MSITCK #THIRTY THREE: His Queen

1.3K 54 2
                                    

        Chapter Thirty Three:     His Queen


Lucy

Bigla naman akong kinabahan nang hindi ko malaman ang dahilan. Si Yumi? Wala pa siya? Anong oras na ba? Mag-aalas otso trenta na ah.

Alam kong kasama siya ngayon ni Rave dahil nagpaalam siya kanina na kung pwede raw hiramin niya muna sa akin si beshie. Natawa pa nga ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Sabi ni Rave saglit lang sila pero bakit inabot na sila ng apat na oras, wala pa sila.

Don't tell me may ginagawa ng kababalaghan ang dalawang yun. Ay, sus naku jusko. Ang bata pa nila para sa bagay na yun. Haha..ang advance kong mag-isip. Pero iba talaga ang pakiramdam ko sa nangyayari.

Hindi ako nag-alala kanina na wala akong nadatnan sa dorm namin pero kasi ngayon... Iba na, para bang pakiramdam kong may masamang nangyari sa kanila which is hindi naman sana.

Kinuha ko ang aking cellphone at idinial ang number ni Yumi pero walang sumasagot sa tawag ko. Inulit ko ito at medyo natagalan bago may sumagot. I sighed as relief.

Mapapraning na talaga ako dito kapag hindi niya sinagot. Matatalakan ko talaga tong babaeng 'to. Sana man lang minessage nila akong nag-eenjoy sila sa date nila kaya sila matatagalang umuwi para naman hindi ako nag-aalala ng ganito.

"Hello, beshie, alam kong nag---," naputol ang sasabihin ko nang ibang boses ang sumabat sa kabilang linya. It's Rave's cold monotonous voice. Bakit? May nangyari ba?

"Lucy. Ako to, si Rave," he said in a deep lifeless voice.

"Rave, bakit ikaw ang sumagot? Si Yumi? Nasa'n siya? Rave, sabihin mo,may nangyari ba?," pamumutakte ko ng tanong sa kanya.

"We're in the hospital---"

"Wait, what? Your in the hospital?!," I exclaimed unbelievably.

"But, how? You're kidding me Rave. All I thought you are dating," I added.

"No, It's not a freaking joke. I'm sorry Lucy. I wasn't able to protect her," paninisi niya sa kanyang sarili.

"Teka lang Rave, tell me the address of the hospital and I'll be there," I demanded.

"What about her family? Ikaw na ang magsabi sa kanila na nandito si Yumi sa hospital. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa nangyari."

"No. Knowing Yumi, ayaw na ayaw niyang nag-aalala ang kanyang pamilya. Magagalit siya sa atin kapag ipinaalam natin ang nangyari sa kanila. Mabuting huwag muna nating sabihin. Saka nalang. Hang up the phone and text me the address," I requested. Maging nung niloko siya ni Dane, hindi niya ipinaalam sa pamilya niya dahil alam niyang magkakagulo.

Inilihim niya ang panlolokong ginawa sa kanya ng papa niya at ng lalaking unang minahal niya. Pero walang sikretong hindi nabubunyag kaya nung malaman ng mama at kuya niya ang nangyari, muntik nang hiwalayan ni Tita Mildred si Tito Yuan. At si Kuya Zach naman, mapapasugod pa sana bahay nila Dane pero nagmakaawa at pinigilan siya ni Yumi.

"Okay," matagal at tipid niyang tugon saka pinatay ang tawag.

Ilang sandali lang, matapos kong matanggap ang message at isilid sa aking bag ang ilan sa aking mga gamit, lumabas na ako sa dorm namin at nagmadaling lumabas ng tarangkahan para pumara ng taxi. Buti nalang at may nakuha agad ako.

Malapit lang dito yung hospital at ilang minuto lang biniyahe ko para makarating.

                        ~~~

Rave

D*mn it! Ang tanga tanga ko. Hindi ko nagawang protektahan ang babaeng mahal ko. Ayaw kong mangyari ulit ang nangyari kay mama. I can't afford to loose one of my love ones again.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now