Baby 16

2.5K 75 1
                                    

Nandito ako sa kusina ngayon at patapos ko na lutuin ang adobong nirequest ni Andrew.

ok naman na to magpapahanda na ako sa mga maid ng table para pagdating ni Andrew kakain na kami. Kumuha ako ng isang kutsara at saka tinikman ang niluto ko. 

"Hmm!" Nagulat ako ng may biglang may kamay na pumulupot sa bewang ko at saka bumulong.

"Hmm. Mukang masarap yan ah." Sabi niya at saka siniksik ang kanyang muka sa leeg ko.

"Ang bango" Bulong pa niya. Alam na alam ko na kung sino to. Amoy palang yummy na.

"Andrew... Teka lang masusunog tong adobo" Natatawang sabi ko. At pinakawalan naman niya ako. 

"Nasan pala si baby ko?" tanong niya at saka sumandal sa kitchen sink. 

"Ah. Nasa kwarto tulog parin. Puntahan mo nga feeling ko gising na yun eh." Sabi ko at saka pinatas ang mga plato na ipapahain ko. Nilapitan ako ni Andrew at saka biglang hinalikan sa ilong. Napatigil ako sa ginawa niya at napatingin sa pintuan. SHET! NANDUN SI MANANG!!!! Biglang tumakbo si Andrew palabas sabay sigaw ng "CHECK KO LANG PO SI KENZIE" 

Napatingin ako kay manang na ngayon at naka ngiti sakin ng kakaiba. 

"Ahh manang paki handa na po ng table sumabay na rin po kayo. Puntahan ko lang po sila mommy" Sabi ko at saka umalis na.

Nakakahiya talaga kay manang baka kung anong iniisip nun ngayon huhu nakakahiya naman.




Lumipas na ang ilang araw, sunday ngayon kaya eto. Family day. Napagkasunduan na nga kasi namin ni Drew na maglaan ng oras kay Kenzie para lumaki siyang malapit saamin ang loob. 

"Papa! Swim" Sigaw ni Kenz habang tinuturo sa papa niya ang tubig. Nandito kasi kami ngayon sa pool ng bahay niya. Naisipan namin na wag na lang lumabas kasi napakainit din naman.

"Wait lang baby stay ka lang dyan ok?" Sabi ni Drew at saka lumayo ng onti kay kenz. Naka tungtung siya ngyon s 1st step ng pool. Nanlaki ang mata ko ng bitawan niya si Kenzie 

"DREW! WAG MO NAMAN IWAN DYAN SI KENZ!!" Sigaw ko sa kanya.

"Mhie, relax tuturuan ko lang mag swim si baby ok." 

Napailing nalang ako at saka dumiretso sa kusina.

"Manang, ako na po maglalabas ng mga yan" Sabi ko kay manang ng makita siyang inaayos na ang mag binake kong cupcakes sa tray at handa na niyang dalahin sa Pool Area.

"Oh siya sige ihja. Samahan mo na rin ang mag-ama mo doon na magswimming at tatawagin ko nalang kayo pag loto na ang tanghalian." Sabi ni manang at saka naman niya inasikaso ang lunch namin

"Sige po Nang, thank you po" Sabi ko lang at saka binuhat na yung tray at saka dumiretso na sa pool area. Malayo palang ako, naririnig ko na ang hagikhikan ni Andrew at ng baby ko. Hay nako kanina pa sila nag bababad doon. Baka sipunin na si Kenz niyan

" Dhie ahon na kayo. Baka sipinin na niyan si baby" Sabi ko habangnilalapag ang meryenda namin sa isang bench nak kahoy sa tabi.

"Hindi yan mhie. Wala pa nga kaming 30 mins. dito eh" Sabi niya at saka nilaro na ulit ang anak.

"Hay nako halika muna kayo dito. Kain muna then sama na ako sa inyo"

"Come baby. Want cupcakes baby?" Sabi ko habang kinukuha si Kenz kay drew at pinupunasan ang basa nitong muka.

"Mama want pink!" Sabi niya ng makita ang mga cupcakes na ginawa ko. 

"Hala baby dahan dahan naman." Hindi ako nito pinansin at tuloy lang kakakagat mng cupcake niya."

"Mhie subuan mo din ako pleaseee" Sai ni Drew at nag puppy eyes pa. Aba! nag papacute?!

"Kaya mo na yan hahaha" Natatawang sabi ko sa kanya at pinunasan ang pisni ni Kenz.

"SIge na Mhiee. Subuan mo din ako" Sabi nito kaya kumuha na ako ng isa pang cupcake at ngumiti naman siya ng malapad. Ganun ha. Teka nga

"HMM!" Sabi niya lang ng isubo ko sa bibig niya ang isang buong cupcake hahahaha nakakatawa siya punong puno na ang bibig niya.

Nagtatawanan kami ng ganon ng bilang lumapit si Manang.

"Andrew may nag hahanap sayo" Naka poker face na sabi ni manang.

"Ha? Sige po manang pakisabi-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng biglang lumabas ang isanag maganda at matangkad na babae. At lumapit kay Andrew at hinalikan ito sa labi na ikinagulat ko.

"Hi babe. Missed me?"

OMG BabyWhere stories live. Discover now