Chapter 3

2.9K 85 2
                                    

Rain POV

 

 

Nasa labas ako ng mansion para hintayin ang pag-uwi ni Niks. Gusto ko sanang mag-mall kaming dalawa lang para naman makabawi ako sa pag-iwan sa kanya mahigit 8 months.

‘Sir! Andito na daw po si Ms. Monique.’ Sabi ng bodyguard ko at tumango lang ako.

Maya-maya nakita ko na yung kotse ni Niks na papalapit. Agad niyang pinarking yun sa tapat ng mansion.

‘Oh Kuya.’ Bati niya ng makababa siya sa kotse niya.Kaya naman bumaba ako ng hagdan at sinalubong siya ng yakap.

‘How’s your study?’ nakangiting tanong ko.

‘So far so good. Teka bakit nakabihis ka? Aalis ka na naman ba?’ taas kilay niyang tanong. Kaya naman napangiti ako.

‘Tsk. Silly. By next month pa ang alis ko ulit papuntang France. Tara mall tayong dalawa.’ Kinuha ko yung kamay niya at nagholding-hands kami.

‘Wow. Treat mo ba?’ nakangiting tanong niya.

‘Oo naman. Para makabawi naman ako sa princess ko.’ Sabay kindat ko.

‘Manong. Paki-kuha yung kotse ko. Yun ang gagamitin namin.’ Utos ko at tumingin ako kay Niks.

‘Talagang sobrang busy mo na no?’ tanong niya.

‘Yeah. May sarili na akong kompanya eh.’ Sagot ko.

‘Edi dalawang linggo ka lang dito sa pinas. Malapit na birthday ko makakauwi ka ba?’ tanong ni Niks. Napabuntong-hininga agad ako.

‘Sir! Ito na po!’ sigaw ni Manong kaya naman inalalayan ko si Niks makababa ng hagdan hanggang sa pagpasok sa kotse ko.

Pakapasok ko sa kotse ko agad ko yung pinatakbo papuntang mall.

‘Anong gusto mong gawin naten ngayon?’ tanong ko at nakangiting tumingin kay Niks.

‘Kaen tayo.’ Sagot niya without looking at me. Hay. Sigurado akong nagtatampo to. Hindi naman kasi ako pwedeng mag-promise sa kanya na makakauwi ako sa birthday niya. Dahil masyado akong busy sa kompanya lalo na at marami akong meetings na naka-hold dahil umuwi ako dito sa pinas.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon