Chapter 14

2.5K 71 0
                                    

Geoff POV

 

 

Habang nakaupo ako sa bench ay may mga estudyante na ang lakas-lakas mag-usap.

‘Oo nga eh! Grabe nakakatakot yung nasa loob ng locker ni Monique’

 

 

‘Naku sinabi mo pa! Napaka-bully niya kasi ayan tuloy dumadating na ang karma’

 

 

‘Pero bakit naman kasi kinakailangan na lagyan ng dugo yung picture ni Monique tapos may patay pa na daga’

 

 

‘Sympre binabantaan na siya.’

 

 

Napakunot ang noo ko sa mga narinig ko. Sino naman kaya ang may gawa nun sa locker ni Monique? Napagdesisyunan kong bumalik na sa room para makita si Monique.

Pagkarating ko sa room nakapangalumbaba lang siya at halatang malalim ang iniisip. Umupo na ako sa bandang likuran at sakto ang dating ng prof. namin sa Accounting.

‘Goodafternoon Class.’ Bati nito sa amin.

‘Goodafternoon Sir.’ Bati ng karamihan.Napatingin yung prof. sa pwesto nila Cheska at Monique.

‘Ms. Vega napansin ko na mababa ang mga nakukuha mong marka sa subject na Accounting…Kaya naman napagdesisyunan ko na paturuan ka kay Geoff.’ Napakunot ang noo ko. Eh? Bakit sa akin?

‘Bakit naman sa kanya pa?’ halata sa boses ni Monique ang pagka-irita.

‘Dahil siya lang ang may pinakamataas na marka dito sa loob ng room.’ Hindi na nagsalita pa si Monique kaya naman nagturo na yung prof.

Pagkalabas ng room ng prof. Tumayo na ako at naglalakad na palabas na sana ng room ng may tumapik sa likuran ko.

 

Paglingon ko si Monique.

‘Tuturuan mo ako sa Accounting ngayon din.’ Pagkasabi niya nun kumabog ng malakas yung puso ko hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.

‘S-saan?’ tanong ko sabay yuko.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon