Last Special Chapter

1.7K 45 2
                                    

A/N:
Dahil mahal ko kayo, here's another special chapter. Hope you like it:)

~*~
Last Special Chapter

Isang meteor shower ngayon ang ating matutunghayan na tinatayang magaganap mamayang alas otso hanggang alas diyes ng gabi. Inaasahang magiging maaliwalas ang kalangitan mamayang gabi kung kaya't tamang tama ito para sa mga nais masilayan ang naturang penomenon. Wala namang nagbabadyang sama ng panahon bukas...," pag-uulat ng reporter sa telebisyon bago ko ito pinatay.

"Teka mii bakit mo pinatay?," reklamo ng aking katabi.

"Wala namang magandang palabas dii," pagdadahilan ko.

"Uy itigil niyo nga muna yang pagbanggit niyo ng inyong call sign sa isa't isa. Hanggang ngayon kasi nakokornihan parin ako." At isa pa tong bruha na to panira ng moment.

"Ano ka ba my loves Lucy. Hayaan mo nalang sila. Yung tayo nalang ang pakialaman mo," sambit naman ni Kid sa kanya.

"Eeww anong my loves ka diyan. Manigas ka. Tsaka walang TAYO noh, at kailanman hindi magiging tayo," inis na wika ni Lucy kay Kid. Lumukot naman ang mukha ng lalaki at umaktong parang nasaktan sa sinabi ng dalaga.

"Aww naman nahurt ako dun my loves ah," sabi pa ng binata sabay pout kay Lucy. Napatawa naman sina Jasmine at Cassandra sa biruan ng dalawa habang nakikipag-jamming naman si Elisa kina Warren, Kai at Lire na nasa garden.

Hindi na kumpleto ang dating Royal Ten ng Kingston dahil ang iba ay nangibang bansa tulad na lamang nila Jamie at Shakira samantalang nakuha namang endorser ng isang travel agency si Nashi. Wala na rin akong balita kay Rankine matapos lang ang recognition rites namin sa Kingston. Sa nakalipas din na anim na buwan ay mas nakilala ko ang ilan sa mga miyembro ng Royal Ten.

Anyways, nagtataka kayo siguro kung nasaan kami ngayon. Nandito kami sa bahay nila Kid. Nagkaayaang tumambay kaya heto kaming magbabarkada.

"Mii ano kaya kung manood tayo ng meteor shower mamayang gabi. May alam akong magandang location," suhestiyon ni Rave na kumuha ng atensiyon ng iba.

"Hmm sounds interesting little bro. Why not?," anang ni Jasmine.

"How many times do I have to tell you Jas not to call me little bro. We're not kids anymore Jas."

Napatawa lang si Jasmine sa inasal ni Rave na isinisiksik ang katawan sa akin. Hay naku naglalambing na naman ang budoy ko. Tsk isip bata talaga ng kumag na to.

"Bet ko yang idea mo Rave. San ba yang location na sinasabi mo?," pagsingit naman ni Cassandra sa usapan.

"Basta. Maganda dun," sagot niya.

"Ano mii gusto mo ba?," tanong niya sa akin. Hinintay ko ang sasabihin ng iba at tumango naman sina Jasmine at Cassandra kaya umoo na ako sa tanong ni budoy ko.

"Ay ang daya naman. Si Yumi lang ata ang gustong makasama guys," pagtatampo naman ni Lucy.

"Huwag kanang magtampo my loves. May alam pa akong magandang lugar para manood ng meteor shower na yan. Tayo nalang dalawa para solo natin yung lugar," may pakindat kindat pang saad ni Kid kay Lucy na naging dahilan naman upang umaktong kinikilabutan ang babae sa pinagsasabi ng binata sa kanya.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now