Chapter 46

2.7K 74 16
                                    

Monique POV

Tinignan ko ng masama si Ohrik dahil inaalis niya yung chocolate at strawberry ice cream na inilagay ko sa cart.

'Niks naman.....Dapat mga prutas ang kainin mo saka gatas ang iinumin mo.' Inirapan ko na lang siya sabay talikod at naramdaman ko agad ang pagyakap niya sa akin.

'Sige, bibili tayo ng ice cream pero ako ang mag-tatakal ng kakainin mo ha?' Napangiti ako sa sinabi niya kaya naman hinawakan niya agad ang kamay ko at nagtungo kami sa counter.

'Niks!!!!' Napalingon ako kay Cheska na tumatakbo papunta sa gawi namin ni Ohrik kasama si Karen na nakasimangot.

'Sabi na eh! Ikaw yan!' Nakangiting sabi ni Cheska kaya napataas ang kilay ko.

'Bakit parang naka-shabu ka na naman?' sarkastik kong sabi sabay nguso niya. Nakangiti kong nilapitan si Karen sabay pisil sa pisngi niyang namumula.

'Ang kyut-kyut mo talaga!' nakangiti kong sabi.

'Pwede ba Niks?! Huwag ako ang paglihian mo at baka pumangit yang baby.' tinapik ni Karen ang kamay ko sabay lakad niya palayo. Napanguso ako.

Galit na naman siya sa akin.

'Hala Niks! Huwag ka ng malungkot dahil problemado lang yun. Nga pala baka gusto mo paglihian si Jay?' siniko ni Cheska ang tagliran ko kaya hinila ko ang hibla ng kanyang buhok.

'A-aray Niks!' Sabay irap niya.

'Tara na girls.' aya ni Ohrik kaya naglakad kami ni Cheska papunta sa kanya.

'Pwede ba matulog sa inyo?' Umangkala sa braso ko si Cheska.

'Sige, pero huwag ka masyadong malikot matulog dahil tatadyakan kita paalis sa kama kapag naglikot ka.' Pagkasakay ko sa passenger seat ay sumakay si Cheska sa backseat kaya nagsimula ng nagmaneho si Ohrik.

'Niks, si Lola nga pala ay pupunta sa inyo mamaya. Pero susunduin ko siya sa mansion namin bago pumunta sa inyo.' Tumango lang ako saka pinikit ang mata ko.

Nang malaman kong buntis ako ay nagiging antukin na ako at tanghali na nagigising. Mas naging matakaw ako sa mga matatamis lalo na yung chocolate ice cream.

Eto namang si Ohrik ay todo pag-bawal sa akin sa pagkain ng matatamis kaya madalas kami mag-away.

'Niks.....' Dinilat ko ang aking mata saka lumabas ng sasakyan. Napahawak ako sa aking tyan na medyo malaki na.

'Kelan ka manganganak?' tanong ni Cheska pagkapasok namin sa mansion. Naupo ako sa sofa saka inihilig ang aking batok.

'Magluluto lang ako.' sabi ni Ohrik saka umalis. Tinapik ni Cheska ang kamay ko kaya nilingon ko siya,,

'Kelan ka manganganak?' nakanguso niyang tanong.

'By December ata eh. 3 buwan pa lang to.' sabay himas ko sa aking tyan.

'Ano naman ipapangalan mo kay Baby?' naeexcite na tanong niya.

'Di pa namin napag-uusapan ni Ohrik, kung babae ay gusto ko ay ako ang mag-papangalan pero pag lalaki ay si Ohrik.' sabay pikit ko ng aking mata.

'Hmmmm, tama yun para maging maganda ang kalalabasan ng pangalan ni Baby.' Di na ako umimik pa dahil dinadalaw na ako ng antok.

Cheska POV

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon