Baby 5

3.5K 97 9
                                    

"Uhm. Tungkol doon, Wala pa siyang gamit eh. bukod sa ilang pair ng damit at konting baby bottles"  Sabi ko nalang.

"Tamang tama. mag shopping na rin tayo."  Ang yaman ng kuya mo. Sagot niya lahat to HAHAHA.

Habang papunta kami, bigla nalang Nalaglag sa balikat ko ang ulo ni Baby Kenzie. Haha nakatulog rin. Ang daldal niya. Nakakatuwa siya.

"uhm. Ano. Paano pala napunta sayo si Baby?"  Tanong bigla sakin ni Andrew.

"Uhm tungkol doon Drew, Kilala mo ba si Nina? Nina Sanchez?"

"Oo. Bakit? Kaklase ko siya dati sa isang subject."  Sabi niya sakin habang lumilingon ng pasaglit saglit.

"Ano kasi. Siya ang Tunay na Ina ni Kenzie. Iniwan nalang siya kanina bigla sa labas ng unit ko na umiiyak. Tapos nun, noong kuhanin ko siya, tinawag na niya akong mommy. May nakita pa akong sulat na galing kay Nina. Wala na pala siya."  Malungkot kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga lang ako saka nag patuloy.

"Sinabi sa sulat na may mga masasamang tao ang gustong kumuha sa anak niya. At wala na siyang maisip na iba pang makakatulong sa kanya kundi ako. Pero nagulat ako nang makita ko ang iniwan niyang birth certificate ni Kenzie. Ang naka register na mga magulang niya ay tayo."  Sabi ko sa kanya na bahagyang ikinagulat niya. "Anong ibig mong sabihin?" 

"Totoong anak na natin siya Andrew. Naawa nga ako sa kanya. Ayaw ko naman siyang ipamigay dahil minsan na rin akong tinulungan ng mama niya."  Sabi ko at natahimik na buong byahe namin papunta sa mall.

Pagkarating namin sa Mall, saktong nagising tong baby namin. Alam kong simula ngayon parte na siya ng buhay namin. Pero paano yun? Hindi naman kami ni Andrew. Baka mamaya may girlfriend to? gerahin pa kami ni Kenzie.

Pagbaba namin, Kinuha nalang ni Andrew ang bag na dala ko. Baka kasi wala pa sa mood si Baby eh mag tantrums nalang to bigla.

"Saan mo gustong kumain?"  Tanong niya sakin nang makapasok kami sa loob ng mall.

"uhm kahit saan nalang. Ay teka baka kasi hindi kumakain si baby ng mga food na pipiliin natin eh." Sabi ko sabay tingin sa baby na karga ko.

"Baby, where do you want to eat?" Malambing na sabi ni Andrew kay Kenzie. Tiningnan lang siya nito kaya napatingin sakin si Andrew.

Napatingin naman ako sa paligid at may nahagip yung mata ko. Ang alam ko kasi paborito dito ng mga bata eh.

"Baby, you want to eat sa Jollibee? There oh"  Sabi ko sabay turo sa malapit na kainan ng Jollibee.

"Ba-bee mommy?"  Tanong niya sakin habang nakatingin sa tinuro ko. Nakita ko naman na nagliwanag ang mga mata niya at bigla nalang umirit.


"Mommy! Ba-bee!! Ehzyy wat Chi-en!"

Napatingin naman ako kay Andrew na nakatingin rin sa Jollibee. HAHA Hindi ko alam kung kumakain ba siya sa mga fastfood na ganito pero wala naman siyang choice haha.

"Oh. Daddy tara na. Gusto daw sa jollibee nitong baby ko."  Sabi ko sa kanya at nauna na sa paglalakad. Mayamaya naramdaman ko na siyang nasa tabi namin.

"Oh halika na Drew. Pila na tayo para makakain na. Gutom na to oh"  Sabi ko at sumunod lang siya sa likod ko. Ang haba ng pila. Medyo nangalay na ako kaya binigay ko muna si Kenzie kay Andrew. Maya maya pa ay ako na ang sunod sa pila. 

"Good evening ma'am"  Sabi ni kuyang cashier. Napatingin ako sa menu sa taas at saka sinabi ang order ko para sakin at kay baby.

" Uhem. Babe Gusto daw ni baby ng ice cream."  Biglang sabi ng nasa likod ko. Napatingin ako at nakita kong hindi naman sakin nakatingin si Andrew. 

"Ah. pati daw pala isang ice cream kuya."  Humarap ako kay Andrew saka siya tinanong. 

"Ikaw. Anong gusto mo?" 

"Katulad nalang nung sayo BABE"
Nagulat naman ako. TINAWAG NIYA BA AKONG BABE? Gaga! dalawang beses kaya! OMG! Tiningnan ko siya pero hindi naman siya nakatingin saakin.

"Sige na ako na mag babayad. Hanap ka na ng mauupuan natin. Sama mo na si baby" Sabi niya kaya Kinuha ko nalang si Baby Kenzie sa kanya.

"Come baby. Hayaan na natin si daddy mag dala niyan no? hmmm!"  Sabi ko habang pinang gigigilan ng halik si Kenzie. Bago ako tumalikod ay nakita ko pang medyo ngumiti si Andrew. Huh? Weird naman niya.

Buti nalang nakahanap kaagad ako ng seats. Kahit maraming tao. Humingi na rin ako ng High Chair sa staff para kay baby Kenzie. Habang hinihintay si Drew, napatingin ako kay Kenzie. Naisip ko lang. Wala pa siyang 2 years old, tapos ang galing na niya mag salita. Ang talino pa.

Nagulat ako nang biglang may tumabi saakin at dumikit ng sobra. Hindi pa siya na kuntento at inakbayan pa ako. Tiningnan ko na si Andrew. Alam ko namang siya to eh. Amoy palang alam ko na.

"Babe, after this bilhan natin si Baby ng mga damit ah?" Sabi niya lang at kinuha si Kenzie sa high chair niya. Napatulala nalang ako. Tinawag nanaman niya akong babe. Napatingin ako sa Harap at nakita si kuya na nag seserve na nakayuko lang at hindi tumitingin sakin.

Hinayaan ko nalang at saka inasikaso si Kenzie Habang kumakain. Ang daldal niya nga eh. Ang dami daming alam ng baby ko. hahaha.

Totoong after namin kumain Nagpunta na kami sa department store saka nagpuna sa baby section. Ang cuteee! Ang daming mga gamit na pang babae. haha.

Kumuha na ako ng cart at si Andrew na ang pinag tulak ko. Si Kenzie kasi ayaw bumitaw sakin. Pero ok lang. Habang nag lalakad lakad kami, bigalang humiyaw nanaman tong baby ko. 

" Mommy! Pincess! Ehzy wat pincess mommy!"  Napatingin ako sa tinuturo niya at nakita kong Princess na dress pala yung tinuturo niya. 

"Ok baby we'll get one for you." Lumapit kami doon at saka namili ng iba't ibang damit niya. May nakita pa akong mga PJ's kaya bumili na rin kami. Naalala ko wala pala soyang crib. Tska baby bottles. Wala pa rin siyang milk. "Hala drew. wala pa pala siyang Crib. Pati stroller pag nag gagala tayo." Sabi ko sa kanya.

"Sige Babe. Bili na rin tayo ngayon. Para aayusin ko lang bukas."  NAKO HA! KOTANG KOTA NA AKO SA KAKA BABE NIYAM ISA NALANG BABE NA RIN TATAWAG KO SA KANYA  EHE ng landi ko.

"Uhm sige."  sabi ko lang at saka naglakad na papunta sa crib sections.

"wowww! mommmii! yuk! petttyy!"

"Yes baby its pretty. Wait lang ha? pili lang kami ni daddy ng crib for you.hmmm? Are you tired na baby? huh? Pagod na ba ang baby ko?"  Palambing kong sabi sa kanya at saka siya hinalikan nanaman sa pisnge.

"Ang Cute naman po ng baby niyo Ma'am"  Nakangiting sabi nung sales lady. Ngumiti lang ako

" Syempre. Gwapo daddy niya maganda pa mommy niya. Diba babe?"  Sabi ni Andrew. Nakakahiyaaaa. Kanina pa siya. Pinanlakihan ko siya ng mata at kinindatan lang ako nung loko.

Binilisan nalang namin ang pag pili at pinadeliver nalang rin namin. Bukas daw ng umaga ito idedeliver. Kawawa naman kasi si Kenzie. Sobrang pagod na to. Pag tingin ko sa orasan lampas 10 na pala. Kaya umuwi na rin kami kaagad.

"Oh sige na. Pupunta nalang ako dyan bukas. Anong code ng unit mo?"  Sabi niya. Binigay ko nalang kasi kailangan naman talaga niya. Pero nagulat ako nang ibigay rin niya yung code ng unit niya.

Hinatid niya lang kami sa loob at binaba ang mga pinamili namin saka siya lumapit samin ni Kenzie. Hinalikan niya si baby sa noo at saka nagpaalam na rin siya saakin.

Nakahiga na kami ni Kenzie napalitan ko na rin siya ng pantulog na nasa bag niya kanina. Napatingin nanaman ako sa kanya. Ang ganda talaga niya. Magkamuka mga sila ng konti ni Andrew eh. Pero may hawig rin kaming dalawa. Baka sakin to pinaglihi ng nanay niya haha.
Hayy sobrang haba ng araw na to. Nakakpagod.

OMG BabyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang