[ CHAPTER 6 ]

3.2K 44 2
                                    


[ZELLE's POV ]

Hindi pa din ako makapaniwala na ginawa sa akin ni Sir Calix , nandito na ako sa bahay at kumain , naligo at kung ano ano na ang nagawa ko ay wala pa din , Ohhhmyy! paano na to.


Buti nalang at linggo at magkakaroon ako ng time para makapagisip isip .


Buti nalang at nag advice ako kay sir na bigyang pahinga ang mga trabahador niya kapag araw ng linggo , kahit na may ilan ilan na pumapasok pa din dahil kailangan ay okay na din naman to.


Naiisip ko pa din kung paano ako hinalikan ni Sir Calix , ayyy! erase erase , ano ba naman tong isip ko nakakasura kung ano anong kahalayan ang iniisip , nakakainis din naman si Sir Calix ehh , pinapabilis niya ng tibok ang puso ko , pero bakit at paano ?


Hindi ko alam kung bakit bumubili ang tibok ng puso ko kapag malapit sa akin si Sir Calix oh kahit man lang maisip ko siya , nakakainis pati nga halos sa panaginip na? ano ba to? hayssss.


Nandito kami ngayon sa provinsya dahil sa pinsan kong kinasal , hindi naman pwedeng hindi kami pumunta dahil minsan lang naman nagkakaroon ng ganito , saka kapag nagkakaroon nga mga ganitong mga imbitasyon ay nagiging reunion na din ito ng pamilya namen sa side ng nanay ko .


"Ohh nandyan na pala kayo , kala ko ay di na kayo makakadalo dahil napakalayo ninyo samen , nako Mildred sakto lamang ang dating ninyo at nandito na rin naman ang kasal , Halika na kayo kumain na muna kayo , Mildred yung mga anak mo papuntahin mo na doon" Sabi ng Tyahin ng Nanay ko , si Tyang Rosa nalang ang natitirang kamaganak namin na nabubuhay dahil dala na rin sa katandaan ay pumanaw na ang iba naming kamaganak .


"Sige ho Tyang , ipapababa ko nalang po muna kina Zelle yung gamit sa loob para po hindi na sila mahirapan" sabi ng Nanay ko .


"Zelle pasok muna kayo don at lumabas din kayo agad at magagalit si Tyang Rosa niyo kapag di muna tayo kumain" pasunod na sabi ng Nanay ko .


Pumasok na kami sa simpleng dalawang palapag na bahay ng Tyang Rosa ko , simple man ngunit elegante ring tignan , siguro ay medyo nakakaluwag ngayon sina Tyang Rosa .


Di na rin ako nakapagpaalam kay Sir Calix , dahil biglaan ang pagimbita sa amin at nakakapagtaka nga daw dahil hindi dumating ang imbitasyon , nalaman nalang namin na may roon palang kasalan dahil sinabe ng mga kapatid ko na nakita daw nila sa Facebook .


Nagiwan naman ako ng Letter bago ako umalis , dumaan muna ako sa kompanya ni Sir Calix at mas inagahan ang pagpasok dahil ayokong abutan niya ako at kung ano na naman ang mangyari.


Nakasulat sa Papel na ...


Good Day Sir Calix

                           Pagpasensyahan niyo na po ang pag - absent ko Sir Calix , biglaan din po kasi ang pagimbita sa amin ng kasal ng kamag anak po namin sa Jolo , Aabutin din po siguro ng dalawang linggo ang pag - absent ko Sir Calix , pasensya na po at hindi ko po muna magagawa ang trabaho ko sa loob ng dalawang linggo  , tinapos ko naman na po ang ibang gawain na nakatambak dyan sa lamesa ko . Yung report po ng Finance at Accounting Department at nasa table ko po , Light Red at  Red na kulay po ng Folder , yung sa Client po natin na Files nasa , table niyo po sir , yung sa schedule naman po ng meetings niyo naayos ko na rin po . 

EROTIC VAMPIREWhere stories live. Discover now