Chapter 33

2K 76 2
                                    

Geoff Ohrik POV

Tinignan ko ng diretso sa mata si Dustin na nginitian lang ako, Nilingon ko naman si Karen na nakataas ang kilay kay Monique.

'So....Kamusta ka naman?' Pagbabasag ni Cheska ng katahimikan.

'Ok naman na...Naging successful ang operasyon ko sa Amerika.' Nakangiti nitong sagot.

'Good for you.' Ngumiti ng tipid si Cheska atska tumingin sa akin.

'Ikaw Niks? Balita ko boyfriend mo na ang sikat na model na katabi mo ngayon.' Sabay ngisi niya ng nakakaloko sa akin.

'Oo, Si Geoff Ohrik Sy boyfriend ko siya.' Tinaas ni Monique ang magkahawak-kamay namin.

'Huh really?' Sarkastik na sabi ni Karen.

'Yes.' Madiing pagkakasabi ni Monique.

'Mabuti naman at nakahanap ka ulit ng taong mamahalin mo.' Ngumiti lang ng tipid si Monique atska siya tumingin sa akin.

'Let's go?' Ngumiti ako atska siya inakay paalis.

Karen POV

Naikagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko si Ohrik na naglalakad palayo kasama ang bwisit na Monique.

'Gusto mo si Ohrik diba?' Nilingon ko si Dustin na nakatingin kay Monique.

'At mahal mo pa rin si Monique?' Sarkastik kong sabi.

'Kahit kailan hindi ako huminto sa pagmamahal kay Monique. Isa pa siya ang naging inspirasyon ko na lumaban sa aking sakit.' Nilingon niya ako atska siya ngumiti ng nakakaloko.

'Babawiin ko ulit si Monique at mapapa-saiyo muli si Ohrik... Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin Deal?' Kinuha ko ang kamay niya at nagshake-hands kami.

'Deal.' Nakangisi kong sabi.

Monique POV

Pagkaupo namin sa room ni Hambog natulala ako.

'Gosh!!! Niks hindi ako makapaniwalang nabuhay pa si Dustin.' Nag-hehestirikal niyang sabi kaya tinakpan ko ang bibig niya.

'Hmmmmppppp--' Tinignan ko ng masama si Cheska kaya hinayaan niyang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya.

'Hindi kaya mamatay yan?' Natatawang sabi ni Hambog sa akin.

'Matagal mamamatay yan.' Seryoso kong sabi.

'Iniisip mo ba si Dustin?' Napatingin ako kay Hambog na ngumiti ng peke.

'Nakakagulat lang na naka-survive siya sa cancer. Malaking himala ang nangyari sa kanya.' Inalis ko ang aking kamay sa pagkakatakip sa bibig ni Cheska at hinalikan ang pisngi ni Hambog.

'Don't tell me iniisip mong hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakamove-on kay Dustin?' Natatawa kong sabi atska kinurot ang pisngi ni Hambog.

'Psh alam ko naman na ako na ang mahal mo at hindi yung lalaki na iyon.' Nakanguso niyang sabi.

'Ha!! Grabe akala ko mamamatay na ako.' Nilingon ko si Cheska na naghahabol ng hininga.

'Late reaction ka palagi ano?' Sarkastik kong sabi atska pinitik ang kanyang noo.

'ANO BA!!!' sigaw niya.

'Tsk' Inirapan ko na lang siya atska tumingin sa prof. na kakapasok pa lang.

Naramdaman ko ang paghawak ni Hambog sa kamay ko at pinaglaruan niya iyon.

Natawa ako ng palihim at nilingon si Cheska na mukhang diring-diri sa akin,

'Problema mo?' Inis kong bulong sa kanya na ngumisi lang.

'Nakakatawa kang panoorin habang kinikilig ka kay Ohrik.' sarkastik niyang sabi.

'Whatever.' Sabay irap ko sa kanya. Atska lumapit kay Hambog.

'Mag-CCR lang ako.' ngumiti siya bilang sagot kaya naman lumabas na ako sa room ng walang paalam.

Habang naglalakad ako sa hallway napapaisip ako kay Dustin. Mabuti naman at nabuhay siya. Masaya ako dahil gumaling siya.

Pagkanan ko ay bigla na lang may nagtakip sa bibig ko at kinaladkad ako kung saan.

Dustin POV

Pagkatapos kong bayaran ang tatlong estudyante ay kailangan ko lang gawin ay ang hintayin si Monique.

Naupo ako sa sahig at sumandal sa pader. Namiss ko si Monique ng sobra, dahil sa kanya kaya ako lumaban sa sakit kong cancer. Siya lang ang iniisip ko sa tuwing naghihirap ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan. Hindi ko makita ang taong natumba sa sahig dahil ang dilim ng buong kwarto.

'HOY!!! MGA HAYOP KAYO!! PAKAWALAN NIYO AKO DITO!!' napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Monique.

'Niks? Niks ikaw ba yan?' Kunwari kong tanong.

'Oh gosh. Dustin? Asan ka?' tumayo ako atska nilapitan si Monique na nangangapa sa dilim.

'I got you.' nakahinga siya ng maluwag atska ko siya inalalayan makaupo sa sahig.

'Gosh...May mga hayop na kumaladkad sa akin papasok dito tas nilock nila yung pintuan. Nakashabu ata yung mga yun eh!' Inis niyang sabi.

'Sa akin din...Hindi ko sila namukhaan lalo na at ang dami nila.' malungkot kong sabi. Hinaplos ko ang buhok ni Monique. Namiss ko siyang hawakan.

'Hindi ka ba nila sinaktan?' nag-aalalang tanong niya.

'Hindi...Ayos lang ako ikaw ba?' Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

'A-ahh oo naman.' Naiilang niyang sabi. Nakarinig ako ng yapak ng paa sa labas ng kwarto at alam kong si Karen iyon.

'Niks....I miss you.' Atska ko siya hinalikan sa labi.

Geoff Ohrik POV

Napatingin ako sa pintuan, ang tagal naman ni Monique mag-CR. Tumayo ako atska lumabas din ng room.

'Hi Ohrik..' Nakangiting salubong sa akin ni Karen.

'What do you want?!' Inis kong tanong.

'Wala naman....Pero bakit parang may hinahanap ka?' Nakangising sabi niya. Nagpalinga-linga ako at nagbabakasakaling makita si Monique.

'Mauuna na ako.' Pagpapaalam ko pero hinawakan niya ang braso ko.

'Alam ko kung nasaan si Monique.' Nakangising sabi niya.

'Saan?' taka kong tanong. Sinundan ko siya ng lakad hanggang sa makarating kami sa 7th floor. Ano naman gagawin ni Monique sa 7th floor?

'Sigurado ka bang andito si Monique?' Inis kong tanong kay Karen.

'Shhh....' Huminto siya sa tapat ng pintuan atska niya yun binigla ng bukas.

O.O

Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

'Niks...' Naluluha kong tawag kay Monique na nagulat ng makita niya ako atska niya tinulak palayo sa kanya si Dustin.

'BAKIT MO AKO HINALIKAN?' sigaw ni Monique kay Dustin.

'Niks....' tawag ko sa kanya. Humakbang siya palapit sa akin ng tatlong beses ng umatras naman ako ng apat na beses.

'Ohrik....Let me explain please.' Naluluha niyang sabi. Ngumiti ako ng pilit atska ko siya tinalikuran at tumakbo palayo.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon