"Naku pata—

And the door opened.

I sheepishly grinned at the both of them, who had two different expressions on their faces. Si Ma'am Charlotte, mukhang hindi nagulat na may babaeng kasama ang anak niya na itinatago niya sa banyo ng kwarto niya bagkus ay tila pa siya natuwa nang makita ako samantalang si Knight naman ay tila balak pang magmaang-maangang alam niyang nandito ako sa kwarto niya in the first place.

"Hep!" awat ni Ma'am Charlotte nang maramdaman nitong magsasalita ang kanyang anak. "Wag mo nang babalakin pang sabihing hindi mo alam kung bakit siya nandito. And don't!"

She pointed to the offended look Knight gave her.

"That... do not do that look. I invented that look."

And damn she sounded so serious.

"You were all asleep last night, how am I supposed to handle it?"

"You know I'd love to see her again. You could have woken me up para naipagluto natin siya ng makakain!"

Ako ay hindi lubos na makasabay sa pinag-uusapan nila dahil tila ako ang pinag-uusapan nila pero parang hindi kasi di naman nila ako pinapansin.

Inisip ko na lamang na anytime, matatapos na sila at ako ay makakaalis na pagkatapos kong magpakyut sa nanay ni Knight para ibigay sa akin ang aking tsinelas. Nakakahiya pa man din, hindi ko pa naba-brush yun baka marumi tapos hawak-hawak niya."

"Uuwi na rin naman siya. Hindi siya magtatagal dito."

"I am the master of the house," she argued.

"Dad is."

"He went to Paris last night, sad," she said while acting sad as she checked her nails. Mukha silang magkapatid. "So, technically, I am. Aside from the fact that I sleep in the master's bedroom. So, as I was saying, Ren. Please come with me."

Actually, she did not need to say please to me kasi hinila na niya ako agad sa isang kamay niya habang hawak pa rin sa isa ang tsinelas ko. Hindi ako makasingit para sabihing ibigay na iyon sa akin dahil nagsusumbatan ang mag-ina at wala akong magawa kundi makinig at sa isip-isip ko, matuwa sa sumbatan nila.

I wonder kung may mama din ako ngayon, ganyan din kaya kami?

I was lost in my my thoughts hanggang sa makarating kami sa dining area. Sabado ngayon at wala kaming pasok ngunit laking gulat ko nang nasa hapag na ang lahat ng kasapi ng pamilya at si CJ, ang masungit na mini-me version ni Knight ay naka-uniporme. At kagaya nga ng inaasahan ko, inirapan niya ako.

"Ah... Ma'am," sambit ko habang nakaharap sa kanya. "Nakakahiya po, aalis na po ako."

"Dito ka na sa tabi ko, Ren," sabat ni Yel na siyang agad kong tinignan. Maging siya ay naka-uniporme. Miss Charlie was content drinking her orange juice and nodded at me with soft eyes.

Biglang pumasok si Misis Melon habang kahawak-kamay ang isang maliit na batang makinis ang balat, kulot ang buhok, at malusog ang pangangatawan. "Good morning, Mom," the kid beamed at Ma'am Charlotte and that's when I realized, damn this family. What beautiful genes.

Hindi ko napansin ang pagkawala ni Ma'am Charlotte bigla ngunit narinig ko ang sinabi niya. "Maghuhugas ako ng kamay. Dalhin mo muna sa guest room si Ren, may spare shoes tayo doon. Ipasuot mo sa kaniya."

"Like I would?!" saad ni Knight.

Wala na kaming muli pang narinig.

"What's the deal with the slippers, Kuya?" asked CJ who specifically stares at his brother like he was playing some private joke inside his head. Natatakot na talaga ako sa batang ito.

That Boystown Girl [COMPLETE]Where stories live. Discover now