Chapter 44

2K 66 0
                                    

Monique POV

Inirapan ko yung babaeng nag-aassist sa akin sa pagsuot ng gown. Pinatay ko na rin yung tawag kasi bigla na lang namatay din yung tawag. Kaloka.

'Mam bubuksan na po ba natin yung kurtina para makita ng groom ang suot niyong gown?' tanong sa akin ng babae. Tinaasan ko siya ng kilay.

'Kung gusto mo dito na lang tayo forever. Forever kung suot tong gown at nakatayo dito habang ikaw ay forever ng tanga.' Pagsusungit ko. Nakakaistress ang babaeng to!

Binuksan niya yung kurtina kasama yung isa pa niyang kasamang babae. Nakita ko naman ang magandang ngiti ni Ohrik.

Mas lalo akong nainis dahil ang pangit niya. Kainis talaga

'Ang ganda mo talaga!' Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. Inis ko naman siyang tinulak at tinignan ng masama.

'Ayoko ng ganitong gown na sobrang haba at ang bigat-bigat!' Irita kong sabi. Napakunot ang noo ni Ohrik at hinawakan ang noo ko pati ang leeg ko.

'May sakit ka ba?' taka niyang tanong.

'Mainit ba ang noo ko at leeg?' Taas kilay kong tanong.

'Hindi naman.' Nag-aalangan niyang sagot. Napairap ako sa sinabi niya.

'Edi wala akong sakit! Aissh! Magpapalit na nga ako!' Inis ko siyang tinalikuran at bumalik sa dressing room. Nagmadali naman yung dalawang babae na ihubad sa akin yung gown.

Nakita ko ang lungkot sa mukha ng babae at bakas sa kanya ang takot habang maingat niyang hinuhubad ang gown sa akin.

'Miss...' tawag ko at nilingon niya ako ng dahan-dahan.

'Pasensya ka na sa nasabi ko kanina. I know na masyadong masakit ang lumabas sa bibig ko. Pasensya na.' Ngumiti siya sa akin at tinanguan ko na lang siya.

Pagkalabas ko ay inabutan ako ni Ohrik ng gown pero simpleng gown lang ito pero elegante ang desenyo.

'Sana ay magustuhan mo to.' nakangiti niyang sabi. Umirap na lang ako atska dinala yun sa cashier.

'Hindi mo na susukatin?' takang tanong sa akin ni Ohrik.

'Hindi na, gusto kong matuloy ang kasal.' Sagot ko at inabot sa babae yung bayad ko. Nakita ko sa mukha ng babae ang pag-husga habang sumisimpleng tumitingin kay Ohrik.

Kinalabit ko siya at tinaasan ng kilay ng lingunin niya ako.

'Anong problema mo sa mapapangasawa ko?' Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang namutla at yumuko sa kahihiyan.

'Dahil pangit siya at maganda ako? Sa susunod na makita ko yang mukha mo na sa isip ka nanghuhusga sa magiging asawa ko, Sasapakin kita.' Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Inis kong kinuha ang box at lumabas ng botique.

'Bakit ba ang init ng ulo mo? Ano bang problema mo?' Hinarap ko si Ohrik.

'Wala akong problema okay?! Isa pa hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko!' Inis kong sabi. Napatingin ako sa isang ice crean store. Bigla na lang kumulo ang tyan ko.

'Tara nga doon.' Hinawakan ko ang kamay ni Ohrik at sabay kami pumasok sa store. Nag-order ako ng chocolate,cookie doughnut ice cream para sa akin. At si Ohrik ay mint strawberry with oreo.

'Hmmm ang sarap.' nakangiti kong sabi. Mauubos ko na yung ice cream ko kaya tumayo ako para mag-order ulit.

Pagkaupo ko ay nilingon ko si Ohrik na nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin.

'Gusto mo?' tanong ko sa kanya.

'Di kita maintindihan. Kanina ang init ng ulo mo tas ngayon sobrang saya mo na.' Sabi niya sa akin ng seryoso. Napaisip ako. Ganun naman ako diba?

'Psh! Di ka na nasanay sa akin?' nagtataka kong sabi.

'Sanay na ako pero hindi dyan sa mabilis mong pabago-bagong mood.' Napanguso na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain sa ice cream ko.

Karen POV

Naupo si Dustin sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

'Hindi ko aakalain na mamahalin mo ako. Pasensya ka na Karen pero si Niks pa rin talaga.' Napangiti ako ng tipid. Alam ko naman yun at hinding-hindi na yun magbabago.

'Pero hindi rin naman na ako magtatagal dito sa mundong to.' Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

'Anong ibig mong sabihin?' naguguluhan kong tanong.

'Karen, hindi totoong magaling na ako. Sinabi ko lang yun para makasama si Niks pero wala rin naman nangyari. Sinabi ng doktor na wala na talaga akong pag-asa.' Naiyak ako sa sinabi niya. Niyakap ako ni Dustin ng mahigpit.

'Salamat sa pagmamahal ngunit hindi ko masusuklian ang pagmamahal na binigay mo. Patawad Karen.' Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

'Ipagpatuloy mo ang buhay Karen, Mangarap ka at yun ang pagtuunan mo ng pansin.' Kumalas si Dustin sa pagkakayakap at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

'Yun ang hinihiling ko sayo, pangako ko sayo na dadating ang lalaking handang suklian ang pagmamahal mo. Yung taong aalagaan ka at mamahalin ng walang sawa.' Hinalikan ni Dustin ang noo ko at iniwan ako sa sala ng umiiyak.

Geoff Ohrik POV

Pinagmasdan ko si Monique na walang ginawa kundi ang kumain ng ice cream at pumapak ng marsmallow.

Minsan sinasawsaw niya yung marsmallow sa ice cream.

'Hoy Ohrik! Humarap ka nga sa akin.' Nilingon ko si Cheska na nakatingin sa akin ng masama.

'Oo na gwapo ka na! Wag ka ng mag-pagwapo sa harap ko pwde? Pwede?' Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at tinignan si Monique na walang pakialam sa mundo.

'May nangyari na ba sa inyo ni Niks?' Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko at nilingon si Cheska na ang sama-sama na ng,tingin sa akin.

'Huwag kang magsisingungaling!' Dinuro niya ang mukha ko.

'Ahmmm....Hmmmm..' tumango ako at nanlaki ang mata ko ng may bumatok sa akin ng pagkalakas-lakas.

'ANONG SABI MO!!!' Napatingin ako kay Monique na ang sama ng tingin kay Cheska. Lumapit sa amin si Monique at hinalikan ang pisngi ko.

'Bakit kayo nag-aaway? May problema ba?' takang tanong ni Monique. Tinignan ko si Cheska na ang sama-sama ng tingin.

'Umamin ka nga Niks! May nangyari na ba sainyong dalawa?!' Inis na tanong ni,Cheska nilingon naman ako ni Monique bago niya sagutin ang kaibigan.

'Oo, normal naman yun sa dalawang nagmamahalan-----

Napatigil si Monique sa pagsasalita at nanlaki ang kanyang mata. Napahawak siya sa kanyang tyan at tumili siya ng pagkalakas-lakas.

Nanlaki ang mata ko ng biglang tumili din si Cheska. Naghawak kamay silang dalawa at sabay na tumili.

Napatakip ako sa tenga ko. Ano bang hinithit ng dalawang to?

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon