Nakaiwas ako pero dahil sa pagtapak ko sa gas ay naging sobrang bilis ng patakbo ko at huli na ng makita kong babangga ako sa isang malaking puno.

"Selena!!" pangalan ng babaeng pinakamamahal ko ang aking binanggit bago ako mawalan ng malay.

>>>>

Kanina pa ako kinakabahan, maghapon ng wala si Nico. Maaga siyang umalis kanina, tulog pa ako ng umalis sya, nagpaalam naman siya kagabi na tutulong siya sa taniman.

Kaya kampante ako na naroon lang siya, pero ng dapithapon ay dumating si tiya at Arman na tinanong ako kung dumating naba si Nico ay binundol na ako ng kaba.

"Ang sabi niya kagabi ay tutulong siya sa inyo sa taniman tiya kaya kampante ako na kasama niyo siya maghapon." kinakabahang saad ko.

"Ang totoo ate, balak kang sorpresahin ni kuya Nico, pinahanda nga niya ang batis kung saan kayo nag picnic noon. Nakahanda na iyon kaninang hapon pa, kaya nagtaka ako ng mag dadapit hapon na ay wala pa sila ni inang."

"Ako naman ay naghihintay sa kubo nina aling Geronima, doon dapat kami magluluto ng espesyal na pagkain para sa sorpresa niya sa iyo hija, pareho kami ni Arman na papunta sa isa't-isa ng magkasalubong kami sa daan at malaman na walang Nico ang dumating mula kanina." paliwanag ni tiya.

"Pero wala pong Nico ang umuwi mula kanina pang umaga tiya, nasaan na po kaya siya." nag-aalalang sabi ko.

"Relax ka lang ate, baka naman may naging problema lang pero pauwi na rin si kuya Nico." pagpapakalma naman sa akin ni Ana.

"Selena!  Selena!" humahangos na sigaw ni tiyo Gabo.

Kaagad kong binuksan ang pintuan upang makapasok siya, lalo lang lumakas ang kaba ng dibdib ko ng makita ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"B-bakit po layo humahangos tiyo?" takot man ako ay naglakas ako ng loob magtanong.

"Huwag kang mabibigla anak, pero si Nico naaksidente." pagkarinig ko ng mga salitang iyon ay nanghina ako.

"Ate!"

"Selena!"

Magkasabay na sigaw nila ng mapaupo ako sa sahig dahil sa balitang hatid ni tiyo Gabo.

"Nasaan po si Nico?! Puntahan po natin siya!" pagmamakawa ko habang bumubuhos ang mga luha ko.

"Tara dala ko iyong L300 pumunta tayo sa ospital para matignan natin amg kalagayan niya." sabi ni tiyo Gabo habang hawak ang mga kamay ko.

"Tara na Selena, kailangan tayo ni Nico." pinagtulungan nila akong itayo.

Kahit na nanghihina ay pinilit kong tumayo at maglakad patungo sa sasakyan ni tiyo Gabo.

Habang sa daan ay ikinwento sa akin ni tiyo ang mga nangyari, humiram daw si Nico sa kanya ng owner dahil pupunta nga ito sa bayan dahil may sorpresa siya sa akin.

Hindi lalo natigil ang luha ko, dahil sa gusto niya akong sorpresahin at mapasaya kaya siya umalis, kaya siya naaksidente. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Nakita daw ang owner jeep ni tiyo Gabo kaninang hapon na nakabangga sa malaking puno, sa gitna ng high way patungo sa bayan.

Pero wala na daw iyong laman na kahit sino, pero may nakakita daw sa aksidente na nangyari, muntik na daw maararo ng truck ang owner pero nakaiwas ito at bumangga sa malaking puno.

Si Nico daw ay walang malay na isinugod ng nagmagandang loob na dumaraan sa lugar na iyon. Mukhang mga dayo daw, mga turista.

Walang putol ang dasal ko na sana ay maayos lang ang lagay ni Nico, sa ospital na kami dederetso upang makita siya.

"Nico hintayin mo ako please, mahal ko malapit na ako." bulong ko sa hangin kasabay ng pagdarasal ko.

Umaasang pagdating ko sa ospital ay madatnan ko siya.

>>>>>

Nico's POV

"Finally! We found you!" bungad ni Juancho sa akin pagbukas ng pintuan pampribadong kuwartong kinalalagyan ko.

Nasa St. Micheal's Medical Hospital na ako ngayon, mabilis akong pinalipat ni Juancho ng tumawag ako sa kanya kanina.

Sabi ng mga nurse sa akin nang magising ako ay galing daw ako sa isang hospital sa probinsya, pero dahil walang sapat na makinarya doon para sa aking kalagayan ay inilipat nila ako sa pampublikong ospital sa maynila.

But i beacame conscious, at nainterview nila ako at natawagan ko ang nakatatandang kong kapatid.

"Ano pong pangalan ninyo sir? Wala po kasi kayong id para malaman ang identity nyo at hindi daw po kayo kilala ng mga tumulong sa inyo." saad ng nurse doon sa pampublikong ospital na pinanggalingan ko.

"I am Juaquin Ysmael Montereal, please call my brother Juancho Montereal and tell him I am here." mahina kong saad dahil sa panghihina.

Yun lang ang natatandaan ko, sa pag gising ko ay narito na ako sa kwarto ko sa st. Michael's.

"What do you mean by that?" sarkastiko kong sabi.

"Still a stubborn man, hinanap ka namin pero parang nagtago sa sa impyerno kaya hindi ka namin makita." sabi niya.

"I don't understand you, naaksidente ako kaninang madaling araw at nailigtas ako kaya tinawagan kita at heto ako. Ano bang pinagsasasabi mo riyan." nagtatakang tanong ko.

"I think you still need to be check." seryoso niyang sabi.

"Why i feel fine now." balewala kong sabi.

"Brother you are almost one year missing at ngayon ka lang ulit nakita dahil sa tawag mo sa akin." banayad niyang saad.

Natigagal ako sa aking nalaman, anong nangyari sa loob ng ilang buwan kong pagkakawala? Bakit parang kanina lang ang aksidenteng nangyari sa akin na noon pa pala nangyari.

"P-paano? I am on my way to our farm in Nueva Ecija when i met the accident this morning." puno parin ng pagtatakang saad ko.

"Yeah, that was almost a year ago, nakita ang kotse mo malapit sa bangin, pero wala ka na doon, halos isang taon ang lumipas hindi kami tumigil sa paghahanap sa iyo pero hanggang sa tumawag ka doon ka nalang namin natagpuan." paliwanag niya.

Napasabunot ako sa aking buhok hindi parin ako mapakali at nalilito ako sa mga nangyayari.

"Rest bro' kailangan kapa i pa check sa doctor para malaman natin kung ano ang nangyayari sa iyo." saad niya at tinapik niya ako sa balikat bago siya nagpaalam at lumabas na muli ng aking kwarto.

Nang makalabas ang kapatid ko ay muki akong humiga at sinubukan ko matulog ulit, pero hindi ko magawang makatulog dahil sa sinabi niya.

Where I Am in almost one year? I don't remember anything, what happend to me was like only yesterday.

Pinilit kong maalala kung ano talaga ang nangyari pero sumasakit lang ang ulo ko. Napailing ako at itinigil ang pilit na pag-alala sa ala-alang hindi ko alam kung ano.

I decided to sleep again and thanks to my comfortable room kaagad akong muling nakatulog.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now