Baby 6

3.3K 86 0
                                    


Nagising ako sa mahinang palo sa muka ko. Pagmulat ko,nakita ko ang baby ko na nakatingin sa akin. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 7 na pala ng umaga.

"Good Morning baby"

Sinuklian naman niya ako ng isang napaka cute na ngiti. Nakakagigil talaga tong bata na to. Napamahal na siya sakin ng sobra kahit na wala pang 24 hours kaming nagkasama. Ewan ko ba sobrang gaan lang talaga ng pakiramdam ko sa kanya.

Nagkukulitan kami ng anak ko ng bigla akong may narinig na tunog galing sa labas ng kwarto. Hala! Baka may nakapasok na namagnanakaw. Tumayo ako sa kama at binuhat si Kenzie.

Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto at naamoy ko kaagad ang pamilyar na amoy ng pagkaing niluluto sa kusina. Teka, wala naman akong kasama dito sa unit maliban kay Kenzie. Sino namang makikialam ng kusina ko?

Nag lakad na ako papunta sa kusina ng mapatigil ako pagdating samay pinto. May isang lalaki na nakatalikod habang nagluluto ng umagahan. Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Kenzie

"Daddy! Daddy Daddy Daddy"

Sigaw siya ng sigaw ng Daddy kaya napalingon si Drew sa amin. Nagulat pa siya nang makita niya kami pero agad rin namang nakabawi.

"Oh gising na pala ang baby. Wait lang ha. Malapit na maluto ito. Upo na kayo Lexia ako na'ng bahala dito."

At saka niya itinuloy ang ginagawa niya. Mag tataka pa sana ako kung paano siya nakapasok dito pero na alala ko na hiningi niya nga pala ang code ng unit ko.

"Teka, Drew san galing yang mga niluluto mo? Di naman tayo natuloy mag groceries kagabi diba?"

Nag tatakang tanong ko. Humarap lang siya sakin sandali at saka tinuloy ang kanyang pag luluto.

"Ah maaga kasi akong nagising kaya pumunta nalang ako sa palengke. Sarado pa kasi ang mga supermarket ng ganitong oras eh. Oh upo na kayo tapos na to."

Sabi niya at pinatay na ang kalan. Naupo na rin ako habang kalong kalong si Kenzie. Di pa kasi dumadating yung mga pinamili namin na gamit niya.
Habang nilalapag ni Andrew ang mga niluto niya ay tuwang tuwa naman ang baby na nasa kandungan ko ngayon. Pumapalak pak pa siya habang tumatawa.

"Wow oh baby. Daddy cooked breakfast for us. What do you want to eat?"

Tinuro naman niya kaagad ang egg kaya nilagyan ko na ang plato sa harap ko. At nag lagay ng plain rice. Baka kasi di niya magustohan yung fried rice dahil sa garlic. Sinusubuan ko na si Kenzie ng maupo na si Andrew sa pinaka dulo ng lamesa which is katabi ko.

"Oh mommy bakit di ka pa kumakain?" Sabi niya habang nakatingin sakin. Nagulat naman ako at nglaki ang mata sa tinawag niya sakin. MOMMY? Seryoso ba siya? Ang weird niya. Kahapon "babe" siya ng "babe" sakin tapos ngayon biglang "mommy" na?!

Napansin niya ata na nagulat ako kaya bigla niyang tinuro si Kenzie na nakatingin sakin ngayon. Ah kaya pala. Yun nga pala yung pinipilit ni Kenzie kahapon.

"Ah patapusin ko nalang muna siya kumain. Wala pa kasi yung mga gamit na bili natin para sa kanya kaya kinalong ko nalang"

Tumango lang siya at saka nagsimula na ring lagyan ng pagkain ang plato niya.

"Ay teka Drew-- ay Daddy. Pupunta ka ba ngayon sa hospital? Di kasi ako makakasama. Walang kasama si Kenzie dito pag ako ang pumunta"

Tumingin naman siya sakin tapos kay Kenzie na busyng kumakain tapos sakin ulit.

"Ah hindi na muna. Baka bukas nalang natawagan ko narin naman si Tito Tristan. Nasabi ko na may aayusin tayo ngayon"

Ahh. Tumango nalang ako at pinag patuloy ang pag papakain sa baby ko.

"Baby, say Ahh. Yummm. Yummy ba baby? Is it yummy?"

Tumangotango naman siya at pumalakpak nanaman.

"Say 'delicious' baby "

"Eisush beybi"

Nagkatinginan kami ni Drew at sabay na napatawa.


"Wow ang galing naman ng baby namin. Halika, dito ka muna kay daddy para makakain na si mommy mo" 

Sabi ni Drew at kinuha si Kenzie sakin. Siya na ang nagsubo kay Kenz ng pagkain.

Kumakain na ako ng biglang naglikot naman tong si Mckenzie. Biglang tinutulak yung spoon na may lamang kanin.

"Mommyyyyy! Ito oh. Mommyyy" habang tinuturo ang spoon niya.

"Eh? Baby ito na oh. Meron na si mommy."

Sabi ko at  pinakita na sumusubo ako ng pagkain ko. Kaya lang may pagka makulit rin pala tong baby ko. Ayaw na niyang kainin yung sinusubo ni Drew. Tiningnan naman ako ni Drew ng masama at pinakita ang masungit niyang aura. Tingnan mo to parang kahapon lang ng umaga ang sungit sungit sakin tapos ngayon ganito siya? Huhu baby Kenzie anong ginawa mo dyan sa Andrew na yan? Nagiging sobrang weird na niya.

"Hayy. Sabi ko nga diba. Eto na. Ahhh"

sabi ko nalang ng tumigil na. Tapos after non nanahimik na rin si Kenzie. I mean di na siya nagulit pero daldal lang siya ng daldal ng mga salitang di naman namin naiintindihan.

After kumain, sinabi ko na kay Andrew na ako na ang mag huhugas. Nakakahiya naman kasi siya na nga ang nag luto siya pa ang mag huhugas.

Habang nag huhugas ako naririnig ko ang mga munting tawa ni Kenzi. Nanonood yata sila ng tv.

"Ok baby, starting today you should be used to be called Sophia. Because, Daddy will call you Pia from now on." Narinig kong sabi ni Drew habang  nakaupo si Kenzie sa lap niya at nakatingin sa kanya.

"Pia? Daddy? Pia?" Tanong naman ni baby girl. Kala mo naman naiintindihan niya yung sinabi ng daddy niya.

"Yes baby. Pia." Sabi niya habang tumatano tano pa.

"Pia. Mamaaa!!! Pia! Pia! Pia!" Sabi ni baby nang makita niyang papaupo na ako sa tabi nila.

OMG BabyWhere stories live. Discover now