Prologue

6.5K 132 4
                                    

Prologue:

Naglalakad si Monique at ang bestfriend niyang si Cheska papasok sa loob ng B.A Building.

‘Niks, Tignan mo yun oh.’ Sabay nguso ni Cheska sa babaeng mataba na hirap na hirap sa pag-akyat sa hagdanan.

Napangisi si Monique at naunang umakyat ng hagdan.

‘Oh taba! Mukhang hirap na hirap ka sa pag-akyat ng hagdanan ah?’ natatawang tanong ni Monique sa babae.

Maraming mga students agad na nag-lapitan sa pwesto nila Monique. Napansin yun agad ng babae kaya agad siyang umakyat ulit kahit hirap na hirap na siya.

‘Kawawa naman si TABA oh! LUMBA-LUMBA!’ at ginaya ni Monique kung paano umakyat yung babae.

‘TABA TABA! Siya ay MATABA sabay turo ni Monique sa babae ANG TABA-TABA MO!!’ sigaw ni Monique.

‘BWAHAHAHAHAHAHAHAH!!’

‘HAHAHA TABA-TABA!!’

‘BABOY BABOY!!!’

‘IBABA ANG PRESYO NG TABA!!’

Kung anu-ano pang sigawan ng mga students.

‘Kawawa ka naman. Ang taba-taba mo kasi eh.’ Malungkot na sabi ni Monique sabay irap sa babae at naunang umakyat ng hagdan.

Pagkapasok ni Monique at Cheska sa room agad silang umupo sa dulo.

‘The best ka talaga Niks.’ Nakangiting sabi ni Cheska.

‘I know.’ Sagot ni Monique na biglang napatingin sa pintuan.

‘Ugh. Mukhang may bago ka na naman pag-titripan.’ Bulong ni Cheska.

‘Tsk. NERD.’ Nakangising sagot ni Monique habang tinititigan ang lalaking papasok na nakayuko habang may dalang makakapal na libro at may suot itong bag na sobrang laki na akala mo ay may camping na pupuntahan. Ang buhok nito ay may hati sa gitna na naka-gel pa. Nakasuot pa ito ng makapal na salamin. Naka-polo siya na puti pero may jumper ito na nakasabit sa pantalon na bitin kaya kita ang mahaba niyang puting medyas. Inangat nito kaunti ang ulo niya kaya nakita ang mukha nito. Nakausli yung dalawang ipin nito at may makapal siyang kilay na sabog-sabog. Pero wala naman itong tigyawat.

‘Ang baduy.’ Bulungan ng mga lalaki.

‘Ewwww. Ang pangit niya. So Kadiri.’ Bulungan naman ng mga babae.

Yung ibang students pinagtatawanan ito. Naglalakad siya ng nakayuko papuntang pinaka-dulo kung saan nakaupo sila Monique.

-BLAAAAGGGG-

‘BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!’ tawanan ng mga students. Agad naman tumayo yung lalaki at sinuot ang nahulog niyang salamin at agad pinulot yung mga makakapal niyang libro.

‘Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo.’ Malungkot na sabi ni Monique sabay smirk sa lalaki.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon