MSITCK #THIRTY FIVE: The Show

1.2K 36 0
                                    

Chapter Thirty Five: The Show

"Stop hiding. Remove your f*cking mask. Who the hell are you?," asik ko sa kanya.

He smirked. Isang nakakalokong ngiti na tila ba nang-aasar. Medyo matagal bago siya nagsalita.

"Tell me, sino ka ba talaga? Bakit kailangan mong gumamit ng ibang tao at magbalat kayo para lokohin ako? Ano bang gusto mo?," sigaw ko habang nanghihina ang aking mga tuhod. I am bursting with all my emotions. Galit na ako at sobrang poot ang nararamdaman ngayon ng aking dibdib.

"I want you. I want you to be mine again," he said firmly while scraping something from his face. And it all went clear when a layer of skin was removed from his freaking visage.

Napatakip naman ako sa aking bibig nang maaninag ang kanyang mukha though medyo madilim dito, ramdam na ramdam ko parin ang kanyang presensiya.

"D-Dane?," bulalas ko. Hindi siya nagsalita. I need to calm down myself. Hindi ako dapat magpaapekto sa kanya. I compose myself and faced him bravely.

"You're just like the old one," he said.

"Ikaw rin naman. Katulad parin ng dati. Manloloko parin," I uttered. He frowned and I saw him gritted his teeth. What? Galit siya sa sinabi ko? Totoo naman ah. Nagbago naman agad ang kanyang ekspresyon at muling bumalik sa pagiging kalmado.

"Please, give me a second chance," he exclaimed more like begging. Tch...he's an asshole afterall.

"Once a cheater, always a cheater. Dane, we're done at tanggap ko na yun. Huwag mo na akong guluhin pa. Just leave me alone, okay," pagpapaintindi ko sa kanya.

"Is it because of him? Dahil ba sa gagong yun kaya ka nagkakaganyan..."

"Don't you dare call him that way. Magkaibang magkaiba kayo. Rave won't do the same thing just like what you did to me awhile back," I countered. Umiling siya bago muling nagsalita.

"Mas mabuti pa sigurong magsama na kayong dalawa na mawala kung hindi ka lang din mapapasa-akin," asik niya na nagpatindig ng aking mga balahibo. Bigla naman akong natakot sa kanyang sinabi pero hindi niya dapat mapansin ito.

"What do you mean? Papatayin mo ako? Kami? Dane, you're obsessed! Stop this nonsense," I exclaimed calmly to hide my fear. His penetrating gaze screams danger. Kailangan ko nang umalis bago pa may mangyaring masama sa akin. I know what he's capable with.

Tatalikod na sana ako sa kanya at akmang tatakbo pero hinuli niya ang aking mga kamay at ikinulong ako sa kanyang mga bisig. Huli na nang may inilagay siyang panyo sa aking ilong. Hindi ako nakapalag dahil unti-unti na akong nanghihina. My sight became blurry. Parang umiikot ang buong paligid at nanlalambot na ang aking mga tuhod. D*mn you, Dane. I cursed you to death. Until, all went black.

~~~

Rave

"Nasa'n ang bisita natin?," tanong ng isang tinig, mukhang babae ang may-ari nito.

"Nasa loob po, boss. Nanlaban po eh kaya binigyan namin ng kaunting warm-up," saad ng isang pamilyar na boses. Boses yun ng walangyang lalaking bumugbog at pumalo ng tubo sa akin kanina. Mga demonyo sila. Ano bang ginawa ko sa kanila? Swerte lang nila dahil nakagapos ako kundi baka napatay ko pa sila.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now