Niks/Geoff Day 2

2.1K 86 1
                                    

Geoff POV

Pagkagaling namin sa Park ni Monique ay umuwi kami sa mansion nila para makapagpraktis.

Nang matapos kami magpraktis ay pumunta saglit si Monique sa kusina.

'Oh, look babe the nerd is here.' nakangiti sabi ni Cheska at naupo sa sofa na katapat ko. Naupo rin si Jay sa tabi niya.

'Mukhang close na close na kayo ni Niks ah.' Nangalumbaba si Jay sabay ngiti ng nakakaloko sa akin.

Yumuko na lang ako dahil papalapit na sa amin si Monique.

'Mam, May nagpapabigay po oh.' Napatigil si Monique sa paglalakad at kinuha yung box na red mula sa kasambahay nila.

'Kanino raw galing Niks?' Tanong ni Cheska ng makaupo sa tabi ko si Monique.

Binuksan ni Monique yung maliit na card na nakapatong sa ibabaw ng box. Napakunot ang noo niya ng buksan niya iyon.

'Umalis na si Dustin.' halos pabulong na sabi ni Monique at pilit na ngumiti.

'Regalo niya para sayo?' tanong ni Cheska.

'Hindi para sayo daw. Inabot ni Monique yung box kay Cheska na nakanguso Dalhin mo yan sa ref at kakainin ko mamaya.' Padabog na tumayo si Cheska at naglakad papunta sa kusina.

'Bat nga pala kayo nandito?' tanong ni Monique kay Jay.

'Tinatamad kami mag date ng Babe ko eh, kaya napagisipan namin na dalawin ka. Isa pa kakatapos lang nila magpraktis ni Red sa harap ko.' Napangisi naman si Monique. Nanlaki ang mata ko ng biglang lumingon si Monique sa akin.

'Bukas na ang beauty pageant kaya gagalingan nating dalawa, manalo man o matalo.' nginitian ko na lang siya bilang sagot.

Karen POV

'NOOO WAAAY!!!!!' sigaw sa mismong harap ng president sa beauty pageant.

'Wala kang magagawa Karen, umalis na si Dustin papuntang amerika. Kaya no choice ka kundi ang maghanap ng partner mo o magsolo ka.' sabay alis niya. Napasabunot ako sa buhok ko. NO! Hindi pwedeng wala ako maging partner. Ano yun? Mananalo na naman si Monique against me? Cannot be.!!!!

Kailangan ko makausap si Ohrik. Kailangan mapapayag ko siya na maging magpartner kami sa Beauty Pageant.

Geoff POV

'Monique, aalis na ako ha?' bulong ko kay Monique at tumango na lang ito bilang sagot. Di na ako nagpaalam pa kay Cheska at Jay. Pagkalabas ko sa mansion nila Monique agad ako pumara ng taxi.

'Manong sa Mall tayo.' Sinagot ko yung tawag ni Karen. Psh ano naman kaya kailangan ng babaeng to.

(Thank god!! Sinagot mo ang tawag ko Ohrik. Pwede ba tayo magkita?)

'Sure. Sa mall tayo magkita.' pagkarating sa mall nagbayad ako sa driver at dumiretso sa bench para bumili ng damit.

Pagkarating ko sa cr ng boys, goodthing dahil walang tao kaya naman dali-dali akong nagpalit. Inayos ko sa harap ng salamin ang buhok ko at dumiretso papuntang Starbucks.

Tinext ko si Karen na magkita kami sa Starbucks.

'Hi Ohrik,' Napalingon ako kay Karen na naupo sa tapat ko. Agad ko naman siyang nginitian.

'Bakit gusto mo makipagkita? Baka makita tayo ni Dustin at awayin ako nun.' Umiling-iling naman siya bilang sagot at nangalumbaba sa harap ko.

'Umalis na siya papuntang Amerika, at hindi man lang niya sinabi sa akin kung bakit ni paalam nga wala eh.' ngumuso pa siya na akala mo ay talagang nalungkot siya.

'Ahh.' yun na lang nasabi ko.

'Kaya nga gusto kita makita, Hihingi sana ako ng favor sayo eh.' napahawak ako sa baba ko.

'Spill it.' Nakangiting sabi ko.

'Pwede bang maging partner kita sa Beauty Pageant ng University?' Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Sorry siya dahil si Monique na ang partner ko.

'Baka nakakalimutan mo? Hindi naman ako nag-aaral sa University na pinapasukan mo. Isa pa hindi ko trip ang mga beauty-beauty pageant na yan.' Agad naman sumama ang mukha niya.

'Fine!!! Kung ayaw mo edi wag,!!!!' agad siyang tumayo at nag-walk out. Tsk as if naman na hahabulin ko siya.

Monique POV

'Sabihin mo nga sa akin Niks, Tutal wala naman dito si Babe at tayong dalawa lang ang naiwan dito. Tapatin mo nga ako.' Nilingon ko si Cheska na dinidilaan yung kutsara niya, Psh halatang nagustuhan niya yung binake na cake ni Dustin para sa akin. Atleast kahit yung nirequest ko sa kanya na gusto kong matanggap na regalo mula sa kanya ay ginawa niya pa rin. He's so sweet pa rin talaga.

'Ano na naman?' tanong ko kay Cheska.

'May crush ka na kay Geoff ano?' Natawa ako ng mahina kay Cheska kaya nginusuan niya ako ng bongga.

'Nagtatanong ako ng maayos ah!!!' sigaw niya sa akin kaya sumeryoso na ako. Napatango na lang ako sa kanya bilang sagot.

Magiging OA na naman ang reaksyon niya kaya inunahan ko na.

'Crush lang. PERIOD.' napanganga siya at ngumiti.

'Ayiieeeeee. Ganun pala kapag nasaktan ng gwapo ano? No choice kundi ang pumatol sa pangit para di na ulit masaktan.' natatawang sabi niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan ng masama.

'Hoy!!! Hindi ako ganun ah!!! Excuse me lang pero hindi ako maiinlove sa pangit na iyon. Crush nga lang diba? Atska kung sakaling mainlove ako sa kanya, why not? LOVE IS BLIND.' bigla naman siyang pumalakpak with matching standing ovation.

'Tsk. Nababaliw ka na naman ba? Kumain ka na nga lang ng Cake.' iniwanan ko na lang siya sa dining room at umakyat sa kwarto ko. Haay di ko maiwasan mamiss si Dustin pero bigla akong napangiti ng maalala ko si Geoff. Yung pangit na yun makahawak kanina sa kamay ko impierness naman sa kanya dahil ang lambot ng kamay niya.

'Niksss. May dalaw ka ulit.' Nilingon ko yung pintuan ko.

'Papasukin mo na lang dito sa kwarto ng masampal ko.' sigaw ko.

Tinignan ko ang bumukas na pintuan at napatayo ako sa pagkakahiga ko sa kama ng makita ko si Pangit

'Oh? Anong ginagawa mo ditong pangit ka?' kunwari inis kong tanong. Bat kaya siya bumalik agad? Eh kakaalis niya lang kanina eh.

'Wala kasi akong magawa eh, Isa pa nagawa ko na yung dapat kong gawin kaya naman naisipan kong bumalik na lang dito ulit. May gagawin ka ba?' Naupo siya sa sahig kaya naman tumayo ako at naupo sa tabi niya.

'Wala akong magawa eh. Isa pa kinakabahan ko para bukas. Sa beauty pageant na gaganapin feeling ko papalpak ka eh.' natawa siya ng mahina sa sinabi ko.

'Di ako papalpak. Tiwala lang.' agad ko naman siya binatukan dahil masyado siyang confidence sa sinabi niya.

'Basta wag kang kakabahan, Para di ako kabahan, Ayoko kasi sa lahat yung may kinakabahan dahil napapagaya ako eh.' Nilingon niya ako at inihiga niya ang ulo ko sa balikat niya.

'Kung pumalpak man ako at ikaw ay natural lang iyon. Nobody's perfect naman eh. Isa pa paligsahan lang naman iyon eh. Parang katuwaan lang para naman mainspire tayong mga estudyante.' Napangiti ako sa sinabi niya.

'Paano kung may isang magandang babae na magkagusto sayo? Yung tipong lahat ng good qualities na sa kanya na, Maniniwala ka ba na magkakagusto siya sa isang katulad mong pangit?' Narinig ko ang malalim niyang paghinga at sinandal niya ang kanyang ulo sa ulo ko.

'Depende, kasi parang napakahirap paniwalaan na ang isang katulad kong pangit ay may magkakagusto na magandang babae na halos lahat ay nasa kanya na.' napanguso ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita muli.

'Paano kung sabihin ko sayo na gusto kita?' Agad naman siyang lumingon sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Napahawak ako sa bibig ko. Hala? Nasabi ko ba talaga iyon? Argghhhh dapat sa pageant ko pa sasabihin eh.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon