MSITCK #TWENTY EIGHT: Unexpected Kiss and Confession

1.3K 49 4
                                    

Chapter Twenty Eight: Unexpected Kiss and Confession

Rave

Medyo matagal tagal din bago natawag ang aming section. Marami-rami rin kasi kaming sumali at nauna pa ang solo bago ang duet. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siya. Abala siyang nakikipag-usap sa ibang kalahok.

Si Jasmin, siya ang nakaisip na siya ang ipalit sa puwesto ni Cassandra. Kung saan naman kasing lupalop ng mundo nag-susuot yung babaeng yun. Pero thankful ako kasi blessing in disguise para sa akin ang paggagala ng babaeng yun. Dahil dun, makakasama ko ang babaeng mahal ko.

Wala akong pakialam kung ano ang kalalabasan mamaya ng performance namin. Basta ieenjoy ko nalang habang kasama siya. May tiwala ako sa kanya.

"And for the last but definitely not the least, let's give a presounding round of applause for the Majestic Haven," malakas na tawag sa amin ng emcee.

Napatingin naman sa akin si Yumi at tumango ako bilang sign na lumabas na kami sa backstage. Inakay ko siya at inalalayan papunta ng entablado.

Malakas na hiyawan ng mga manonood ang sumalubong sa amin. Ngumiti naman ako sa madla at mas lalo pang dumagundong sa loob ng stadium dahil sa tilian ng mga kababaihan, juniors man o seniors. Iba talaga ang karisma ng isang Rave Castillo. Hahaha..ang yabang...

Mukha namang kinakabahan ang kasama ko kaya hinawakan ko ang kanyang isang kamay para pakalmahin. Nginitian ko siya at kinausap ko siya gamit ang aking mga mata na ayos lang ang lahat. Kaya namin to. Maitatawid namin 'to. Tiwala lang... Alam ko namang alam niya ang piece namin dahil nanood siya ng praktis namin noon sa music hall.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang banda na patugtugin ang aming piyesa. Oo, may sariling banda ang Kingston.

I found the love for me
Darling just dive right in follow my lead...

I found the girl
Beautiful and sweet
I never knew you were that someone follow my lead

Nakangiti akong humarap sa kanya at binigyan ng tingin na nagsasabing "Ikaw na."

'Cause we were just kids when we fell inlove
Not knowing what it was
I will not give you up this time

Her voice is soothing in my ears. Napakasarap pakinggan at yung tipong hindi ka magsasawang pakinggan. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata na tila ba hinihigop ako. I can see and remember someone else in the windows of her soul. She reminds me of my childhood.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now