MSITCK #THIRTY EIGHT: Fear

1.2K 37 4
                                    

Dedicated to ryll_hearts

A/N:

Chapter 38 is up. Hope you like it. Enjoy and keep reading.

Chapter Thirty Eight: Fear

"Gusto mo bang tayo naman ang maospital? Ba't ba ang atat mong makita yung damulag na yun," asik sa akin ni kuya. Eh, kasi naman, ang bagal niya magpatakbo. Wala namang trapik ah.

Ilang minuto lang matapos ang aming bangayan ng budoy kong kapatid ay sa wakas nakarating na rin kami sa San Lorenzo hospital. Mukhang pamilyar sa akin ang hospital na ito. Dito rin ako dinala ni Rave nung naaksidente kami. Remember?

Dali-dali akong nagpunta sa may nurse na nasa front desk para itanong kung anong room number ni Rave.

"Hmmm, ma'am, sa'n po dito ang room ni Rave Gonzales Castillo?," pagtatanong ko habang nakasandal lang si kuya sa may wall. Enjoy na enjoy naman siyang pinagtitinginan ng mga babaeng nurse dito.

"Ma'am, kaanu-ano niyo po sir Rave? Ano pong relasyon niyo sa kanya?," she asked as if she is analyzing me.

Pa'no ba 'to? Anong sasabihin ko.
Ano ko ba siya? Ano ba kami. Aish, ba't kailangan pa kasing tanungin kung anong relasyon namin eh wala nga kaming label diba? Mas maganda na yung hindi kayo pero parang meron kesa naman yung kayo nga parang wala naman kayo sa isa't isa. Nagawa pang humugot.

"Ma'am, di ba pwedeng sabihin niyo na lang sa akin?," iritadong sambit ko.

"Ahm I'm sorry ma'am pero mariin pong..."

"Miss, sabihin mo na. Gusto mo bang pumanget ako sa kakahintay sa magaling kong kapatid dito?," singit ng kapatid kong budoy sa usapan saka nagpout pa. Ang sagwa ng ginagawa niya ngayon, kung alam niya lang. Napatawa nalang ako nang palihim nang mukhang nakumbinsi niya ang nurse na sabihin ang room number ni Rave dahil sa pagpapacute niyang nakakaasiwa sa paningin.

"I'm sorry sir for waiting. Sir Rave is on Room 369," malanding sagot nung nurse. Ang lalandi niyo.

"Thank you, Miss," my brother said sweetly and left the nurse with a wink and a flying kiss. Yung nurse naman kulang nalang ay himatayin sa kilig. Salamat naman at sinabi niya. Sige maglandian na muna kayo diyan. Tumakbo na ako at iniwan si kuya dun. Agad naman siyang sumunod nang mapansing nauna na ako. Nakapoker face pa siyang sumabay sa akin.

"Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob, little sis," mapang-uyam na sambit niya sa akin. Whatever! I just rolled my eyes and focus my attention to my way. Room 369. Tumingin ako sa mga numerong nakadikit sa pinto ng bawat room na madaanan namin.

Hindi kalayuan sa amin ay may nakita akong mga men in black ang nagbabantay sa labas ng isang kwarto. It seems that it is an exclusive room for someone.

Naglakad lang kami nang dahan dahan nang nasa tapat na kami nito. Didiretso na sana ako pero nahagilap ng aking peripheral vision ang number na nakdikit sa pinto ng kwartong nasa tapat namin kung saan may apat na maton na lalaking nakasuot ng tuxedo at may shades pa sa kanilang mga mata. 369. This is it.

"Hello po, pwede po bang pumasok?," paghingi ko ng permiso sa kanila.

"May I know your name Miss at what's your relationship to our young master?," sabat nung nasa kanan ko. Napakaformal naman nila. Young master? What to expect? He came from a very wealthy family.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang