Chapter 8: Special

Start from the beginning
                                    

Pakiramdam ko buong pagkatao ko ang namula sa sinabi niya. I don't even know how that's possible. "V-Virgin? Nalalaman ba 'yon sa buhok lang?"

Natigilan si Luna at napakunot-noo sa sinabi ko habang si Trace naman na nakatitig pa rin sa mukha ko ay biglang inihit ng ubo. Tinapik-tapik niya pa ang dibdib niya na para bang may bumara roon na kung ano.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Luna nang mukhang maintindihan niya na ang ibig kong sabihin at pagkatapos ay napabunghalit siya ng tawa. "Omg you're such a sweet thing. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin no! What I mean is hindi pa nasasayaran ng kahit na anong kemikal ang buhok mo na dala ng rebonding, coloring, at kung ano-ano pa."

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya pero natigilan ako nang maramdaman ko ang malambot kong buhok. Hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko at hinaplos-haplos ko iyon na para bang nababalatubalani ako roon. Hindi ko na kasi matandaan kung kailan ko huling naramdaman na ganoong kalambot at kadulas iyon. Hindi ko naman kasi masyado talagang pinagtutuunan ng pansin ang mga ganoong bagay dahil lagi lang naman akong nasa bahay. Hindi ko kailangan mag-ayos.

"Here. Bago lahat ng 'to. Nandiyan din ang mga pang kilay, mascara, at kung ano-ano pa na pwede mong gamitin. Naikuwento ka kasi sa akin ng mga kapatid ko kaya naisipan kong bumili ng mga 'to nang mapadaan ako sa mall. I don't have a sister so obviously I don't have anyone to play barbie with." sabi niya at inabot sa akin ang maliit na bag kung saan niya isinilid lahat ng mga gamit. Pagkatapos no'n ay tumingin siya sa kapatid niya at pinaikot ang mga mata. "Dahil lahat ng barbie ko pinapangit ng kutong-lupa na 'yan."

"You ruined my truck." he returned to her.

"Whatever."

Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko na bag. Kahit wala naman akong alam tungkol sa mga ganito ay nasisiguro ko namang hindi mura ang mga ito. Hindi ko nga alam kung bakit pinagkagatusan niya ako gano'ng hindi pa naman niya ako nakikita sa personal.

"Luna, thank you dito pero hindi kasi talaga ako marunong gumamit ng mga 'to. Sayang lang. Saka hindi bagay kasi talaga sa akin. Hindi naman ako umaalis kaya hindi ko rin kailangan." sabi ko sa babae at pagkatapos ay inabot ko pabalik ang bag.

"Anong hindi bagay eh ang ganda mo nga ngayon? Not that you're not pretty before. You're pretty and cute as you are but now you look like a woman who cares. I mean, I'm all for bare face and no effort beauty. Pero kung aalis ka o may gathering magandang alam mo kung paano gamitin ang mga ito. And sometimes we girls just deserve a little bit of pampering and that's not a bad thing."

"A-Ano kasi...lagi lang talaga akong nasa bahay."

She beamed at me and then she hand me back the bag. "Hindi na ngayon kasi siguradong balang-araw isasama ka ni Kuya sa kung saan-saan. Dahil din kilala na kita at kilala mo ako, I will invite you to my parties!"

Dahan-dahang lumingon ako kay Trace habang sigurado akong kitang-kita sa mukha ko ang pangamba sa sinabi ng babae. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin na balang-araw ay isasama ako ni Thorn sa kung saan pero pakiramdam ko gusto kong magtago sa bundok dahil sa huli niyang sinabi. Si Luna kasi iyong klase ng tao na isang tingin pa lang alam mong laging may ganap sa buhay.

"You'll be okay." he said with a chuckle.

Bumaling sa kaniya si Luna at pagkatapos ay masama ang tingin na humalukipkip ang babae. "Pwede iwan mo muna kami? Magpapalit pa ng damit si Lucienne."

"Fine." Mataman niyang tinitigan ang kapatid na para bang binabalaan. "Behave. I'll just be outside the door."

"Umm...bakit? Okay naman ako." sabi ko at nahihintakutang tumingin kay Trace na kinindatan lang ako bago hinila pasarado ang pintuan. "Anong nangyayari?"

Dagger Series #1: UnwrittenWhere stories live. Discover now