[ CHAPTER 21 ]

1.5K 19 2
                                    


[ZELLE's POV]


Ganun na lamang ang gulat ko ng biglang magsalita sa likuran ko si Damon. 


Di ko alam ang isasagot ko.....


Di ko naman pwedeng sabihin na naibato ko nalang ito basta....


"Luma na kasi Sir ehh dapat lahat ng luma at sira pinapalitan...." pagpaparinig ko...wala na akong ibang masabi...at mas nananaig pa din ang galit na bumabalot sa buong katawan ko.


Tinaasan niya lang ako ng kilay....at nakita ko ang ngising may halong ngiti ang umaliwalas sa kaniyang mukha.


" So...You're still affected huh?" prankang sabi niya....


"Affected? Ako?! Sir hindi ba nagkakamali lang kayo?" balik ko sa kaniya , sabay ng pagtaas ng kanan kong kilay.


"Ako apektado? baka ikaw hahahaha...im happy now..." balik niyang sagot.


"Ohhh yun naman pala ehh...bakit nanggugulo ka pa din....?" malapit na akong mapuno....sako sakong pagtimtimpi ang meron ako.


"Di ba pwedeng may kasama lang akong mamasyal at kumain lang kami dyan sa tabi at sinamahan ko lang siyang umihi pero nauna siya dahil ihing ihi na siya?" pagngisi niyang muli...


You're playing with me huh.... bulong ko sa utak ko.


"So dapat sundan mo na siya ngayon?...baka kasi hinanahap ka na ng bago mo?...." pinilit kong walang halong galit ang bawat salitang binibitawan ko


"Di ko nga sigurado kung iihi lang siya ehh...siguradong sumasakit ang tyan non baka dumumi lang.....ayaw mo na ba akong makausap agad? ngayon lang tayo ulit nagkita ah...." pagiiba nya ng usapan.


"Sa ngayon nga po eh...namimili po kasi ako ng cellphone eh...kasi luma na yung cellphone at dapat ng palitan....luma na ehh...kaya nagloloko...dapat talagang palitan..." pagsasabi ko habang pini fill up-an angresibo na binigay ng babae...para daw sa warranty?... 


"Hahahaha....bakit nga ba ngayon mo lang naisipang maghanap ng bago?....matagal na atang nagloloko yang cellphone mo ah....." pangaasar niya pa.


"Ngayon ko lang po kasi nalaman ang mga bagay bagay...na may mga bagay na dadating at aalis sa buhay natin pero may mga bagay ding nagiistay...pero siguro itong bagong cellphone ko na ito na yung magtatagal...." di ko na alam kung ano ang pinaguusapan namin.


"Sana nga magtagal na yan...hahahaha pero hindi ba gumagana pa dati yung cellphone mo? ayaw mo na ba sa kaniya?....ganon na lang basta? iiwan mo? iiwan mong wasak? iiwan mong sira at hindi na makakagalaw pa?" seryoso niyang tanong...


Pagkatapos kong fill up-an ang mga tanong ay agad akong humarap sa kaniya at ganon nalang ang gulat ko ng nakatitig pala siya sa akin.

EROTIC VAMPIREWhere stories live. Discover now