Chapter 12

2.5K 75 0
                                    

Monique POV

 

 

Pagkalabas ko sa mansion ni Cheska sumilip pa ako sa bintana ng kwarto niya. Nakita ko na masaya silang naghahabulan ni Jay. Napangiti ako at sumakay na sa kotse ko.

-UNIVERSITY-

 

 

Pumunta ako sa building kung saan naganap yung nangyari sa pagitan namin ni Cheska. Tignan ko yung mga paligid. Sa itaas may nakita akong CCTV camera. Naglakad ako papunta sa security room.

‘Goodafternoon po Ms.Monique.’ bati ng guard. Kaya naman lumapit ako.

‘Pwede mo bang ipakita sa akin yung record ng CCTV sa B.A Building?’ tanong ko at agad naman niya tinignan sa computer.

‘Ito po mam.’ Nakita ko na kitang-kita ang buong hagdan at nasisiguro kong may record yung araw na tinulak ako ni Karen sa hagdan.

‘Pwede bang ipakita mo sa akin yung record nung nakaraang araw pa.’ sabi ko at agad naman niyang sinunod.

Naupo ako sa mesa at kinagat ko yung daliri ko habang tinitignan yung mga record.

‘YAN!! Yan! I-pause mo dyan.’ Utos ko. Nakita ko nga si Karen na nakatayo at ako kasama si Cheska na papaakyat sa hagdan.

‘Pwede mo bang kopyahin yan simula dyan hanggang sa sinampal ako ni Dad?’ sabi ko at tumango-tango lang siya.

Naghintay ako sa labas mahigit 5 minutes. Tssss ang tagal naman ng kopya na hinihingi ko.

‘Ms. Monique.’ Napalingon ako sa guard.

‘Ito na po yung kopya.’ Sabi niya sabay abot sa c.d

Kaya naman naglakad ako papunta sa B.A Building at maraming students na nakatingin sa akin pero lahat sila dinedma ko. Pumasok ako sa isang kwarto at nilock yun. Kinuha ko yung laptop ko sa bag at sinalang yung c.d baka kasi mali yung kopya na binigay ng guard.

Napangiti ako ng makita kong KOMPLETONG DETALYE ang hawak ko ngayon.Binalik ko na yung laptop kasama yung c.d sa bag ko at lumabas sa room.

Pagkalabas ko sa room nakita ko si Nerd na punong-puno ng harina yung buong katawan niya.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon