Chapter 13

2.3K 77 1
                                    

Monique POV

 

 

‘IM HOME!!!’ sigaw ko pagkapasok ko sa mansion. Nakita ko kagad si Kuya Rain na nakangiti sa akin at napatingin siya sa paperbag na hawak ko.

‘Ano yan niks?’ sabay nguso niya sa hawak kong paperbag.

‘Ahh mga mangga at bagoong gusto mo?’ bigla naman siyang nandiri ng marinig niya siguro yung bagoong. Arte talaga nito.

‘Tssss…Masarap to halika kainin naten dali.’ Hinawakan ko yung braso ni Kuya at hinatak ko siya papunta sa hapag-kainan.

‘Maid! Pengeng plato,platito,kutsara at kutsilyo! FASTER!’ sigaw ko. Si Kuya Rain umupo sa isang upuan tapos ako ito nakatayo pa rin at sinimulan ko ng inilabas yung mga mangga at yung bagoong na nakalagay sa plastic.

‘Mam ito na po.’ Tumango ako at kinuha ko yung kutsilyo pati na rin yung isang mangga para balatan.Pagkatapos kong balatan inilagay ko yun sa plato at nagbalat pa ng isa. Nang matapos na ako sa pagbabalat binuksan ko yung plastic na naglalaman ng bagoong at kinuha ko yung kutsara nagsandok ako ng dalawang beses at inilagay yun sa platito.

‘Dali kuya tikman mo.’ Binigyan ko si Kuya ng mangga at ako na mismo nagsawsaw sa bagoong may pagka-maarte pa naman to.

‘I don’t eat that Niks.’ Nandidiring sabi niya. Lumapit ako sa kanya at itinutok sa bibig niya yung mangga na may bagoong.

‘Kakainin mo o magagalit ako sayo?’ seryosong tanong ko sa kanya. Hindi siya makapaniwalang tinignan ako.

‘Sino ba ang kuya sa atin? Ikaw?’ sarkastik niyang tanong.

‘Hindi ka naman mamamatay kung titikman mo eh. Daliiiii naaaaaa!’ nagpapadyak pa ako at alam kong kahit mukhang tanga eh maganda pa rin naman ako.

‘Oo na!’ agad niyang sinubo yung hawak kong mangga at nakapikit pa siyang nginunguya ito. Tinaasan ko lang siya ng kilay ng dumilat ang mga mata niya.

‘Ano namatay ka?’ sarkastik kong tanong.

‘Ang sarap nga ah.’ Napangisi ako sa sinabi niya. Kumain na lang din ako ng mangga kasama si Kuya.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon