Last Special Chapter

Start from the beginning
                                    

"Baka naman masundan ng baby shower yang panonood niyo ng meteor shower ah," buyo ni Elisa sa dalawa na kakapasok lamang para uminom ng tubig.

"Pwede naman Eli yun ay kung gusto ni Lucy my loves."

"Yuck Kid kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo," anang ni Lucy.

Nagtawanan nalang kaming lahat at matapos nun ay nagkwentuhan tungkol sa mga epic moments namin nung mga bata palang kami. At usual si Kid ang may pinakaraming kwento. Bukod sa makwela siya, madaldal din pala. Kaya libang na libang kami maliban kay Lire na kanina pa ata bagot na bagot. Mukha ngang may problema eh. Buti pa sina Warren at Kai, marunong makipagtawanan.

**** 

Mabilis na lumipas ang mga oras at gaya ng napag-usapan, manonood kami ng meteor shower ngayon. Nagkita-kita kaming sampu sa bahay nila Rave bilang siya ang nakakaalam kung saang location kami manonood ng naturang event. At sa kanila na rin ang gagamitin naming sasakyan which isang kanilang coaster na may laking kakasya ang labinlimang katao.

Napag-usapan rin namin na huwag nang umuwi at magcamping nalang muna sa lugar kaya kanya kanyang dala ng mga camping materials.

Takipsilim palang ay nagsimula na kaming bumiyahe para maaga kaming makarating sa camping site at makapaghanda ng aming dinner which is gagawing boodle fight. Alam niyo ba kung sinong nakaisip lahat ng yun, walang iba kundi ang aking isip batang boypren lang naman. I got to admit, mas matalino siya mag-isip kumpara sa akin.

"Hulaan ko,iniisip mo ako noh," pangungulit nito sa akin.

"Kapal mo hindi kaya. Magdrive ka nalang diyan," deny ko.

Tinutukso pa kami ng mga kasama namin sa likod. Bali apatan sa bawat row. Kaming dalawa ni Rave sa pinakaharap at sa likod namin ay ang apat na kababaihan na sina Elisa, Cassandra, Jasmine at Lucy samantalang sa pinakalikod naman nakapwesto ang apat na kalalakihan na sina Warren,Lire, Kai at Kid.

Wala pang isang oras ang itinagal ng biyahe and we arrived at the location sound and safe. Thanks to my husband. Haha ang advance mag-isip. Dapat soon-to-be husband pala charr...

Napangiti nalang ako nang palihim nang aking mapagtanto ang location na sinasabi ni Rave. Dito lang pala niya kami dadalhin. Sa lugar kung saan sumagot ako ng matamis na oo sa kanya. Sa lugar kung saan kami bumuo nang mga ala-ala. Sa bukirin sa buong mundo, ang bukirin na ito ang pinakapaborito ko. Walang nagbago gaya parin ng dati.

Malawak na luntiang damuhan na may sariwang simoy ng hanging banayad na sumasamyo sa aking mukha. Marami ring nagliliparang kumikinang at nagniningning na insekto sa mga maliliit na bulaklak ng mga damo na nagsisilbing tanglaw ng lugar.

"Wow ang ganda naman dito Rave," puna ni Elisa sa kanyang kapatid. Tumango lamang ang lalaki bilang pag-sang-ayon. Pati ang iba naming kasama ay napapamangha rin sa ganda ng lugar dahil tanaw na tanaw rin dito ang makukulay na ilaw mula sa lungsod.

Tumulong kami sa mga boys para sa pag-aayos ng aming tent at matapos nito ay nagtulungan din kami sa paghahanda ng aming pagkain. Gumawa naman ng bonfire sina Warren,Kai at Kid upang mas maging maliwanag ang lugar. Nag-ihaw kami ng isda sa grill at nagluto lang ng kanin gamit ang dala-dala naming kalan dahil mas masarap kapag mainit ang kanin na ihahain. Dati nang luto ang ibang dala naming pagkain tulad ng pritong hita ng manok at barbeque. Bumili rin kami ng hinog na mangga bilang dessert. Nang handa na ang lahat, isa-isa naming inayos ang pagkakahilera ng mga pagkain sa dala naming long table na nilagyan ng dahon ng saging sa ibabaw. Ewan namin kung saan kinuha ng mga lalaki yung dahon ng saging.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now