Baby 24

2.9K 78 5
                                    

"Happy birthday  Kenzie!" Kanta ng mga bisita. Napakaraming tao ngayon dito sa party dahil maraming kamaganak namin ang dumating. Nagulat sila dahil may anak na daw pala ako ng hindi kasal. Nginitian ko lang ang mga ito at hindi na pinansin ang mga tanong nila.

Pagkatapos mag blow ni Kenz ng candles nagpalakpakan ang mga tao. At pag angat ng tingin ko'y nakasulubong nito ang mga matang minahal at mahal na mahal ko. Nag bawi ako ng tingin at saka inintindi ang mga bisita.

"Ate kunin ko muna si Kenz, kasama ko naman si Shan." Paalam nito at saka kinarga si Kenzie.

"Ingatan niyo yang anak ko ah. Ocean, tingnan mo yang dalawang yan ah." Natatawang sabi ko kay Ocean. Bestfriend ni Maggie.

"Oo naman ate. Dalawang bata pa naman ang babantayan ko" natatawang sabi nito at saka hinila na palayo si Mags.

Napailing nalang akong hinatid sila ng tingin at saka bumalik sa pag asikaso sa mga bisita.

Nakita ko ang mga pinsan ko na nag kakasiyahan at saka sila nilapitan.

"Uy Ella, buti nakarating kayo." Masayang bati ko rito at niyakap.

"Nako, alam mo namang malakas ka sikin eh" Natatawang sabi nito pabalik kasama niya ang kanyang asawa at ang kanilang dalawang anak ngayon. Na sa tingin ko ay nakikipaglaro sa ibang mga bata rito.

"At nakakagulat ah. Wala ka manlang na kwento samin" Nakataas ang kilay na sabi ni Kathy.

"Mahabang storya. Haha kwento ko sa inyo sa susunod. Bisitahin niyo kasi kami dito" Dahilan ko sa mga ito at saka umupo sa tabi ni Kent. Umakbay ito sakin at saka inabot ang isang shot glass na may laman.

"Oh ate Lex, kanina pa kami dito Ikaw naman" Natatawang sabi nito. Ito ang pinaka babaero sa lahat eh.

"Oo nga Lex. Busy busyhan ka ngayon eh" duktong pa ni kuya Franco.

"Oy tigilan niyo yang si Alexia ah. Marami pang gagawin yan" natatawang sabi ni Andres. Ang asawa ni Ella.

Napalingon ako sa mga ito at napansing wala si Kuya Keith. Ang pinakamatanda samin mag pipinsan. At kapatid ni Kuya Franco at Errine.

"San pala si Kuya Keith?" Tanong ko sa mga ito.

"Ayun nasa labas. Namomroblema." Sabi ni Errine na kakaupo lang. Mas matanda siya ng konti kay Maggie at inaanak ko tong isang to.

"Bakit? Anong ngyare?" Kunot noong tanong ko.

"Paano baliw tong si ate Kathy. Nagkabukingan kanina. Nalaman namin na may babae pala siyang kinababaliwan ngayon." Paliwanag ni Martin.

"Ano namang masama doon? Eh buti nga yon ng makapag asawa na siya no ang tanda na kaya ni kuya Keith" Sagot naman ni Ella.

"Baliw! Diba sila pa ni ate Veron?" Duktong na sagot naman ni Martin.

"Eh sino tong bago?" Tanong naman ni Kent.

"Si Andrea kapatid ni kuya Andres" Sagot ni Errine na nakapag pagulat sa amin.

"Luh. Paktay tayo dyan" Napapailing na sabi ni Jean.

Hay nako ang gulo gulo din ng lovelife ni kuya Keith kasi.

"Ninang nasan pala si Maggie?" Pagiibang tanong sakin ni Errine. Mag bestfriends yang dalwang yan eh.

"Nako, kasama si Kenz at si Ocean alam mo naman yung dalawang yun ang kukulit" natatawang sabi ko dito.

"Ocean? Yung bestfriend niya?" Tanong ni kuya Franco
Tumango lang ako at napatingin sa stage dahil narinig kong tinawag ang pangalan ko.

"Ay, teka punata muna ako dun. I'll catch up with you later" sabi ko sa mga ito at pumunta na sa tabi ng stage.

"Miss Mia, akyat po kayo ng stage magbibigay na po kayo ng message" nakangiting sabi nito.

Tumango ako at umakyat na sa stage ng bigla nalang tumugtog ang isang instrumental na kanta.

Napalingon ako sa paligid ng bigla nalang may kumanta.

"Been thinkin' 'bout you, baby"

Bigla nalang tumulo ang luha ko ng makitang papalapit si Andrew.

"And I don't know what to do
All I think about is you
Seems everything around me
Things I've never understood
They all make sense when I'm with you"

Hinawakan nito ang kamay ko ng makalapit siya sakin at saka ito hinalikan.

"I am so sorry Mhie. Sorry sa mga maling bagay na nagawa ko sayo. Sayo at sa anak natin. Please forgive me. I promise Babawi ako. Babawi ako. Mhie I'm sorry. I'm sorry." Umiiyak rin na sabi niyo habang patulog na hinahalikan ang mga kamay ko.

'"Coz it's once in a lifetime
I've always been so lonely
No one there for me to hold
And every night was just so cold
Oh, don't get me wrong I've been around"

Napatingin ako sa mga pinsan ko na kanila lamang ay kausap ko. Nangiti ang mga ito sa akin ngayon habang patuloy na kinakanta ang kaninang kanta ni Andrew.

"Mhie. Mag papaliwanag ako. Ayusin natin to. Pero ngayon"

But I've resigned myself to thinking
Mine is just another story often told
Oh, I've heard it all before
Finding so called love then you leave it behind

Kinabahan ako ng sobra ng dahan dahan siyang lumuhod sa harap ko.
"Mhie, please marry me" sabi nito habang patuloy rin ang pagbagsak ng luha.

But now I feel so sure
I listen to my heart this time
Put my heart before my mind
I know that what I've found
Is once in a lifetime
And I know there's no way out
'Coz it's once in a lifetime...

Napatingin ako kela mommy at nandoon, kasama nila si Kenz at ang family ni Andrew. Ngumiti si mommy at saka tumango. Para bang sinasabi na gawin mo ang gusto ng puso mo anak.

It's not like I'm runnin' out of time
I'm takin' everything in stride
It's just I never thought I'd find
What would make me change my mind

Napatingin ulit ako kay Andrew na nakaluhod sa harap ko habang hawak ang mga kamay ko at ang isang makinang na singsing.

I know that what I've found
Is once in a lifetime
Yeah, and I know there's no way out

"Please Mhie. Marry me" nagsusumamong pakiusap nito saakin. Hinila ko siya pataas at saka idinampi ang kamay ko sa pisngi nito at pinahiran ang luha at saka siya dahan dahang nginitian.

'Coz it's once in a lifetime
Ohh... ohhh...

"Yes"

OMG BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon