“Seriously? Twenty pieces of diatabs?!” wala sa sariling naisigaw ko. “Talagang nang-aasar!”

Narinig kong bumuntong hininga si Jahm.

“You will gonna drink that or maghapon kang magkakalat dito sa school? You choose.”

Wala na akong nagawa kundi ang inumin ang gamot. Syempre, hindi lahat. Baka naman ma-overdose ako.

Nang matapos bumalik na kami sa classroom ni Jahm. Masaya namang binalita ni Jorja na wala kaming teacher hanggang matapos ang morning classes.

“You feel better now, Sane?” walang bahid ng pangangasar ang tono niya.

“Yes, thanks for that twenty pieces of diatabs,” sarkastimong wika ko.

“You're always welcome!” Humalakhak pa ito. “Hmm, do you wanna go home?”

“Nah, I'm fine, I just need some rest.”

“Go to the clinic and get some sleep.”

Napairap ako. “Bakit ba tayo nag-eenglish?”

“Ewan ko sa 'yo, nadala lang ako.”

“Gago, nauna kang mag-english—”

Pinitik niya ang bibig ko.

“B-Bakit?!” my eyes grew bigger. “Inaano kita?!”

“Magmumura ka pa?”

“Yah, nabigla lang ako!”

Sumimangot ako. Parang gago lang naman ang nasabi ko. Masyado 'to! Tadyakan kita d'yan, eh!

Nagdaan ang ilang oras at hindi ko man lang namalayang nakatulog na ako sa armrest ng aking upuan. Nagising lang ako nang maramdamang may tumama sa likod ko.

“Stop throwing papers, Edgar. May naaabala ka,” maotoridad na sabi ni Gabrielle. “Gusto mo bang magpulot ng kalat sa quadrangle?”

“Uy, ayoko nga. Sorry! Si Jova talaga dapat matatamaan, umilag lang. Sorry! Tangina mo, Jova!”

Inayos ko ang sarili ko. Hinanap naman ng mga mata ko sila Jahm, wala na sila rito sa classroom.

“Anong oras na?” Binalingan ko si Gab. “Lunch na ba? Sorry, nakatulog ako...”

“Nah, it's fine. Hindi pa lunch, maaga lang silang kumain.”

“Ah, okay.”

Kinuha ko sa bag ang dala kong tatlong sandwich. Dalawa kay Gab at isa sa akin. Hindi pa naman ako gutom talaga, gusto ko lang ng may nginunguya.

Hindi ko pa man din naiaabot nang tuluyan nang kunin na niya kaagad at sinimulang kainin.

“Mukhang problemado ka? What's wrong?” halata sa mukha niya ang pag-aalala when he started at me. “What's the matter? Apura buntong-hininga ka.”

Umiling lang ako.

“I know you too well, Sane! So, anong problema mo at bakit kanina ka pa balisa?”

Bumuntong hininga ako. Hindi maalis sa isip ko ang lalaking nagpakilala sa akin kanina. Siya raw ang kapatid ko.

Pusanggala.

“Wala, natatae lang ako.”

“Gross!”

Humalakhak ako ng makitang sumama ang tingin niya. Mukhang nagdadalawang isip pa ito kung itutuloy ang kinakain niya.

“Friday bukas,” pahayag ko at nagkatinginan kaming dalawa. Isa lang ang nasa isip namin tuwing sasapit ang Biyernes.

“Patisserie Boulangerie!” magkasabay na usal namin.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now