[ CHAPTER 3 ]

4.7K 63 7
                                    


[ZELLE's POV]


Nagulat kami ng Mama ko ng biglang bumukas ang pinto at nandoon si Sir Calix at parang nagmamadali pang pumunta dito dahil parang hingal na hingal siya .


"Anong ginagawa mo dito ? diba ayaw mo na sa akin ? pinaalis mo na ako ? at ayoko na rin naman sayo !! " sabi ko namang pasigaw at umalis sa yakap ng Mama ko.


"Zelle sorry , hindi ko naman sinasadya , galit lang talaga ako kanina , please ? bumalik ka na , hindi ko intensyong saktan ka , please bumalik ka na" sabi ni Sir Calix , kinakalabit kalabit naman ako ng nanay ko .


"Umalis ka na , hayaan mo akong magisip dahil kailangan ko rin naman ang trabaho , pero hindi ko hahayaan apakan mo ang dignidad ko ng paulit ulit , umalis ka na" sabi ko na agad namang sinunod si Sir Calix . 


Sinabi ko na lamang iyon para hindi na mangulit pa si Sir Calix dahil naiirita ako sa kaniya . Pagkaalis ay pabalya kong sinara yung pinto para dama ni Sir Calix ang galit , ang galit na galit na ako .


"Anak yun ba yung boss mo ? ke-gwapo naman pala ehhh, patawarin mo na? " sabi ni Mama .


"Ma naman kala ko kakampi kayo" sabi ko sabay mahinang .


"Anak ang gwapo----ay este hindi naman lahat ng tao ay sinasadya ang mga nangyayari , patawarin mo na , ang kisig at ang tangkad at mukhang mabango hahaha, pakasalan mo na kaya? " pangaasar ni Mama .


"Maa naman , sige na matutulog na ako , pagod na pagod na po ako , Goodnight ma" agad kong sabi .


Hindi ko na inantay pang sumagot si Mama at umakyat din naman na ako 


-----------


Ito ako ngayon nakaharap sa salamin dahil di ako mapakali kung anong damit ang susuotin ko ? bakit ko ba iniintindi ang susuotin ko ? 


Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na magdress na above the knee na mint green na at hindi sa magkaclub ako mamayang gabi , dahil hindi sa nagmamalaki ay mayron naman akong dibdib hindi lang basta meron dahil malulusog ito at sa tingin ko ay sapat na para makaakit ng sapat na kalalakihan , medyo litaw ang clev*ge ko ng kaunti .


Nandito na ako sa 1st floor ng building ni Sir Calix at dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pagiisip kung ano ang magiging desisyon , kinakabahan ako sa bawat hakbang na aking ginagawa .


Dahil sa kaba ay di ko na nabantayan ang bawat pagtahak ng elevator na to , nakarating na ata sa last na floor , nasa 49 ang floor ni Sir Calix .


Dahil ako ang secretary niya ay walang nagbabantay sa kaniyang pinto . 


Agad kong pinihit ang seradula ng kaniyang double door . 


Bumulaga sa akin ang bising busy na si Sir Calix , habang may hawak na papel ang isang kamay ang isang kamay naman ay nakasabunot sa kaniyang buhok , hindi niya ako napansin siguro ay dahil sa dami niyang ginagawa . Napakapogi naman pala niya , oo tama napakapogi ni Sir Calix.

EROTIC VAMPIREWhere stories live. Discover now