[ CHAPTER 25 ]

1.3K 21 2
                                    


[ZELLE's POV]


Nandito ako ngayon muli sa starbucks...dahil sa napagusapan naming dalawa ni Kahlil na paguusap, hindi ko din alam kung bakit pumayag akong makipagkita sa kaniya gayong hindi ko naman siya gaanong kilala, basta may pakiramdam lang ako na dapat makausap ko siya.


Linggo ngayon at nakapagpaalam naman ako kay Sir Damon na ngayon ay mag li-leave muna ako at sinabi kong kailangan kong magpahinga which is totoo naman.


9:00 AM na ng umaga ng makarating ako sa starbucks dahil dumaan muna ako sa simbahan para magsimba...dahil yun nalang yung tanging araw na libre at para makausap din si Lord at magpasalamat sa mga blessings at dahil kinakaya ko ang mga problemang dumadating sa buhay ko.


Hayyy Drama naman! bulong ko sa sarili ko



Umorder naman na agad ako ng black coffee lang dahil nakapagalmusal naman ako sa bahay.



Maya maya pa ay agad naman akong umayos ng upo ng makita kong malapit na si Kahlil.



Nakuot siya ng jeans....isang puting vans para sa sapatos at isang v-neck na black na shirt, simple pero ang gwapo na niyang tignan.



Agad din naman siyang umupo sa kaharap kong upuan.



"Goodmorning Zelle..." mahinahong bati niya, sabay ngiti at dahil doon ay nakita ko ang dalawang dimpes niya....



"Hm..Goodmorning din...anong order mo?" agad na tanong ko.



"Katulad nalang rin ng sayo...." sagot niya naman agad.



Agad naman akong tumayo para maorder na sa counter yung coffee na inorder ko din kanina.



"Isang black coffee nga po ulit" pormal na saad ko.



-----------


[KAHLIL's POV]



Ang ganda ni Zelle...alam kong mali...alam kong parang ang baliw lang pakinggan na parang naiinlove na ako sa kaniya.



Hindi ko alam...kung bakit hindi ko matigilang titigan siya...mayrong kung ano sa kaniya na hindi ko mapaliwanag.



Ang ganda ganda niya...at ramdam ko ding mabuti ang kalooban niya...ano pa bang hahanapin ng isang lalaki sa isang babaeng halos perperkto.

EROTIC VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon