Ikalabing Limang Kabanata :

Start from the beginning
                                    

"Zeus!" Hinila ko pababa ang kamay namin. Kainis na lalaki! Di na nahiya. Makita pa kami ng teacher, lagot kami.

Tumawa siya. "Why? Tss!"

"Kainis ka! Di mo ba nakikitang pinagtitinginan na tayo."

"It's normal, Minnie. Rockstar ang boyfriend mo." Aniya.

"Yabang! Tss!" Sagot ko. "Umm.. Zeus..." Lumingon siya. "Kumusta kayo ni Night? Okay na ba kayo?" First time kong i-open ang tungkol dun simula ng mag-away sila ni Night.

Sumeryoso ang mukha niya. "I'm not ready to talk to him, Caleila. I can't forgive him that easily."

"But Zeus----"

He stopped kaya natigil rin ako at hinarap niya ako. "Caleila, he tried to steal you away from me. He likes you. And he's my best buddy. Nagkagusto siya sa gilfriend ng kaibigan niya. Damn it!"

God! Nakokonsensya din ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Zeus na first love ko si Night.

"Ikaw ang pinag-uusapan rito, Caleila. At hindi ko mapapatawad ang mga taong maglalayo sa atin." He said in a serious tone. Napalunok ako at nagbaba ng tingin.

Inangat niya ang mukha ko. " I love you. Always remember that. And I can't bear if someone steal you away from me." He said bago ako niyakap sa gitna ng school field.

"Zeus... Kaya ko na. Hindi ako bata." Letsugas! Si Zeus na ata ang pinaka OA mag-alaga. Pati pagpupunas ng buhok ko siya pa ang gagawa.

Katatapos ko lang magpractice ng swimming. Hinihingal pa ako sa pagod. Todo push kasi ako magpractice. Ito ang kauna-unahang sport na sumama ako kaya gusto kong manalo para kay Zeus.

Pinitik niya na naman ang noo ko.

"Zeus naman, eh! Masakit!" Angal ko.

"Huwag mong masyadong ipressure ang sarili mo. Okay lang na hindi ka manalo dahil ngayon palang panalo kana para sa akin." Aniya.

"Asa ka naman! Hindi naman ako sumama ng swimming team dahil sayo noh!" Pang aasar kahit ang totoo, sumama ako dahil sa kanya.

Sumimangot siya. Gusto ko tuloy matawa sa itsura niya. Guwapong nakasimangot. Lol!

"I'm starving..." Kumawit ako sa braso niya para maglambing.

"What do you want?"

Nag isip muna ako. " Umm. I want burger saka Gatorade."

"Alright. Dito ka lang. Huwag makikipag-usap sa ibang lalaki rito ah." He said na tila nakikipag-usap lang sa bata before he kissed my forehead at patakbong umalis.

Napailing na lamang ako habang nakangiti. Tss!

"Caleila..." Napalingon ako sa malungkot na boses na iyon.

"N-Night..." Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa bench.

"Talaga bang binalikan mo siya?" Bitter at malungkot ang tono ng boses niya. Hindi ko maiwasang makonsensya. Pakiramdam ko pinaasa ko si Night.

"Everyone deserves a second chance, Night."

Nanliit ang mga mata niya. "Second chance?" Napatawa siya. At bumaling sa ibang direksyon ngunit humarap din siya sa akin. "What about me, Caleila? Don't I deserve a second chance, too?" May galit na ngayon sa boses niya.

Napayuko ako. "I'm sorry, Night."

"Bullshit na sorry na 'yan! Hindi 'yan ang kailangan kong sagot!" Sumigaw na siya. Napatingin ako sa paligid. May mga estudyante ang naroon na nakatingin sa amin

Is This Love?Where stories live. Discover now