[ CHAPTER 34 ]

1.5K 23 11
                                    



[ZELLE's POV] 


"Binibini, maari ka na bang bumaba dito upang ikaw ay makakain na agad ding makagpahinga" personal pa akong pinuntahan ng matandang ito.


"Ako po ay susunod din agad...bigyan niyo lamang po ako ng ilang minuto upang makapaghanda..." agad ko rin naman sagot sa matanda.


Nauna na siyang lumabas at agad din naman akong sumunod, dahil nakararamdam na rin ako ng kagutuman.


"Parang kay dami naman po ata ng pagkain na iyong inihanda?" agad kong banggit pagkatapos kong makita ang sangkatutak na pagkaing nakahain.


Mayroong inihaw na manok...na mukhang malinamnam dahil mukhang tama ang pagkakaluto. 


Mayroong mga prutas katulad ng mansanas na pula at meron din namang berde.


Hindi mawawala ang mukhang ginisang gulay...


Lechong baboy?


at marami pang pagkain na hindi ko alam na meron pala


Ganoon ang pagkain ihahain nila sa isang tulad ko...mukhang mataas nga ang katungkulan ng magkapatid na iyon


----------


[CALIX's POV]


Agad agad din naman kaming nakatuwid sa mundo ng mga bampira...mundo ng aming lahi..


"Hello baby..."  narinig ko palang ang boses na nagsalita ay agad ko itong nilingon..


"Martina anong ginagawa mo dito?" agad kong sinambit.


"Martina?...yan ang tawag mo sa akin Calix? tumawid ka lang dito? nakalimutan mo na?" nakataas na kilay na banggit niya.


"Sorry...nagulat lang ako baby..." agad kong winika, hindi pwedeng pagtalunan pa namin to, dahil nagmamadali kami at para matapos na agad namin ang pakay namin dito.


"Papatawarin kita kung hahayaan mo ako na sumama sa inyo...malay ko ba kung plinano lang to ni Zelle para paglayuin tayo...." mataray na banggit niya.


Agad ko namang nilingon si Damon na nakatitig ng masama kay Martina


"Wag mong idadamay ang taong mahal ko" malamig na sabi niya.


"Nevermind..." pagkasabi niya noon at dumiretso din to agad sakin at siya namang paglapat ng aming mga labi..


'Di pa man tumatagal ang aming halikan ng...


EROTIC VAMPIREWhere stories live. Discover now