Baby 13

2.8K 75 3
                                    

"Look Kenzie oh. Yummy?" Sabi ni mommy kay Kenz habang nakakandong ito sa kanya sa harap ng hapag.

"Look Wowa oh. Yamm!" Pang gagaya naman ni baby ko kay mommy. Na ikinatawa naman naming lahat. Nandito kami ngayon sa bahay ng parents ko. Kala ko kasi kanina pauwi na kami sa condo pero sinabi sakin ni Andrew na tumawag siya kay mommy kanian at sinabing dito kami mag didinner. Sinabi niya rin na ito na ang time para ipakilala na rin si Kenz sa kanila.

"Nakakatuwa naman itong apo namin." NAtutuwang sabi ni dad habang nakatitig kay Kenzie.

"Totoo po yan dad. Napaka lambing. kaya lang talo ata ako. Parang nakiking Papa's girl na eh" NAtatawang sabi ko na ikinatawa din ng lahat.

"Hahahaha hihih" Nagulat kaming lahat ng tumawa din si Kenzie na akala mo alam niya ang ngyayare. 

"Oo nga pala. Ngayong nasa pangangalago niyo itong si Mackenzie anong plano niyo?" Tanong ni Dad. Napatigil ako sa pagsubo dahil yun na yun din ang tanong samin ni Tito Steph.

"Pipilitin po namin na palakihin siya ng tama" Deretsong sagot ni Andrew kay Daddy. Magsasalita na sana si daddy pero hindi ito natuloy dahil sa pakukulit ni Kenz

"Papa" Sabi ni Kenzie habang naglilikot sa kandungan ni mommy.

"go papa" nghahabang ngusong sabi ni baby habang nakatingin kay Drew ngayon. Ano ba yan anak narinig lang ang boses ni papa eh. bulong ko sa isip ko habang tinitingnan ang tumatakbong bulilit papunta sa papa niya.

"Dahan dahan princess. Don't run" Kaagad namang sabi ni Drew. Kaya ang anak niya tumigil sa kalagitnaan at nag dahan dahan  sa paglalakad. Literal na mabagal kasi nag titip-toe pa siya hahahaha.

Nang makalapit si Kenz sa papa niya at agad siyang kinarga ni Andrew at saka hinalikan sa labi. 

"Very good baby" Dinig kong bulong nito sa bata. Hindi ko alam pero everytime nakikita ko kung gaano kalapit at kalambing si Andrew kay Kenzie para akong sinisikmura. Parang may kung anong insektong tumilipad sa tyan ko.

"Paano ba yan ate. Mukang Papa's girl talaga ang pamangkin ko." Pang aasar pa ni Marga.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagkibit balikat lang ang loka. Napatingin naaman ako sa kaliwa ko kung saan nandoon si Andrew na narinig kong mahinang tumawa. Saka ko lang napansin na sobrang tahimik niya pala. Ni hindi manlang siya masyadong nag salita.

"Paano po tito, tita alis na po kami" Paalam ni Andrew kay Mommy at Daddy na ngayon at ngingiti ngiti.

"Sige iho mag iingat kayo. Ikaw na ang bahala sa anak at apo ko" Makahulugang sabi ni Daddy kay Drew.

"Dad" May pagbabantang sabi ko kay daddy. Kasi naman nakakaloko ang tingin niya sakin eh.

"Ano? Wala akong ginagawa ah" Nakataas ang dalawang kamay na sabi niya.

"Mommy oh" Parang bata namang sumbong ko kay mommy.

"Ay nako. Kayo talaga. Sigi na. Umuwi na kayo at gabi na. Nakatulog na ang apo ko oh" Tukoy ni mommy kay Kenzie na laglag na ang kamay sa mga bisig ni Drew. Lumapit naman ako sa kanila at saka inayos ang kamay ni Kenzie.

"Bye Mom. Bye Dad" Saka na ako nag mano at humalik sa kanila. Lumapit din si Drew at saka nagmano kela mommy.

Inihatid na nila kami sa labas ng pinto. Pinagbuksan ako ni Drew ng pinto ng kotse at saka inabot sakin ang mahimbing na natutulog ngayon na si Kenzie.

"Tulog na tulog ang baby ko. Napagod kakalaro kay tita Marga niya" Nakangusong sabi ko habang panagmamasdang matulog ang batang kalong kalong ko.

Natawa naman si Drew at saka tumingin samin.

"Paano ba yan Mhie. Mukang sakin kakampi ng kakampi ang anak natin" Natatawang sabi niya na ikinalliit naman ng mata ko. Natatawang tiningnan niya lang ako at lumapit sakin. Nagulat nalang ako ng bigla niya ako halikan sa Noo lang naman. Pati si Kenzie.

Tahimk na kami ngayong tinatahak ang daa papunta sa condo. Nang makarating kami sa mismong tapat ng pinto ay si Andrew na ang nag bukas dahil karga karga ko pa si Kenzie. Pagbukas na pagbukas ni Andrew ng ilaw ay bumugad samin ang mga nagkalat na gamit. Wala sa ayos ang lahat.

"Anong ngyare dito?"

OMG BabyWhere stories live. Discover now