Baby 17

2.3K 73 2
                                    

"Kate? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Andrew.

Napatigil ako. Literal. Nakatayo lang ako sa likod ni Andrew habang karga karga si Kenzie.

Maslumapit yung babae kay Andrew at saka ikinawit ang mgakamay sa batok nito at muling hinalikan si Andrew.

"Namiss kita. Hindi mo naman sinasagot ang mga email ko sayo kaya minabuti ko na umuwi nalang dito sa Pilipinas. And I'm staying here for good" Mahinhin at palambing na sabi nito.

Dahil sa mga narinig ko, parang unti-unting nanlalambot ang mga binti ko at hindi ako makahinga. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para umalis doon. A dumaan nalang ako sa front door papasok ng bahay para hindi na kami makita nung babaeng humalik kay Andrew.

Binilisan ko ang pag bibihis kay Kenzie at saka nagmadaling bumaba. Nilingon ko ang kusina at saka nakita si Andrew at yung babaeng kasama niya.

Napatingin ako sa batang natutulog ngayon sa bisig ko at hindi na namanlayan angsunod sunod na pagpatak ng luha ko. Nagdrive ako hanggang sa makarating sa bahay nila mommy.

Pagdating doon ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko at binaba sa kama ang natutulog na si Kenzie saka binuksan ang aircon.

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko habang nakatingin sa sahig.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang tanga tanga ko din naman kasi. Hindi ko inalam kung may karelasyon ba siya o wala. Sana hindi umabot sa ganito. Pero ang sakit.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya.

OMG BabyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin