Baby 15

2.7K 79 5
                                    

Naging tahimik ang buhay namin nitong mga nakaraang araw. Hindi kami nag ayaw ni Andrew ah. Wala lang talagang nggugulo samin ngayon. Which is good kasi hanggang ngayon natatakot parin ako sa ngyari sa condo. Nalaman namin na posibleng doon din sa building na yun nakatira yung gumawa noon dahil ang alam ko wla namang basta bastang nakakapasok sa loob nito. At bukod doon, nagpaimbestiga si Andrew pero hanggang ngayon wala parin silang lead sa posibleng gumawa noon. Malaki ang hinala ko na ang mag taong yun ay may kinalaman sa sinabi ni Nina sa sulat na iniwan niya. 

Dahil wala naman kaming magawa sa bahay, Naisipan ko nalang munang umuwi sa bahay nila mommy. Nagtext din kasi miss na daw nila si Kenz. Tutal, nasa work naman si Drew, napagdesisyonan kong pumunta nalang dito. 

"LOLO!! AHH! HIHI" Napatingin ako sa sala kung saan nakita kong nakaupo si dad at si Kenzie s carpet habang nagkalat ang mga laruan niya. Mga laruan niya dito sa bahay nila mommy. Dahil nagulat nalang ako kanina pag pasok ko sa kwarto ko, bumungad sakin ang MGA as in MGA laruan na pambabae, damit, at mga sapatos. Binili pala nila mommy yun para kay Kenzie

"Tingnan mo naman ang daddy mo tuwang tuwa sa apo niya" Sabi ni mommy na nasa likod ko pala. Napatingin ako kay mommy at saka siya nginitian.

"Opo nga mommy eh. Ngayon ko lang ulit nakita na ganyan si dad. Nakakatawa kayang kaya parin niyang sabayan ang mga kakulitan ni Kenzie kahit thunders na siya hahaha" Humahagikhik na sabi ko. 

Nagkwentuhan lang kami ni mommy buong umaga at ng hapon na, Kinuha ko na si Kenzie na kasalukuyang nakatulog sa sofa at napapalibutan ng maraming unan. Nilapitan ko siya at saka binuhat at dinala na sa kwarto ko. Doon ko siya tinabihan at saka ko lang napansin ang phone ko na naiwan ko pala dito kanina. 

Kinuha ko ito at chineck kung may text ba or tawag si Andrew at nagulat akong meron nga. Tinadtad na ata ako ng tawag.

 27 missed calls from Andrew.

46 texts

Hindi ko na tiningnana pa ang mga text niya at tinawagan nalang siya.

Wala pang dalawang ring napickup na kaagad ang phone.

"MHIE! NASAN KAYO NI SOPHIA?" Pasigaw na sabi niya

"SHHHH! Drew, ano ba ang sakit sa tenga. Nandito kami sa bahay nila mommy"

"Bakit naman hindi mo sinabi sakin? Nag-alala ako ng sobra. Tumawag ako kanina sa bahay para kamustahin kayo pero umalis daw kayo. Tinawagan kita pero hindi ka naman sumasagot." Nag-aalalang sabi niya

"Dhie, wag ka na mag alala ok lang naman kami. Pinapunta rin kasi kami nila mommy dito. Pinakuha yung mga binili nilang stuffs for Kenz" Panlalambing ko nalang sa kanya. Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi ko sinabi a kanya kung saan kami nagpunta.

Narinig kong napatawa siya at sinabing "Nako Mhie, Spoiled sa mga lolo at lola ang anak natin" Natatwa pang sabi niya na ikinapulo naman ng pisngi ko.

tumawa nlang din ako at saka natahimik

"Mhie, nasa si Phia? pakausap naman ako. Miss ko na ang baby ko" Pambabasag naman niya sa katahimikan namin.

"Nako napagod kakalaro nila ni Dad. Nandito sa tabi ko tulog na tulog." Natatawang sabi ko na ikinatawa rin niya.

"Oh sign na Mhie, Mamaya nalang sundown ko kayo ni Kenzie dyan. Sa labas na tayo kumain" Sabi niya

"No. Dito na tayo mag dinner. Magluluto nalang ako. Do you have special requests?" Nakangiting nanong ko sa kanya.

"Hmmm, talaga ipag luluto mo ako? Sigi nga Parequest naman ng Adobo sa misis ko" Seryosong sabi niya. Naikinatigil ng buong mundo ko. SHET! KINIKILIG AKO!!

"CHE! Misis ka dyan! sigi na mamaya nalang. Hintayin ka namin." At binaba ko na kaagad ang phone at saka napatulala sa kawalan.

OMG BabyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt