Baby 10

2.8K 96 1
                                    

"Mhie" Naalimpungatan ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Nakatulog pala ako.
Pagtingin ko sa labas nasa bahay na pala kami nila Andrew. Tiningnan ko muna si Kenzie sa likod saka hinarap si Andrew.

"Kanina pa tayo dito?" Tanong ko habang nag kukusot ng mata.

"Hmm mga 30 min?" Sabi niya habang nakatingin kay Kenzie sa baby seat niya. Tulog rin kasi siya.

"Ano ka ba Drew, bakit hindi mo ako ginising." Naasar na sabi ko sa kanya. Ano ba naman kasi yan.

"Paano ko kayo gigingin eh ang sarap ng tulog niyong mag-ina? Alam ko naman na pagod kayo kaya medyo hinayaan ko na muna." Paliwanag niya

"Hay nako tara na nga. Nakakahiya kela tita. Akin na si Kenz" sabi ko habang tinatanggal ng seat belt ko.

"Wag na. Ako na mag dadala sa kanya. Medyo mabigat na rin siya baka sumakit lang yung braso mo" mapang asar na sabi niya. Tss inikutan ko lang siya ng mata at lumabas na ng kotse niya

"Ah Lex, paki dala mo nalang yung cake at yung bag ng anak natin" sabi niya habang inaayos ang karga kay Kenzie.


Lumapit ako sa kanila at inayos ang kamay ni Kenz na naipit sa braso ni Drew. Hinalikan ko muna ito sa noo at saka kinuha ang mga pinapadala ng kamahalan

Pag pasok sa loob, sinalubong kami ni nanang Elena. Bakas ang pagkagulat sa mga mata niya.

"'Nang sila mommy ho?" Tanong ni Drew habang papasok ng bahay.

"A-ah nasa taas. Hindi namin alam na dadating pala kayo." Sabi ni Nanang Elena habang hindi inaalis ang tingin kay Kenz. Hala oo nga pala hindi pa nila alam. Kinakabahan akong napatingin kay Andrew na naka upo na ngayon sa sofa.

"Teka lang iho at tatawagin ko. Sasabihin kong naandidito ka." Nag mamadaling umakyat si nanang.

"Lex, ano pang ginagawa mo dyan? Halika na." Sabi niya at sumandal sa sofa at tinapik ang space sa tabi niya. Lumapit ako sa kanila at inayos ang damit si Kenz na tumataas. Tulog na tulog ang baby ko. Napagod siguro talaga.

Tiningnan ko ang natutulog na itsura ngayon ni Kenzie. Naka siksik ang muka niya sa dibdib ni Drew. Medyo nakaawang ang bibig at natawa nalang ako ng may makita ako. Napatingin ako kay Andrew at nagulat ng makitang nakatingin din pala siya sakin. Nginitian ko siya at binalingan ang baby bag ni Kenzie. Kumuha ako ng bimpo at dahandahang itong idinampi sa gilid ng labi niya. Hahaha ang cute eh. TL ang baby ko.

"Bakit? May laway?" Tanong ni Drew at saka pilit na sinisilip ang itsura ni Kenzie.

"Oo eh haha. Ang cute niya. Naka bukas ang bibig." Natatawang sabi ko at saka siya binalingan ng tingin.

Shet! Hindi ako makagalaw. Nanlaki nanlaki nalang ang mata ko at saka dali daling lumayo sa kanya. Naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi at saka ko hinawakan ang labi ko. UGH! Nakakahiya! Salahat naman kasi ng lalandingan ng labi ko labi pa niya?
Magsasalita na sana siya ng marining namin ang boses ni Tita Cassey pababa ng hagdan.

"Andrew? Anak" sabi ni tita at napatayo kami dalawa ni Andrew.
Nakita kong natigilan si tita at napatingin sa batang karga ni Drew. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Drew yung kamay ko.  Dahan dahang lumapit si tita samin at tiningnan ang muka ni baby.

"A-ano to? Wag mong sabihin sakin na nakabuntis ka Stephen Andrew!" Nasigaw na sabi ni tita. Nakita kong medyo gumalaw si Kenzie at nag babadyang umiyak. Nako nagising na.


Binawi ko ang kamay ko kay Drew at saka kinuha si Kenzie.

"Ma, hindi! Ayan pinaiyak mo lang yung bata." Naka kunot noo na sabi niya.

"Oh iha nandito ka pala. Ipaliwanag niyo nga saakin ito. Nag ampon na ba kayo?" Sabi ni Tita at humalik sa pisngi ko. Nakatingin parin siya kay Kenzie hanggang nayon na nakatago ang muka sa leeg ko.

"Ah tita ano po kasi si Kenzie po—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang nag salita si Andrew.

"Anak namin"

OMG BabyWhere stories live. Discover now