Chapter 1

5.6K 103 2
                                    

Monique POV

 

 

 

-KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNGGGGGGGGGGGGG-

 

 

 

‘Niks, Una na ako ha? May date kami ni Jay ngayon eh. Bye.’ Sabay beso ni Cheska sa pisngi ko.

‘Ge.’ Sagot ko at nag-flying kiss siya sa akin bago lumabas ng room.

Hi, ako pala si Monique Chene Vega ang CAMPUS QUEEN dito sa University. Si Cheska ang bestfriend ko na isa ring CAMPUS QUEEN at ang boyfriend niyang si Jay ang pinsan ko na VARSITY ng Basketball.

Mahilig akong mang-trip at mang-asar dito sa University. Kung tatanungin niyo ko ako kung lagi akong nasa Guidance Office. Ang isasagot ko ay HINDI, Dahil ang Daddy ko ang may-ari nitong University kaya subukan lang ng mga student na mag-sumbong sa Office. Kayang-kaya ko silang baliktarin at PATALSIKIN agad dito sa University.

Tumayo ako ng may poise at lumingon sa likod ko kung saan nakaupo yung NERD. Nakayuko siya habang busy sa pagbabasa ng libro niya. Kaya naman lumapit ako dala-dala ang notebook ko sa Accounting.

‘Oh.’ Sabay abot ko ng notebook ko na tinitigan niya lang.

‘Nangangawit ako. Kunin mo at gusto ko pagbalik ko gawa na ang assignment ko. Malinaw?’ agad naman niyang kinuha yung notebook ko at tumango-tango siya.

‘Goodboy.’ Sabay pat ko sa ulo niya. Napangisi pa ako at naglakad na palabas ng room.

‘Hi Monique!!.’ Napalingon ako sa gilid ko.

‘Oh Dustin.’ Nakangising bati ko.

‘Kamusta ka na?’ tanong niya.

‘Buhay pa naman. Hindi pa ba obvious?’ sarkastik kong sabi.

‘Ahmm. Kaya kita nilapitan kasi….Gusto ko sanang makipag-balikan sayo.’ Sabay yuko niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Pero hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Talagang nakayuko lang siya. WOW! As in WOW! Matapos niya akong itext na ‘LET’S BREAK UP’ all caps lock pa yan ah at partida last month niya lang tinext yan tsaka siya lalapit sa akin at sasabihin na ‘GUSTO KO SANANG MAKIPAGBALIKAN SAYO.’ KAPAL NG MUKHA NIYA EH NO!!!.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon