MSITCK #TWENTY SEVEN: Unexpected Duet

1.3K 48 9
                                    

Chapter Twenty Seven: Unexpected Duet

Yumi

Papalapit na nang papalapit ang 25th founding anniversary ng Kingston at balita ko maraming pasabog daw ang magaganap sa araw na yun. Ewan ko kung anong mga pakulo yun. Sa susunod palang naman na raw yun pero kahapon pa nagsidatingan yung mga rides at nagsigawaan ng mga booths yung mga estudyante.

Nakadungaw lang ako sa bintana ng aming klasrum habang pinagmamasdan ang makulimlim na kalangitan sa labas. Mukhang uulan pa ata mamaya.

"Tulaley ka na naman beshie. Sinong iniisip mo ha?" mausisang tanong sa'kin ni Lucy. Umiling lang ako sa kanya at ngumiwi pa nang kaunti ang aking bibig.

Wala naman kaming guro ngayon dahil nga vacant namin.

"Tara muna sa cafeteria. Nakakagutom kasi kapag wala tayong guro," pag-aaya ng aking katabi. Tumango nalang ako at naunang tumayo. Wala lang talaga akong ganang magsalita ngayon. Alam ko namang nababagot na tong kaibigan ko sa akin dahil kanina pa akong walang kibo. Moody lang ang kumare niyo ngayon. Wala akong dalaw, tinatamad na ewan lang ang aking paandar ngayong araw na 'to.

Nadaanan naman namin ang music hall but unlike before, walang maingay sa loob. Malamang nasa Royal Dome sila yun, nag-eensayo para sa sinalihan nilang patimpalak na magaganap sa Biyernes.

"Uy teka lang beshie, pwede ba akong humingi sa'yo ng favor?" Napakunot naman ako ng aking noo at napaisip kung ano namang pabor ang hihingin ng bruhang to.

"Pwede bang kantahan mo ako kahit isang kanta lang beshie habang sinasaliwan kita ng piano. Namimiss ko lang kasi yung jamming natin dati. Yung kumakanta ka habang nag-gigitara ako." pagpapaliwanag niya naman. Ah okay, gets ko na. Ako rin naman. Namimiss ko na yung bonding namin na yun ni Lucy.

"Please!" pagsusumamo niya ..Haha..para siyang bata...ang epic pa ng mukha niyang magsabi ng 'please'.

Napangiti naman ako at napapayag ako sa gusto niya. Since, wala namang tao ngayong gumagamit sa music hall kaya okay lang siguro. Hinigit niya naman ang aking braso at kinaladkad papasok sa hall.

Inilagay niya naman ang kanyang bag sa isa sa mga upuan sa pinakaharapan at tumuntong sa may entablado. Lumapit siya sa gitarang nakapwesto sa gilid ng stage. Sumunod din ako sa kanya at tumuntong din sa kanyang kinaroroonan. Kinuha ko yung mic at sinubukan pa ito kung gumagana nga. I clear my throat and just think of that I am in a Videoke bar.

Nagsimula nang patugtugin ni Beshie ang instrumentong bihasa siya whch is the guitar. She is pretty cool when strumming that thing.

I nodded as a sign to start plucking it rhythmically. Alam niya kung anong piece ang gustong gusto naming dalawa pagdating sa mga ganitong bagay. We'll gonna play the song "Roses" by Chainsmokers.

Taking it slow
But its not typical
He already knows that my heart is fire
His heart was a stone but then his hands roamed
I turned him to gold and it make him higher.

Nakangiti lang kami ni beshie sa isa't-isa habang nag-eenjoy sa ginagawa namin. I confidently continue to sing the song.

Well, I'll be your daydream and
I'll be your favorite thing
We could be beautiful
Get drunk on the good life
I'll take you to paradise
Say you'll never let me go

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now