Baby 22

2.4K 73 1
                                    

"May pupuntahan pa ba kayo?" Tanong ni Nuel kabang kunakamot sa batok.

"Ah, oo. Hindi pa kasi nakakabili ng dress ito si Maggie." Naka ngitong sabi ko sa kanya.

"Oh. Ok lang ba kung sumama ako sa inyo? Wala naman akong gagawin so naisip kong sumama nalang sa inyo sana kung ok lang." Napatingin ako kay Mags at nakangisi lang siya.

"Ah ano. Sige ba. Pero baka mapagod ka masyado kaming maraming ikot kasi alam mo na. Haha girls"
Sabi ko sa kanya at saka nagpatuloy na kami sa paghahanap ng dress ni Maggie hanggang sa mapadaan kami sa Kids and Wear. Puro pambata ang mga damit dito kaya sabi kay Mags na dito nalang muna kami ni Kenzie at titingin ako ng damit niya.

"Mama" Sabi ni Kenz at biglang nag likot.

"Ano yun baby? Wait lang baka malaglag ka" sabi ko sa kanya habang hindi maintindihan kung paano siya kakargahin.

"Baby sama ka sakin, halika. Look there oh" pang uuto ni Nuel. Napatigil naman si Kenz at saka tumingin sakin na tila ba nag papaalam.

Ngumiti ako sa kanya at saka tumango.
Sumama naman si Kenz kay Nuel at nakatitig lang ito dito ng biglang mag make face si Nuel. Tumawa ng malakas si Kenz. Napangiti ako dahil doon.

"Mama? Who?" Tanong ni Kenz pero hindi sakin nakatingin. Sinabi niya iyon ng hawak ang magkabilang pisngi ni Nuel habang nakatitig rito.

"That's tito Nuel baby."

"Tuti nel" bulong nito hababg hawak ang baba ni nuel dahil may balbas ito.
Natawa nalang kami ni Nuel sa kanya.
At nakita kong hinalikan nito si Kenz sa ulo.

"Yes baby. Tito Nuel" sabi nito at saka tumingin sakin at nag paalam na maglilibot lang sila sa store. Tumango lang ako at saka nag tingin na ng mga damit.

Ilang minuto palang ng makarinig ako ng matinis na tawa ng batang babae. Hinanap ko ito at nakita ko si Nuel na nakaluhod ang isang paa sa harap ng princessa ko habang hawak hawak ang isang white elephant na stuffed toy. Napangiti ako dahil sumasayaw sayaw pa si Kenz hababg yakap ang laruang inabot sa kanya ni Nuel.

Lalapit na dapat ako sa kanila ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Kinakabahang sinundan ko ang tingin niya. Nakatingin ito kay Kenzie at Nuel.

Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siyang parang natauhan at tumingin sa ibaba. Sinundan ko iyon at nakita si Amber na hawak ang kamay ni Andrew. Kinausap niya ang bata at ng nag taas ito ng tingin ay nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam pero biglang kumirot ang dibdib ko.

Nagbawi ako ng tingin at saka nilapitan sila Nuel.

"Oh baby what's that?" Tanong ko rito ng kinakabahan parin.

"Elpant mama" naka ngiting sabi niya sakin at saka kiniss ang puting stuffed toy.

"Tapos ka na Mia?" Tanong nito at saka kinarga na ulit si Kenzie.

"Ah oo. Magbabayad nalang ako. Sandali lang ah." Sabi ko rito at pumunta na sa counter.

"Sama kami. Babayaran ko na rin to." Sabay turo niya sa yakap yakap na elephant ni Kenz.

"Hala wag na Nuel. Ako na isama ko na yan dito. Nakakahiya naman" Nahihiyang sabi ko at akmang kukunin kay Kenz ang stuffed toy ng hawakan nito ang kamay ko.

"No. Ako na. Ngayon ko lang binilhan ang baby mo kaya ok lang." Naka ngiting sabi niya.

" Nako baby, nakakahiya. Anong sasabihin mo kay tito?" Sabi ko rito habang kinakamot ang likod.

"Tinku" nakangiting sabi nito.

"Daddy I want blue dress" Napatingin ako sa batang nag salita sa likod ni Nuel.

Si Amber.

Kinabahan nanaman ako at napatingin kay Kenz. Mabuti nalang at naaliw ito masyado sa laruan niya.

"Ah, halika na Nuel nag text na si Mags tapos na daw siya" aya ko dito habang bitbit ko ang mga pinamili.

"Ok baby, go get that dress" Narinig kong sabi ni Andrew.

Nakita kong nagtaas ng tingin si Nuel at nagkatinginan sila. Nakita ko pang nag igting ang panga ni Andrew pero lumambot ito ng malipat ang tingin kay Kenzie.

"Mama" Sabi ni Kenz at saka tumingin sakin ng naka taas ang isang kamay habang yakap ang laruan sa isang kamay.

Kinuha ko ito at tumalikod na sa kanya.

"Tara Nuel" Sabi ko kay Nuel na hindi ito nililingon.

"Papa! Papa! Look mama papa! Ephant papa!" Nag kakakawag ang mga paang nasasabik na sabi nito ng makita si Andrew. Sobra na ang kabang nararamdam ko.

"Anak that's not papa, come tita Mags is already waiting for us" Sabi ko rito at saka nagpatuloy sa paglalakad.

OMG BabyWhere stories live. Discover now