Chapter 29 (Arrange Marriage?)

2.1K 76 4
                                    

Monique POV

'Magpapakasal kayong dalawa.' Nanlaki ang mata ko at tinignan si Lola na ang sama-sama ng aura.

'Lola.....Anong kasal? Walang nangyari sa amin nito.' Pinalo ko ng malakas ang braso ni Hambog na tumingin sa akin ng masama.

'Monique....Paninindigan ka ng apo ko.' Seryosong sabi ni Lola.

'Teka lang Lola....Bat niya ako paninindigan? Walang nangyari sa amin mamatay na apo niyo.' Pinanlakihan niya ako ng mata kaya napayuko ako. Hindi ako sanay na galit sa akin si Lola

'Magpapakasal kayo sa ayaw't sa gusto niyo.' Inis na sabi ni Lola atska kami iniwan ni Hambog sa sala.

'Hoy!!!' inis kong sinuntok ang braso niya.

'Bakit hindi ka man lang umangal ha?!!!!' Sigaw ko pero nakayuko lang siya

'Tingin mo magagawa ko yun? Paano kung atakihin sa puso si Lola?' Inis niyang sabi at tumayo sa sofa atska naglakad paalis. Naipadyak ko ang aking paa sa carpet.

'I can't believe this.....' pailing-iling kong sabi. Paano kung makipagkita si Lola sa parents ko? Waaaa!!!! Pagagalitan ako nila Mom at Dad...At ang future boyfriend kong si Nerd!!!!

'NOOOOOOOO!!!!!' tili ko sa sala.

Geoff Ohrik POV

'Lola hindi kaya mabaliw si Monique nyan?' taka kong tanong kay Lola ng marinig ko ang tili ni Monique.

'Hindi yan....Isa pa ito na lang ang tangi kong paraan para magkatuluyan kayo at makalimutan niya ang katauhan ni Geoff.' Niyakap ako ni Lola ng mahigpit.

'Bilang katauhan ni Geoff kailangan mo ng umamin.' Ngumiti na lang ako ng tipid.

KINABUKASAN

Pagkababa ko sa sala andun si Monique na nakahanda na ang kanyang gamit.

'Pupunta kami ni Ohrik sa mansyon niyo para mapag-usapan namin ng parents mo ang tungkol sa marriage.' Natango lang si Monique atska yumakap kay Lola.

'Pero Lola....Kailangan bang humantong sa kasalan? Wala naman kasi talagang nangyari sa amin ni Hambog eh.' Naiiyak na sabi ni Monique.

'Iha ginagawa ko ito para sa ikabubuti ng buhay mo.' hinalikan ni Lola ang noo ni Monique.

'Pero Lola hindi po gaganda ang buhay ko sa piling ng apo niyo eh.' Inis na sabi ni Monique. Psh hindi gaganda? Eh kung sabihin ko sa kanya na ako at si nerd ay iisa? Nakakainis.

'Magtiwala ka sa akin iha.' Nakangiting sabi ni Lola.

'Lola naman....May tiwala po ako sa inyo pero sa apo niyo po?....Hehe (.) percent ang tiwalang meron ako sa kanya.' Humalik si Monique sa pisngi ni Lola atska ito nagpaalam na aalis. Naalala ko na kailangan ko ng magpalit ng katauhan.

Cheska POV

'IM HOME!!!!' sigaw ko ng makalabas kami ni Jay ng airport.

'Nag-enjoy ka ba sa bakasyon natin?' nakangiting tanong ni Jay. Niyakap ko ang bewang niya atska siya hinalikan sa pisngi.

'Sympre naman....Ikaw kasi kasama ko kaya nag-enjoy ako. Thank you babe.' kinurot naman niya ang pisngi ko.

'Tara dalawin natin si Monique.' nakangiti niyang aya. Bigla akong na-excite makita muli si Monique. Kamusta kaya bakasyon nun?

Mansion

'NIKSSSSSS!!!!' malakas kong tili ng aking makita si Niks na nakasandal sa sofa at nakapikit ang kanyang mata.

-BLAG-

'A-Awwww' Napahawak ako sa noo ko at inalalayan ako ni Jay makatayo.

'Grabe ka naman Niks sa babe ko.' malungkot na sabi ni Jay. Tinignan ko ng masama si Niks na nakaupo sa sofa at ang sama-sama ng tingin sa akin.

'Grabe ka ha!!! Di mo ba alam na masakit ang pagbato mo ng unan ha!!!' sigaw ko sa kanya at naupo sa tabi niya.

'Cheska.....' nanlaki ang mata ko ng biglang namuo ang luha sa mata ni Niks.

'Cheska.....' Umiiyak niyang sabi atska ako niyakap ng mahigpit. O.O

'Gosh Niks!!! Buhay pa ako! Ano ka ba?' Inilayo ko siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi niya na may luha.

'Shhhh....Buhay pa ako huh?' alala kong sabi at bigla niya akong binatukan.

'Baliw!!' sigaw niya atska umiyak ulit. Nagkatinginan kami ni Babe.

'Niks....Ano bang nangyari?' takang tanong ni Jay.

'Jay.....Ikakasal na ako....Huhuhu.' Nagulat ako ng lumakas ang iyak ni Niks at panay ang iling niya.

'No.....Hindi pwede.....Hindi ako pwede ikasal....' Umiiyak na sabi ni Niks.

'Wait lang ha!!? Naguguluhan ako Niks....Anong kasal? Kanino ka ikakasal?' Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

'Kay Hambog.....Kay Hambog.....' Sagot niya. Napangiti ako at pumalakpak ng malakas

'Bat parang natuwa ka pa?!' Iritang tanong ni Niks habang pinupunasan niya ng tissue paper ang pisngi niya.

'Hello??!!! Geoff Ohrik Sy yun Niks!!!! Gwapo at sikat na model..Chossy ka pa?' Pinalo ko ang balikat ni Niks.

'Hayop ka!!! Anong klaseng kaibigan ka!' Hinila ni Niks ang dulo ng buhok ko kaya inis ko siyang tinignan.

'Imbis na mag-iisip ka ng paraan para hindi matuloy ang arrange marriage na mangyayari ay tuwang-tuwa ka pa at halatang excited kang ikasal ako!!!' sigaw niya kaya natawa ako.

'Aba sympre naman. Ako kaya maid of honor mo, natural lang na maexcite ako.' kinindatan ko pa si Niks na halatang naiinis na.

'Ahh ganun?' Bigla akong tumayo at lumapit kay Jay na nakatulala pala.

'Babe...Ano iniisip mo?' taka kong tanong.

'Makikipag-break na sayo ang pinsan ko..!' sigaw ni Niks at hinabol ako.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon