Niks/Geoff DAY

2.1K 73 2
                                    

Rain POV

Anak andyan na ba si Chene? Natatarantang tanong ni Dad sa akin. Sumilip ako sa bintana wala pa siya. Agad kong tinext si Jay na isama niya pauwi si Niks sa mansyon.

Dad, relax wala pa si Niks. Sabi ko at inayos ang mga lobo na nakalapag sa sahig. Si Mom naman inaayos na ang mga kandila sa cake at yung mga maid inaayos na yung mga pagkain.

Maya-maya napatingin ako sa phone ko nagreply si Jay na malapit na sila umuwi.

MOM DAD!! Andito na si Niks. Sigaw ko kaya naman agad pinatay ni Dad ang mga ilaw at sinindihan na ni Mom ang kandila sa cake. Nauuna si Niks papasok ng pintuan ng nakasimangot pagkapasok niya.

HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!! sabay sabay naming sigaw, halata kay Niks ang pagkagulat at nakita ko na naiyak siya.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit sabay kiss sa noo niya.

Hay sabi na nga ba at namiss mo talaga ako eh. Natatawa kong sabi agad naman niya akong pinalo sa braso.

Tse!!!! Nakakainis kayong lahat pinagkaisahan niyo ako. Naiiyak niyang sabi, Lumapit sa kanya si Mom at Dad para yakapin, Lumingon ako kay Jay at Cheska na magkayakap din na kapwa nakangiting nakatingin kay Niks.

Thank you sa inyong dalawa. Nakangiting sabi ko at tumango lang sila bilang sagot.

********

Monique POV

Pagkatapos na kainan sa mansyon umuwi na si Jay at Cheska. Sila Mom and Dad naman umakyat na sa itaas para makapagpahinga. Nakangiti akong naglakad papunta sa pool area na siyang sinusundan ni Kuya Rain.

Kamusta ka naman? Nakangiting tanong niya sa akin ng makaupo kami sa gilid ng pool, isinawsaw ko ang dalawang paa ko sa tubig ganun din si Kuya.

Okay na ako. Nagkausap na kami ni Dustin at sinabi niya na may cancer siya at kinakailangan niyang magpaggaling sa Amerika pero mas pinili niya ang makipaghiwalay sa akin at tignan sa malayo. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkabigla ni Kuya.

I think wala na akong feelings towards for him, Kasi nung nalaman ko ang sagot niya sa tanong ko naginhawaan lang ako pero never sumagi sa isip ko na balikan pa siya. Nilingon ko si Kuya na seryosong nakatingin sa akin. Hindi dahil sa may sakit siya at mamamatay siya hindi iyon. Kundi dahil alam ko na minahal niya talaga ako gaya ng pagmamahal niya sa akin at gusto niyang maging masaya ako sa piling na ng iba. Isa pa tanggap ko na kahit kailan hindi na kami pwede pa.

Nginitian ako ni Kuya Rain at inakbayan niya ako. Napangiti ako ng maalala ko si Nerd, mailibre nga iyon bukas.

Cheska POV

Babe, tingin mo ba talagang nakamove on na si Niks kay Dustin? Nakangusong tanong ko kay Jay.

Tingin ko OO, nakamove on na iyon. Kaya wala ka na dapat alalahanin pa Babe. Lumapit sa akin si Jay at kiniss ako sa lips.

I love you babe. nakangiting sabi ko.

I love you more. Sige na pumasok ka na at matulog kagad ha. Tumango ako bilang sagot.

Geoff POV

Pagkarating ko sa garden napangiti ako ng makita ko si Monique na nakadekwatro at nakakunot ang noo.

Late ka na namang pangit ka. Irita niyang sabi at tumayo.

Saan ba tayo magpapraktis para sa contest? Tanong ko habang sinusundan siya ng lakad.

Huwag mo muna isipin iyon, may pupuntahan tayo. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Pagkarating namin sa  parking lot sunakay kagad siya sa driver seat at sumakay naman ako sa passenger seat.

Saan mo gusto kumain? Tanong niya na siyang ikinagulat ko ng sobra-sobra.

Tinatanong kita Pangit. Irita na niyang tanong. Napatingin ako sa isang park.

Dito.. Dito tayo kumain Monique. Sabi ko sabay turo sa park kaya agad niyang pinarada ang kotse sa kanto. Nauna akong bumaba kesa sa kanya.

May makakain ba dito? Eh tambayan ata to ng mga mag-syota eh. Nilingon ko siya at hinawakan ang kamay niya. Natawa ako sa isipan ko ng maramdaman ko ang pagkagulat niya akala ko tutulak niya ako pero natuwa ako lalo ng sumasabay siya sa paglakad ko habang hawak ang kamay niya.

Huminto kami sa nagtitinda ng tusok-tusok. Agad akong kumuha ng stick at tumusok sa kikiam,fishball,squidball at kwekwek. Sinawsaw ko muna iyon sa suka na maanghang at saka sinawsaw muli sa matamis naman na sauce.

Tikman mo. Sabay tapat ko ng stick sa bibig niya.

Bat ako kagad? Ikaw kaya muna para pag may lason yan ikaw kagad mamamatay bago ako. Mataray niyang sabi kaya naman nagkibit-balikat ako atsaka kumain ng kikiam nginuya ko pa iyon sa harap niya.

Your turn. nakangiting sabi ko at saka naman siya kumagat ng kikiam. Napangiti ako ng kusa siyang kumuha ng sarili niyang stick at ginaya ang mga ginawa ko.

Pagkatapos namin kumain naupo kami sa damuhan na hindi nakatapat sa araw.

thank you sa libre. Seryosong sabi ko napatingin ako sa magkahawak kamay pa rin namin ni Monique.

Walang anuman. Mukhang umaabuso ka na ah? Kanina ka pa nakahawak sa kamay ko pangit. Nakangising sabi niya.

Ayos lang yan gusto mo rin naman eh. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

Wow!! Kapal ng mukha grabe. Natatawang sabi niya. Agad naman siyang sumeryoso.

Pangit. seryosong tawag niya at nananatili lang ako nakatingin sa mga mata niya.

Ano yun? Takang tanong ko.

Bukas sa contest may sasabihin ako sayo. Nakangiting sabi niya. Bigla akong kinabahan ano naman iyon?

Maiba tayo. Ano gusto mo kantahin? Taas kilay niyang tanong.

Kahit ano. Sagot ko dahil wala akong maisip na kanta. Ang nasa isip ko ay kung ano ang sasabihin niya.

'Ikaw' na lang kantahin natin by Yeng Constantino. Napangiwi ako ng palihim mukang number.1 fan ni Yeng itong si Niks eh.

Ano deal? tanong niya.

Ge deal. nakangiting sagot ko.

to be continued...

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon