Chapter 23(BP II)

2K 77 1
                                    

Karen POV

'Seryoso?' natatawang bulong ko ng makakita ako ng nakakasukang eksena.

Akalain mo na ang isang Monique Chene Vega ay makikipaghalikan sa pangit at nakakadiring NERD?

Tumingala ako sa itaas at napangiti ako ng makita kong tataob na ang timbang inilagay ko doon.

'KYAAAAAA.' sigawan ng manonood ng bumuhos ang mabahong dumi ng mga aso na may tubig. Kitang-kita ko kung paano magulat si Monique at ang pangit na NERD.

'OMG!!! NIKS!!! Are you okay?' natatarantang lumapit si Cheska sa kaibigan niyang ubod ng yabang.

I smiled.

Monique POV

'Goddamn it.' mahina kong bulong at pinunasan ang mata ko gamit ang aking kamay. Halos masuka ako sa amoy na naamoy ko sa sarili ko. Agad akong inabutan ng tuwalya ni Niks at pinunasan ko ang aking mukha.

Lumingon ako sa backstage at doon na ako nawalan ng kontrol. Hinubad ko ang suot kong heels at nakangising nilapitan si Karen.

'What?' mataray niyang tanong.

'I love your late birthday present for me.' Nakangiti kong sabi. Tinakpan niya ang butas ng kanyang ilong.

'Oh.' Napangiwi ako at hinawakan ko kagad ang panga niya.

'What the hell are you doing!!!' sigaw niya. Yung mga tao na nasa backstage ay nanonood lang sa amin.

'Wala na akong paki sa korona ng pagiging campus queen, as long as hindi ikaw ang makakuha ng trono.' Hinawakan ko ang buhok niya sa bandang batok at kinaladkad papuntang stage kung saan umaalingasaw ang mabantot at nakakasukang amoy.

'Ladies and Gentlemen, i would like to introduce to you my Best enemy in the whole world.' Nagpupumiglas si Karen sa pagkakahawak ko sa kanya. Buong pwersa ko siyang sinampal at nginudngod ang pagmumukha niya sa sahig.

'Arrrggghhhhh.' sigaw niya habang nagpupumiglas. Inupuan ko ang likod niya at hinatak muli ang kanyang buhok sa batok para umangat ang kanyang mukha na nangangamoy mabantot na.

'You can't beat me Karen, kahit anong gawin mo o effort para mapahiya ako ay ibabalik ko din sayo.' Hinawakan ko ang panga niya at inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga.

'Huwag mo kong sasagarin Karen, dahil kapag ako nawalan na ng awa sayo... Napangiti ako ng nakakaloko sa kanya habang siya ay ang sama-sama ng tingin sa akin. Ilalabas ko ang baho ng buong pagkatao mo.' Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha kaya naman binitawan ko na siya at naglakad pababa sa backstage.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko sa galit. First time nangyari sa akin na mapahiya sa isang beauty contest. Ang babaeng iyon wala talaga siyang balak tigilan ako?

Cheska POV

Agad kong kinuha ang jacket ko at sinuot iyon. Kinuha ko rin yung jacket ni Niks at patakbong lumabas sa dressing room. Nag-aalangan akong lapitan siya na nakaupo sa hallway.

'Niks.' ipinatong ko sa balikat niya ang jacket at naupo sa tabi niya.

'Huwag kang dumikit masyado at baka madumihan ka.' seryosong sabi niya. Inayos ko ang aking buhok at kinuyom ang aking palad.

'NIKS!!! Are you okay?' Hinawakan ni Jay ang magkabilang balikat ni Niks.

'Yeah, i just wanna go home.' matamlay niyang sagot. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jay at parehas namin inalalayan si Niks patayo.

'Si Nerd?' bulong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

'Hindi ko alam Niks eh, bigla na lang siya nawala baka napahiya ng husto.' Binuksan ni Jay yung pintuan sa backseat at inalalayan niya makapasok si Niks.

'I can't believe na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ng babaeng yun si Niks.' Gigil na sabi ni Jay, hinawakan niya yung kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

'Buti na lang at walang nangyari sayong masama.' Nakangiti akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya ay nilingon si Niks na ang lalim ng iniisip.

'Ihatid na natin si Niks.' Sabi ko kaya naman inalalayan niya rin ako makapasok sa passenger seat. Gusto kong lingunin si Niks pero hindi ko kaya.

Alam ko na galit na galit siya ngayon at halatang nagpipigil lang siya.

Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Karen ipahiya si Niks pero napahiya din naman siya.

Geoff POV

Pagkatapos kong makapagbabad sa bathtub ay naupo ako sa kama habang pinupunasan ko ang aking buhok gamit ang tuwalya.

Napahawak ako sa labi ko at naalala si Monique. Napangiti ako pero nawala din ang ngiti sa labi ko ng maalala ko ang ginawa ni Karen.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

-KNOCK KNOCK-

'Pasok.'

'Apo.' Inangat ko ang aking paningin at nakangiting nilingon si Lola.

'Okay ka lang ba?' Naupo sa tabi ko si Lola.

'Hindi po eh, nag-aalala ako kay Monique sigurado akong masama ang loob nun. Hindi ko alam kung paano siya ikokomfort kanina kaya minabuti ko na lang na umuwi.' Niyakap ni Lola yung braso ko at humiga sa aking balikat.

'Kelan ka ba aamin kay Monique na si Geoff at Ohrik ay iisa?' nanlumo ako sa tinanong ni Lola.

'Hindi ko alam. Hindi ko ata kaya Lola sabihin sa kanya na iisa lang si Geoff at Ohrik.' Huminga ng malalim si Lola at tinapik ang hita ko.

'Sa taong nagmamahal ay nakakaintindi at pilit iintindihin. Yan ang tatandaan mo apo.' Pilit akong ngumiti kay Lola at lumabas siya sa kwarto ko.

Monique POV

Hindi na ako nagpaalam pa kay Cheska at kay Jay. Dire-diretso akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim at pumasok sa banyo para maligo.

Naipikit ko ang aking mata ng tumulo ang tubig sa aking buhok paibaba sa aking paa.

'Karen.......' Gigil kong sabi at napahawak ako sa semento.

****
Kinabukasan, bumungad sa akin ang malaking tarpaulin kung saan makikita kung sino ang nanalo.

Napairap ako ng makita ko ang picture ni Cheska kasama si Red. Silang dalawa ang nanalo. At ako ang pangalawa pati si Nerd. Habang naglalakad ako sa campus ay di maiwasan ng mga estudyanteng lingunin ako kaya tinititigan ko sila ng masama.

Pagkarating ko sa room saktong nandoon na si Nerd. Agad akong naupo sa tabi niya.

'Okay ka lang?' Nilingon ko siya na seryosong nagbabasa ng libro.

'Konti....Ikaw ba? Okay ka lang?' Sinara niya yung libro at nilingon ako.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at nilingon si Cheska na naupo din sa tabi ko.

'Akala ko di ka papasok Niks.' bineso ako ni Cheska at nginitian.

'Kita mo naman na pumasok ako diba? Congratulations pala.' Ngumuso na naman siya at nilingon si Nerd.

'Kelan mo liligawan si Niks?' Bigla akong nabilaukan sa sarili kong laway. Agad kong binatukan si Cheska na nagtatakang nilingon ako.

'What was that for?' irita niyang tanong.

'Will you please shut the fvk up.' Inis kong sabi sa kanya. Nakanguso siyang sumandal sa upuan niya at nangalumbaba ako sa harapan. Lalo tuloy ako nakaramdam ng akward sa pagitan namin ni Nerd. To think na nag-kiss pa kami kagabi? Such an idiot.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon