Baby 2

4.6K 86 0
                                    


Kakatapos lang ng game nila. At ayun. Ano pa nga ba? edi talo. HAHAHA joke. Syempre panalo. Todo naman sa sigaw yung mga babaeng nanonood. Mga:

"woahhh! Dylaaannn ang galing galing mooo!"

"Go Martiiinn whooo! Ang gwapo gwapo mo!!"

"WAAAAAH! ANDREWWWW! ang galing mooo!"

"hindi! mas magaling si Emmanuel!"

tss. Lagi nalang ganyan yung naririnig ko everytime may game sila.
Nakatingin lang ako sa cellphone ko at hinihintay ang text ng bestfriend ko. Ang bagal talaga haha.

Nagulat nalang ako nang may makita akong paa sa harap ko. Kaya na pa angat ang tingin ko. At nagulat ako na si Emmanuel pala.

"Uy grabe. nakakagulat ka naman"
Natatawang sabi ko. Kasi naman bigla nalang lalapit ng ganon.

"Hahaha. Sorry Nagulat ba kita masyado?"

Natatawang sabi niya at kinamot ang batok niya. HAHAHHA nahihiya siya.

"Ayos lang. Bakit pala?"

"Ah. Ano hmm pwede ko bang mak-"

"Alexia. Halika na. Kanina ka pa hinahanap nila tita Cassey"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Emmanuel dahil biglang nalang sumulpot tong di Dylan. Balako at deretso lang ang tingin niya sakin.
Napatingin nalamang ako kay Emmanuel saka nag salita.

" Uhm. Emmanuel sige ah. next time nalang" Paalam ko sa kanya.

"Sige pre. Alis na kami."

Pagkasabi ni Dylan noon ay saka kami umalis.

"uh Dylan asan pala sila mommy?"
Tanong ko

Tining nan niya lang ako na para bng may kakaiba akong sinabi. Saka siya tumalikod at nag ikot ng mata. Ugh! Napakasungit talaga niyaaaa!

Sinundan ko nalang siyang malakad hanggang sa makita namin sila mommy.

"Oh anak. Dyan ka na sumabay kay Andrew. Kakain tayo sa labas ng mga tita mo" Sabi ni mommy. Napatingin naman ako kay Andrew. Kausap niya si Martin.

Pero nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin ni Dylan. Hala tong bata na to.

"Huy Dy-"
" Andrew ikaw na bahala kay Alexia. Alam mo naman na kung saan tayo kakain."

Biglang singit na sabi ni tito Steph.
Napatingin naman ako sa katabi ko.
Tumango lang siya sa sinabi ni tito.
Tumingin naman ako kay Martin at sa kasama niya. Pareho silang sumakay sa sasakyan na gamit nila mommy.

Hala! Kung kay Andrew ako sasabay, at ang Andrew na kilala ko ay kasama ni nila Martin, Tapos kasama ko ang Dylan na tinatawag ko, OMG! MALI! HUHU KALA KO SI DYLAN TONG KASAMA KO! SI ANDREW PALA!!!

Napalingon na ako sa katabi ko na blangkong nakatingin lang sakin.

"A-Andrew?" Naniniguradong sabi ko lang huhu nakakahiyaa. mali talagaaa.

"Tsss. Halika na. Kanina pa sila naka alis." Sabi niya at saka sumakay sa car niya.

Huhuhu Nakakahiya ka talaga Mia Alexia!

Napatingin lang ako sa magandang kotseng pinasukan niya. Yayamanin talaga ang lolo mo! Naka Ferrari  f60 America!

*Beeepppp!*

"Ano? Tatayo ka nalang ba dyan?" 

Nagulat ako sa pag busina niya sa harap ko. Hindi pa niya natatapos yung sasabihin niya tumakbo na kaagad ako papunta sa Shotgun seat.

"Sorry na. Hehe kala ko ikaw si Dylan kasi He-he-he sorry talagaaaa"

Nag irap lang siya ng mata at Pinaandar na ang sasakyan niya. Hmo! Gwapo sana ang sungit naman. Kala ko pa naman makakasundo ko ang makakasama ko sa school huhu.

Pagdating namin sa table nila mommy masaya silang nag kukwentuhan at sakto namang dumating ang mga pagkain.

"Oh. ayan na pala sila eh."
Nakangiting sabi ni tita Diane. Nakita ko pang bumulong di Tito Steph kay Dad kaya napatawa ito.

"Oh. Maupo na kayo. Para makakain na tayo."

Napatingin naman ako sa bakanteng upuan. Dalawang magkatabi lang. huhu wala na bang lalayo pa sa kanya? Nahihiya pa rin ako ihh. huhu
Sa tabi nalang ako ni Marga. Pero makakatabi ko pa rin si Andrew.

Nagsimula na kaming kumain at ang parents lang namin ang nag uusap. I mean pati pala si Martin at Dylan.

"ah uhm! Mga anak."

Napatigil ako sa pag kain at napatingin kay tito Steph. Hmm bakit kaya?

"Sabay nalang kayong pumunta sa condo niyo. Kailan ba kayo pupunta doon?"  Sabi naman ni Daddy

Nag katinginan kami sandali ni Andrew pero sandali lang talaga.

"Uhm. kasi po daddy Balak ko na po sanang pumunta bukas. Mag aayos pa rin po kasi ako ng gamit"

"Oh sige. Bukas balang kayo sabay na pumunta. Andrew, Sunduin mo tong si Alexia bukas sa bahay nila ng mga 11 o'clock ha?" Sabi naman ni Tita Diane kay Andrew. Wala namang nagawa si andrew at tumango na lang.

Ano ba yan. Ang tahimik talaga niya. paano yan? Edi matutuyo lang laway ko sa kanya? huhuhu

OMG BabyWhere stories live. Discover now