[ CHAPTER 22 ]

1.5K 23 0
                                    


[ZELLE's POV]


Ilang araw na akong naghihintay ng reply mula sa estranghero na nakapagpalitan ko ng mensahe noong nakaraang tatlong araw.



Hindi pa din siya nakakapagreply mula sa huli kong mensahe.



Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya...hindi ko alam kung bakit parang gustong gusto ko siyang replayan kahit hindi ko pa siya kilala



Kahit na alam ko na may mga manlolokong ganito at nauuwi sa marahas ng krimen once na nakipagkita na ito sa mga bibiktimahin nito



Ngunit iba ang kutob ko....ngunit iba ang nararamdaman ako...alam kong mabuting tao ang estrangherong tinutukoy ko...



Ni hindi ko nga alam kung babae ba o lalaki ang estrangherong iyon...basta ang alam ko ay mabuti siyang nilalang...




------------


[ZELLE's POV]


Maaga akong pumasok sa kompany na pinapasukan ko...katulad lang noong baguhan pa lang ako dito ay naging normal naman ang nagaganap sa paligid.



Trabaho at trabaho nalang palagi.....



Maagang papasok at maagang uuwi...at uulit na naman papasok at uuwi na naman....hanggang sa dumating ang kinsenas katapusan at sasahod...mamimili ng mga kailangan gamit at pagkain....at lilipas na naman ang araw na magtatrabahong muli.



Bumaba ako ng cafeteria at normal din ang nangyari....maraming kumakain ng sari-saring putahe ng ulam na inihanda ng cook ng kompanya...



Medyo may pagkamahal ang mga tinda sa loob ng opisina ngunit bawi naman ito sa kalidad, masarap ang nilulutong mga ulam at mamahalin pati ang kanin na kanilang isinasaing.



Wala kang makikitang softdrinks....sigarilyo....junkfoods....kwe-kwek...o yung mga pangkaraniwang pagkain na may murang halaga...karaniwan dito ay mga medyo may kamahalang tinda.....



Lumapit ako at nagumpisa ng pumila...binubuo ng labing-limang katao ang pila....



Agad kong inilipat ang tingin ko sa isang malaking paskil na kinalalagyan ng mga presyo ng mga tinda dito....

EROTIC VAMPIREΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα