Author's Note and Announcement

1.2K 25 25
                                    

Haha... Namiss ko mag-update sa MSITCK. But this is not an update. Sa part na ito, sasagutin ko ang ibang mga katanungan tungkol sa akin at sa aking kwento. Hihingi rin ako ng pasensya at dito ko ilalagay ang iba ko pang kabaliwan. Haha lol xd.

~*~
Mga Katanungan

•Author, lalaki ka po ba? Ito kadalasan ang tanong sa akin ng mga co-wattpaders ko.

- Definitely, yes! Opo, lalaki si author.

•Author, pwede po bang makipagkaibigan or Can we be friends? Haha, iningles lang eh!

-Yes, sure! Pwedeng-pwede. Basta ba di ka nangangain ng kapwa wattpader. Hahaha, joke lang:) You can also add me in fb through my dummy account. Tom Knight Wp, that's it. It's reactivated na. Dineactivate ko kasi dati yun dahil sa walanghiyang damuho na pinagbantaan akong iha-hack daw ang account kong iyon.

• Author, saan niyo po hinuhugot ang mga hugot niyo sa kwento na ito?
- Sa atay ko. De joke! Kahit saan, pwede na! Hahaha, ang gulo ko noh? Masanay ka na.

•Author, bakit po bitter si Yumi?
- Ewan ko tanong niyo sa kanya. Joke ulit! Isa nalang talaga  bibingo na ako. Hmm.. Naging bitter lang naman siya kasi nagsinungaling sa kanya si Dane at kinuntiyaba ang papa niya gamit ang pera (mukhang pera rin eh) para pumayag na maging fiancée siya ni Dane.

• Author, niloko po ba ni Dane si Yumi? Paano po? Pakipaliwanag naman.
- Oo. Ang mga taong umampon kasi kay Dane ay walang anak. May katandaan na rin sila kaya sabik na sabik na silang magkaroon ng apo kay Dane kahit kaka-18 pa lamang nito. Kaya ang naisip nilang paraan para mapapayag si Dane na magkaroon ng fiancée ay ipapamana sa kanya ang lahat ng kanilang ari-arian kapag may nahanap siyang maging fiancée. At ganun na nga ang nangyari, ang target ni Dane ay ang maganda at mabait nating bida na si Yumi na nong una inisip niya lamang na gawing fiancée dahil sa mana pero di niya sukat akalain na mahuhulog siya kay Yumi. Pero huli na ang lahat bago pa man niya ipagtapat ang kanyang tunay na intensiyon dahil naunahan na siya ng isang malanding higad na obsess sa kanya na sabihin kay Yumi ang totoo. At mas nasaktan si Yumi nang malamang pati ang kanyang ama ay nakipagsabwatan rin kay Dane. (Refer to Chapter 5) Kaya niloko parin ni Dane si Yumi kahit saang anggulo ko pa tingnan. Ewan ko lang sa inyo.

•Author, coincidence lang po ba ang pagtatagpo ni Rave at Yumi?
- Hindi po. Stalker po ni Yumi si Rave dati palang. Pinagtagpo po sila ng fate. Ay mali pala, yung maliliit ko palang brain cells ang may gawa nun. Big thanks to my neurons at naisip ko yun. Hahahaha:)

• Author, bakit walang masyadong exposure ang ibang members ng Royal Ten?
- As you can see, hirap na hirap  po akong magbigay ng exposure sa mga supporting characters natin tulad nila Lucy, Kid, Jasmin at iba pa, how much more pa kaya yong iba diba? Halos matuyo na nga ang utak ko kakaisip ng plot ng kwentong ito. Nakakabangag pero masaya.

• Author, may Book 2 po ba ang MSITCK?
- BOOK 2??? Hmm... Yes, meron po. Pero hindi po tungkol sa Team Rayu. Dahil marami ang natuwa sa character ni Lucy, siya ang gagawan ko ng kwento. Bali, standalone novel siya. But. Yes may But pa eh. Ano na naman Author? Wala lang. Hehehe, baka hindi pa ngayon dahil medyo busy pa ako. Baka pagkatapos nalang ng final defense namin sa research project ko ipu-publish. Mga March pa yon. I hope suportahan niyo rin ang upcoming stories ko tulad ng pagsuporta niyo sa MSITCK. Stay tune.

So hanggang dito palang po muna. Kung may katanungan pa po kayo, feel free to ask kasi di naman po ako nangangagat. Minsan lang pag naging gorilla na dahil sa galit. Minsan lang naman. Hehehe.

I hope basahin at suportahan niyo rin ang ongoing story kong Magicston Academy: The Phoenix Princess. Available po siya sa wall ko. Thank you :)

Nga pala, I'm sorry kung hindi ko naabot ang expectations niyo sa kwentong ito. Alam ko ang daming mali pero still thankful parin ako kasi may nagbabasa at nakakaappreciate ng gawa ko. Tinatamad kasi si author mag-edit kaya pagpasensiyahan niyo na. That's all. I love you all Royalties! God bless us all :)

--Phantom_Knight09

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now