[ CHAPTER 32 ]

1K 15 2
                                    


[ZELLE's POV]


Asumoya...astinisilo...moyareleva..komonis...


  Asumoya...astinisilo...moyareleva..komonis... 


Asumoya...astinisilo...moyareleva..komonis... 


Hindi ko alam kung ano ang mga salitang kanilang binibigkas...maya-maya ay naramdaman ko na parang lumuluwag ang makapangyarihang laso na bumabalot sa aking katawan...


Hindi biro ang mga taong nasa harapan ko...may mga taglay silang kapangyarihan at kahit sa sarili ko na hindi ko ito mapaliwanag...ay hindi ko hinayaan na maging paranoid ako katulad ng iba...nararamdaman ko lamang na kailangan kong maging kalmado sa oras na ito.


Hindi ko rin naman maramdaman sa kanila ang panganib bagama'y may mga taglay silang kapangyarihan.


"Ano ang pangalan mo?" walang kagatol-gatol na tanong ng babae sa akin matapos nila akong kalagan.


"Ako si Trizelle, madalas nila akong tawaging Zelle, ano bang kailangan niyo sa akin?" bawi ko din namang tanong sa kanila matapos kong sagutin ang kanilang katanungan.


Hindi ako dapat magpalamang sa kanila, dapat ay gumagana pa din ang aking pag-i-isip sa mga oras na ito.


"May alam ka ba sa mga nangyayari sa paligid mo?" tanong naman ng lalaki.


'Hindi pa din nila sinasagot ang katanungan ko.'


"Paano ko malalaman ang mga nangyayari kung hindi kayo magsasabi, hindi ako manghuhula na bigla na lamang mauunawaan ang sitwasyon ko ngayon" monotono kong sagot.



"Wala ka bang ibang mahal sa buhay na nagpaliwanag sayo ng mga kababalaghang nangyayari sa paligid mo?" tanong muli ng makisig na lalaki.


"Bukod sa mga kapangyarihan niyo na natuklasan ko? at pagpatay na naganap bago niyo ako makulimbat at sa ibang pang bagay na nakababahala ay marapat nga na dapat kayo ang magpaalam at magpauna sa akin ng mga bagay-bagay." mahaba kong pagwiwika.


"Dahil pakiramdam ko naman na mabuti ang kaniyang kalooban ay marapat lamang na magpakilala na tayo sa kaniya kapatid ko." wika ng magandang dilag na nasa aking harapan.


"Ako nga pala si Princess Himoya anak ng kareretiro lamang na pinuno ng council  sa kaharian ng mga bampira" Mahinhin ngunit buo ang kaniyang boses sa pagsasalita.


Hindi na ako nagulat muli sa kanilang mga nabanggit dahil pakiramdam ko naman sa mga taong nakasasalamuha ko na hindi sila normal na mga tao.


"Binibini ako ang nagiisang Prinsipe na kaniyang kambal, ako si Prinsipe Lawrence" maiksi ngunit makabuluhan niyang pagsambit.

EROTIC VAMPIREWhere stories live. Discover now