero sa kaibuturan ng puso ko ay wala akong maramdamang saya..

Bigla nalang akong nalito? Kung papipiliin ba ako sa dalawang taong ito? Sino ang mas nakalalamang? Yumuko nalang ako at nagisip ng nagisip..

REDEN's POv

(nung araw na mabaril siya)

Nang magkamalay ako ay agad kong pinatawag si Darwin,

Si Dawe lang ang taong alam kong makakatulong sa akin..

ADANNA (completed) Where stories live. Discover now