Chapter 04

3.1K 103 29
                                    

KASALUKUYAN KAMING nasa library ngayon ni Lucy. Gumagawa kami ng research tungkol sa isang report namin sa English for Academic and Professional Purposes. Hindi naman ganoon kahirap dahil tungkol lang naman ito sa kasaysayan ng English language, kung saan at kung kailan ito umusbong at kung paano ito nag-evolve sa paglipas ng panahon. Kailangan lang namin ng maraming sources at references. Iba pa rin kapag marami kang nalalaman sa isang bagay.

Second day pa lang namin dito ngunit isinalang nila agad kami sa reporting. Mabuti na lamang at hindi gaanong hectic ang schedule namin kaya may oras kami para mag-research dito sa library. May internet at google ngunit hindi credible minsan ang mga source doon kaya mas mainam pa ring gumamit ng mga libro bilang references.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat sa aking notebook para kopyahin ang mga nakasulat sa aklat nang biglang may maglapag ng papel sa aking harapan na may mga nakalimbag na salita.

Tumingala ako para tingnan kung sino ang naglapag nito sa aking mesa at bumungad sa akin ang nakangising mukha ng lalaking kinaiinisan ko dito sa University. Kailan ba mawawala ang ngisi sa mukha niya? Kulang na lang ay akalain kong nakadroga siya at palaging naka-high.

“What’s that for?” I asked without reading the printed message on the short bond paper.

“Why don’t you read it for you to know?” he replied, suggesting me what to do.

“Whatever!” I gushed, rolling my eyes. I took the paper from the table and read its content. Pero napatigil ako sa pagbabasa at tiningnan siyang muli. Sinenyasan ko siyang lumayo ng tatlong metro mula sa akin ngunit umiling lamang siya.

“Just read the contract. Rules will be effective once it get signed by both of us,” he said. I just rolled my eyes.

Bumalik na lang ako sa pagbabasa. Nakasaad sa papel ang pangalan namin at ang role namin sa isa’t-isa bilang 'master' niya at 'slave' ko. Nakalagay rin dito ang mga rule na ginawa namin kahapon at gaya nga ng sabi niya kanina, magiging effective lamang ang mga rules kapag nalagdaan na namin pareho ang agreement. Ibig sabihin ay hindi counted ang ginawa niyang paglabag sa rule ko kahapon. May utak din ang lalaking ito. Sige, papalampasin ko muna ang bagay na iyon.

Wala naman akong ibang maidaragdag sa ginawa niyang kontrata at ayos na ito. Wala nang dapat baguhin pa.

Kinuha ko ang aking ballpen na nakapatong sa mesa at akmang pipirmahan ko na sana sa taas ng aking pangalan nang biglang dumating si Lucy. May hawak siyang mga libro. Lumapit siya at nakisawsaw sa ginagawa namin.

“Beshie, pipirmahan mo na ba? Go, push mo na,” sambit niya at mukhang siya pa itong excited na pirmahan ko ang kasunduan.

“Observe silence please!” bulalas naman ng librarian na nasa library counter. Napahagikhik naman si Lucy saka humingi ng pasensiya. Balahura talaga ng babaeng ito kahit na kailan.

Napailing na lamang ako bago tuluyang pirmahan ang kasunduan. Sumunod naman si Rave na pumirma dito. Tae, dinaig pa ang pirma ko. Halos sakupin na ang kalahati ng bond paper dahil sa laki ng kaniyang pirma.

“Oh ’yan, nagkapirmahan na. Sa susunod na pumirma kayo ulit ng kontrata, sana marriage contract na,” buyo ni Lucy sa aming dalawa kaya mabilis na tinalasan ko ang titig sa kaniya. Tinakpan naman niya ang kaniyang bibig at nag-peace sign pa sa akin samantalang nangingiti lamang si Rave. Inirapan ko lamang siya ngunit tinawanan niya lang ako.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now