[ CHAPTER 33 ]

1K 12 1
                                    


[ZELLE's POV] 


Ginalaw ko ang aking mga kamay at paa...para akong nasa isang maalikabok na lugar...


Hindi ko agad maimulat ang aking mga mata...dahil parang ako ay nahihilo pa


Gumalaw akong muli at muling sinubukan na imulat ang aking mga mata...


Sa aking pagdilat aking namasdan ang aking kinapupuwestuhan..


Nasaan nga ba ako? tanong ko sa sarili ko 


Tila ako ay inihiga sa kabundok na mga dayami...komportableng higaan ngunit makati naman ito sa balat....


Muli akong gumalaw at naginat-inat


Sa huling pagkakatanda ko ay kasama ko ang dalawang makapangyarihang nilalang na nakausap ko


Agad akong tumayo at agaran ding tumanaw sa labas upang malaman kung saan talaga ako dinala ng dalawang makapangyarihang magkapatid na iyon


Ngunit bago ako lumabas ng lugar kung saan itinatambak ang dayami ay may humawak sa seradura ng may kalakihan ding pinto


"Ako ay inutusan ng prinsipe at prinsesa na kayo ay dalhin dito binibini, hindi raw kasi sila maaring makitang makasama ang itinakda...magiging kasalanan sa kanila ang kausapin kayo habang hindi pa sila nanunumpa bilang tunay na pinuno ng imperyong ito" agad na sabi ng matandang lalaki na ito.


Maayos naman siyang tignan at mukhang disente rin ang trabahong mayroon siya


"Kung gayon ay nasaan po ba ako?" agad kong tanong sa kaniya


"Kayo ay nasa mundo ng mga bampira....hindi kayo naasikasong maihatid ng magkapatid dahil mayroon pa daw po silang aasikasuhin binibini" sambit niya


"Ngunit bakit hindi nila ako itinawid sa mundo ng mga tao kung ganon?" walang emosyon kung sabi


"Katulad nga po ng aking nabanggit kanina ay may inaasikaso pong mahalaga ang magkapatid..." wika niya


"Kung ganoon ay sino ang magtatawid sa akin sa kabilang mundo..." walang gana kong winika.


Anong balak nila sa akin? Maiwan dito sa mundo na ito? o mas malala ay mamatay? mundo ito ng mga bampira? anong laban ko sa mga nilalang na tulad nila?


"Kung gusto niyo po ay hintayin niyong bumalik ang prinsepe at prinsesa upang personal po kayong mahatid ng kagalang-galang na magkapatid" tila naawa niyang sambit.


"Mukhang wala din naman po akong pagpipilian....." agad kong sagot.


EROTIC VAMPIREWhere stories live. Discover now